Dugo't pawis pinuhunan,
Pagmamahal mo'y di matutumbasan ng kahit nino man.
Hindi naging hadlang ang kaHirapan upang abutin ang kagustuhan.
Lagi mong lintanya "anak ok lang" pero inay pagod kana, magpahinga ka muna.
Pagtrabaho'y walang tigil
Para sa anak walang titigil,
Sana sa mga anak jan inyong maisipan.
Sakripisyo ng iyong ina para sa inyong pamilya.
Pag isipang mabuti bago magwaldas ng pera.
Inaasahan ng inyong pamilya nag aaral ka, ang iyong ina tuwang tuwa sabay sabing "Anak graduating kana!" Ika'y natatakot at hindi mo masabing "Inay walang graduationg magaganap"
Dahil nong mga panahong dapat ika'y nag aaral, iba ang iyong inatupag. Sama sa barkada inom dito, inom doon. Sigarilyo dito, sigarilyo dun.
Bisyo dito, bisyo dun.
Sa madaling salita naging pabaya ka. At wala kang matinong ginawa.
Pag ika'y napupuna, lagi mong sagot "Tama na, lagi nalang mga mali kong nagawa ang inyong nakikita!" Papalampasin iyon ng iyong ina, dahil sya'y umaasa na magbabago ka.
Darating ang araw at sya'y mapupuno, wag mo syang sisisihin pag sya'y mawalan na ng tiwala sayo. Ngunit kahit na ganun tandaan mo mahal ka nya at kahit kelan hindi iyon magbabago.
Nagdaan ang mga araw ika'y mas lumala pa, umuwi ng madaling araw at lasing, tanong ng iyong ina "anak san ka nanggaling?" Ngunit Dahil sa likas kang bastos, sagot mo'y "wala kang pakialam"
Tutungo ang iyong ina sa kwarto ng may luha sa mata, tanong sa sarili "Bakit ka naging ganito? Anak ko?" Sisisihin ang sarili dahil sa mali mong nagawa, ikaw ngayon ang tatanungin ko, hindi ka ba naaawa't nakokonsensya?
Makalipas pa ang ilang buwan wala ka paring pinagbago, wal wal is life ka parin at hindi nagtino. Isang araw hindi mo namalayan. May nahalo pala sa iyong inumin na naging dahilan ng iyong pagkahilo.
Paggising kinabukasan hindi matandaan ang kaganapan nung nakaraan, hindi mo alam katawan mo pala'y napaglaruan. Makalipas ang ilang buwan ika'y may naramdaman. Pagkagising hilo't masakit ang ulo. Naghahanap ng maasim at natutuliro.
YOU ARE READING
Someday!
Non-Fictionma! someday you will not work anymore, you will live a comfortable life, you will go wherever you want. You will travel as long as you want, and you will just sit and relax because we won't allow you to work anymore, we will give you back all of you...
