Five

2 1 0
                                    

Kinabukasan

Matapos ang klase ko ay dumaretso agad ako kina Lola sa laguna kung Saan nakatira si dad at hinanap doon si daddy

"Anak!" Niyakap agad nya ako nang makita

"Dad" pormal lang na sabi ko

"Kamusta kana? Tagal din natin di nagkita ah?" Maluha luhang sabi nya

"Why are you crying dad? Duh it's only been 3 months!" Ngising sabi ko

"Baby, 3 months parin yun! Namiss ko ang anak ko syempre!" Ay niyakap nya ulit ako ay Hindi ko naman nagawang umangal

"Siya nga pala, bakit ka napadalaw dito? May problema ba? Ang kuya mo kamusta na? Ha? Na paano? Kamusta kayo? Hindi ka babyahe nang walang dahilan, ang kuya mo tuluyan na nang nag asawa? Ikaw? Buntis kana ba? Bibigyan mo naba ako nang apo? Ang nanay mo? Bat Hindi ka naimik? Ano! "

"Dad" malumanay kong sabi

"Ano!"

"Wag kang oa"

"Tss! E ano nga kasi yun?"

"Dad, first of all imposibleng mabuntis ako nang walang jowa! Second EX KONA YUNG JOWA KO! REMEMBER?"

"AY! OO NGA PALA! OMG MAY EX NA ANG BABY KO! IM SO PROUD OF YOU CONGRATULATIONS BABY!" galak pang sabi nya

Napakamot nalang ako sa sentido at napayuko jusko bakit nyo ako binigyan ng ganitong tatay! Lumabas na naman ang pagiging Chaka nya! Sinong tatay ang proud pa dahil may ex na ang kanyang anak!? HAYS

"Dad! Anong nakakaproud sa pagkakaroon ng ex! Ang sakit ha! Masakit na part yun sakin, kasi minahal mo nun ex Mona ngayon" atungal na sabi ko

"Aww, sorry naman baby ko. Iniwan kaba? Hahaha deserve mo yan ang maldita mo kasi tsaka napakaprangka mo kaya minsan nakakaoffend rin, try mo magbago?"

"Tss, Hindi ko ugali yan dad. Ni Hindi ko nga ugaling magsalita ng magsalita"

"Eh sige sige na! Oo na, pero seryoso, bakit ka naandito? Hindi naman sa ayaw kita kasama pero ano ang dinayo mo? Biruin mo nagdrive ka magisa para Lang puntahan ako?" Seryosong sabi nya

"Dad, may nangyari kasing Hindi maganda kay mom- HEEEP! Mamaya  kayo magreact ako ang bida sa kwentuhan ngayon" so ayun kwinento ko lahat ng nangyari sa bahay hanggang sa napunta sa ospital. "At yun dad after kong umuwi galing school biglang naandon lahat sila sa salas then my mom told me na may offer Siya samin ni kuya, at ang offer nya ay kailangan mag unahan Kami ni kuya na mag asawa para sa kayamanan na ipamamana ni mom sabi nya bago Siya mawala kung sino ang mauuna sa amin ay yun ang bibigyan nya at ang isa ay wala!" Mahabang paliwanag ko

"What! Bakit ang unfair? Paano ka wala kang jowa talo ka! HAHAHA" hagalpak na sabi nya

"Tss dad this is a serious matter! Wag ka ngang ano jan! Pwede bang isantabi mo yang pagiging chakadoll mo? Di bagay sayo lalo na ang baho ng bibig mo ngayon"

"ARAY! ANG ARTE MO HA! FYI SERYOSO RIN AKO TOTOO NAMAN AH! SA NGAYON PALANG TALO KANA DAHIL WALA KANG JOWA" atungal rin na sabi nya na nanlilisik pa ang mata

