Chapter 47: Those Eyes

Start from the beginning
                                    

Pinakilala ako ni Axel sa naka-assign na mag-assist samin dito sa hotel na si Ricky. After non, habang kausap ni Axel ang ibang organisers sa tabi ng stage, ako ay nanatili lang nakaupo sa table at tinatapos ang new designs ko.

"Ma'am, coffee po?" Sabi nung babae na naka-uniform.

"Just put it there." Ang sabi ko dito at binalik ang attention ko sa paper. Pero nagulat nalang ako nang biglang mabuhos ang coffee sa designs ko at napatayo ako nang tumulo din ito sa pants ko. "Oh my God!"

"S-Sorry po Ma'am! Hindi ko po sinasadya!" Hindi alam ng babae kung anong gagawin niya. Agad siyang kumuha ng tissue at pupunasan na sana ang nabasa kong damit nang marahas kong tapikin ang kamay niya palayo.

"What did you do?! Tignan mo ang ginawa mo!" I shouted, pointing at the drenched papers on the table.

Lahat ng tao sa loob ay nakatingin na sa amin at nagsimulang magbulungan. Agad na lumapit si Axel. "What's happening here?"

"This stupid clumsy girl just ruined my fucking designs!"

"S-Sorry po talaga Ma'am! Hindi ko po talaga sinasadya. Sorry po." Nakayuko siya at umiiyak na ngayon, pero wala akong pakialam.

"Sorry?! Do you know how much time I spent for this, huh? Syempre hindi mo alam kung gano kaimportante to! At hindi mo sinasadya? Ang sabihin mo tatanga-tanga ka lang talaga! Urgh!" Galit na galit talaga ako. Hindi ko alam kung dahil din ba masama ang pakiramdam ko kung bakit OA ako magreact ngayon. Nakaramdam ulit ako ng hilo at hapdi sa may hita ko pero hindi ko yun ininda. Basta ang alam ko lang I'm so pissed.

Pinipigilan na ako ni Axel habang si Ricky naman ay humihingi ng pasensya dahil sa katangahan ng empleyado nila.

"Anong nangyayari dito?"

Isang napaka-pamilyar na boses ang dumating at galing pa sa taong ayaw kong makita ngayon. Bakit siya nandito? ah, tanga Brianna. Sa kanya hotel pala ito. Ngayon nandito sya pero take note, kasama niya ngayon ang secretary niya. Great.

Argh ano ba talaga ang nangyayari sakin? Sobrang init ng ulo ko ngayon.

Pagkatapos sabihin ni Ricky sa kanya ang nangyari, medyo nagulat ako nang humarap siya sakin. Pero siyempre hindi ko yun pinahalata sa kanya.

"We do apologise for what happened Miss Hermosa.. but you didn't have to go overboard." Mahinahong sabi nito.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig and so I looked at him in disbelief. "Excuse me? Are you saying na wala akong karapatang magalit dahil sinira lang naman ng tangang empleyado mo ang mga important designs ko?Is that what you are implying, huh MR. DY?!" I snapped, putting stress on his name.

Naiinis ako! What's with his tone? Parang sinasabi niya pa na ako ang may kasalanan!

"No, what I am implying is it is partly your fault too. Kung hindi sana ganyan ka-bayolente ang approach mo edi maayos ang lahat."

The Casanova SistersWhere stories live. Discover now