Chapter 3.

1.9K 44 3
                                    

Pagkatapos niya itong pirmahan at tumayo na siya para makauwi ng higitin siya nito. He kissed her passionately.

Nanlaki ang kanyang mga mata at napa-awang ang kanyang labi ngunit dahil rito pumasok ang makulit nitong dila sa loob ng kanyang bibig. Napapikit siya at tinugon ang mga halik nito. She wrapped her arms in his neck.

"Fuck Taki!"

Kaya kinawit niya ang binti sa bewang nito. Kaya naglakad ito at hinagis siya sa kama. Hinubad nito ang t-shirt at napatitig siya sa katawan nito. Namula ang kanyang pisngi at mas lalo nag-init ang kanyang katawan.

Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya. Tutugon na sana siya ng humiwalay ito at hinawakan ang kanyang kamay at dinala ito sa matigas nito tyan.

Namula ang kanyang pisngi at tinulak ito ng matauhan sa nangyari. Nagpakarupok siya sa halik nito. Tatayo na sana siya ng itulak siya nito pahiga.

"You're mine now, Tamaki Yvonne. Fully mine."


Naalipungatan siya nang may bigla nag-ring kaya kinuha niya ang cellphone.

[Tim, alam kong ayaw mo ito pero please, don't stop me from loving the man I love.]

"M-mom?"

[Y-Yvonne...]

Bigla na lang nito binaba ang tawag kaya tinignan niya kung kaninong phone ang hawal niya. Nakita niya na kay Timothy ito kaya binaba niya ito.

May bigla naman yumakap sa bewang niya kaya napatingin siya dito.

Nakita niya si Timothy. Kaya bigla niya naalala ang nangyari. Nanlamig siya na mapagtanto na may nangyari sa kanila. Na sinuko na niya ang sarili sa lalaking minahal niya na sinaktan lang siya, na ngayon ay lalaki ng mommy niya.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nito at dahan-dahan tumayo. Ngunit napatigil siya ng maramdaman niya ang pananakit sa pagkababae niya.

Wala na.

Kaya nagmadali siyang pumasok sa may walk in closet nito. May nakita siyang pambabae kaya dali-dali siyang lumapit don ngunit napatigil siya.

Kanino ba ito? Sa mga babae nito o sa mommy niya?

Napangiti siya nang mapait.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa mommy niya. Mukhang bata pa ito. Maganda at sexy pa ito. Ito yung mga gusto ni Timothy, maganda, sexy.

Eh siya, walang wala siya kumpara sa ina, may ipagmamayabang naman siya sa katawan at mukha pero hindi katulad nito ng ina na parang model pa ito. Eh siya parang isang ordinaryong babae lang, tama lang.

Mas matangkad lang siya sa mommy niya. Na minana niya sa kanyang ama.

Pero hindi niya maiwasan na maiinggit sa mommy niya at magalit.

Dahil imbes na ayusin ang pamilya nila at ang pagsasama nila ng daddy niya pero nakipagrelasyon pa ito sa asawa niya.

"Baby? Are you there? Breakfast is ready."

Napatalon siya at dali-dali siya kumuha ng damit at hindi na niya pinansin kung anong damit ang kinuha. Sinuot niya na lang ito.

Nasa tapat na siya nang pintuan pero hindi pa rin siya lumalabas. Nahihiya siya sa nangyari kagabi.

Huminga na siya nang malalim. "Kaya ko to." Bulong niya sa sarili.

Sabay yuko niya nang binuksan niya ang pinto. Ngunit hindi pa rin siya lumalakad palabas. Pero hinila siya ni Timothy at binuhat ito na parang sako.

"Timothy! Ano ba! Ibaba mo nga ako!" Pinaghahampas niya ito sa likod, imbes na masaktan ay tumawa lang ito.

Binaba siya nito sa kama kaya napahiga siya, dumagan ito sa kanya kaya napalaki ang mata niya.

"A-ano ba?! Umalis ka nga sa ibabaw ko! Alis!"

Tumawa ito pero hindi umalis sa pagkakadagan sa kanya. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa, at bumalik sa kanyang mga mata.

"Ang tagal mo kasing lumabas. Isang oras na akong naghihintay sa 'yo. Kaya kinatok na kita ro'n para sana mag-breakfast pero parang ibang breakfast ang gusto ko. Na-miss kita agad."

Namula ang pisngi niya. Hindi dahil sa isang oras na siya sa walk in closet kundi dahil na-miss siya nito.

Napayuko siya.

Nakatitig pa rin si Timothy kay Tamaki at hinawi ang buhok nito. Kaya napatingin ito kay Timothy. Mas lalo naman namula ang pisngi nito.

"You're beautiful, Taki. And I'm addicted to you. " Saka niya ito hinalikan na tinugunan naman niya. At nagpadala na naman ulit sila sa init ng kanilang mga katawan at damdamin.

Bumuntong hininga siya bago lumabas nang sasakyan. Papasok na sana siya ng kwarto nang may humablot sa braso niya at palad na sumalubong sa kanya.

"Ba't ngayon ka lang?! At bakit nandoon ka kay Timothy?! At ngayon ka lang umuwi, ganto ba ang uwi ng babae, ha, Yvonne?"

Napahawak siya sa pisngi niya at tinignan ang sumampal sa kanya.

Isang babaeng namumula sa galit. Ang kanyang mommy.

Game Of Fire Where stories live. Discover now