"Eh yun nga ang problema dad! Wala akong jowa, paano ko makukuha yun? At kung kukunin ko talaga yun ay ayoko, wala sa Plano ko kunin yun kaso wala naman akong alam na kukuhaan nang allowance kung Hindi ako lalaban doon lalo na dad nag aaral ako, kung aasahan ko ang convenience store ni mommy, Hindi habang buhay kikita yun dad! At isa pa may sa— At alam nyo naman Diba dad yung gusto kong tulungan na orphanages? Gusto ko talaga sila tulungan kaya gusto ko kumita para sa kanila" nauutal na palusot na sabi ko

"I understand you anak, pero wala kasi akong maisip na paraan para makuha mo yun nak kundi maghanap ng jowa, kung ako sayo nak kung may offer sayo ang mommy mo at gusto mo talaga makuha ay, magoffer ka rin sa mga lalaki para pumayag si-"

"NO WAY DAD! HINDI AKO GANUN, HINDI NAMAN AKO GANUN KADESPERADA PARA MAKAHANAP NG LALAKI A BIG BIG NO!"

"Edi arrange marriage ulit! Ay kaso wag na pala yun, naalala ko naboplaks ang inarrange marriage sayo baby! Baka pag ginawa ulit natin maboplaks ulit huehue"

"Dad! Hindi yan biro, wag kang magbiro dahil Hindi nakakatawa oke? Naistress ako kaya nagpunta ako dito para makahingi nang advice sa inyo Hindi para ibaling sa akin yan" nangingilid na luha na sabi ko

"Sorry baby, Oo na pero nak seryoso wala akong ibang way na alam kundi ang maghanap ang jowa sinabi Mona na ex mo na pala ang jowa mo, at naulit mo narin sakin nung huli tayong magkita habang umiiyak ka na may fiancé na ang jowa mo tapos humagulgol ka-"

"Dad! Dad! Wag mona ibalik yun pleaseee! Its been a year! A hell damn year! So please stop!"

" okay okay nak walang Masama kung susubukan mo maghanap nang lalaki, Malay mo destiny mo pala yun, yung tipong mahulog ka sa kanal may sasalo sayo, yung tipong magsusuicide kana may pipigil sayo yung mga ganern! Tapos kung wala kang mahanap nak Edi doon, tapos ang Laban! Wala naman mawawala sayo kundi babaan mo Lang ang taste mo sa lalaki kasi kung hahanap ka kahit sino yan, tapos kainin mo Lang ang pride mo sa paghahanap" seryoso namang sabi ni dad

May point naman Siya.. kaso ayoko yata.

"I'll think about it dad" pilit na ngiti kong sabi

"Nak basta isipin mo rin na para yan sa sarili mo at matutulungan mo pa ang ibang tao dahil sa mga donation mo sa orphanage pati yung convenience store na malapit na maging sayo, mas palakihin mo at kung mauuna ka sa kuya mo, sana wag mo Siya kalimutan bahagian ha?"

"Yes dad! Thank you"

"Welcome my baby, enough drama na ha! Wag ka masyado magpakastress sa buhay. Handa na ang pagkain dito kana muna magtanghalian" ngiting sabi nya

Tama Lang ang laki nang bahay Nina daddy kumpara samin na halos walong beses nitong bahay na ito ang amin pero kahit ganun ay simple parin at tama lang sa isang pamilya At ayun pumunta na Kami sa dining area at pagkakita ko sa ulam..... TUYO! AT TSAKA....GALUNGGONG! Nanlaki ang mata ko habang si dad naman ang ngingisi ngising tiningnan ako

"Sorry baby, Hindi mo naman kasi naulit na pupunta ka e Hindi ko tuloy napaghandaan! Masarap yan dont worry at kapag ganyan ang ulam ay Hindi uso ang spoon and fork bet?"

"Ah-ahhh- ah sa restau-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil hinila na ako ni dad papunta sa lababo para maghugas ng kamay

Kumain lang Kami matapos nun at maya maya umuwi na rin ako pa balik sa bahay namin



Thank youuu!

Love and Desperate (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon