35

23.2K 424 38
                                    


"NANDITO ka na sa Albay?" bulalas ni 'Nang Olivia nang sabihin ni Hannah na nasa Legazpi Terminal na siya. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'min nang naipasundo ka namin diyan sa terminal?"

"May pupuntahan pa naman po ako."

Paminsan-minsan ay pumupunta siya ng Albay upang bisitahin ang mga tao doon, matapos mailipat ang pangalan ng lupa sa kaniyang Lola Concha ay napagdesisyunan na ng abuela na doon na muling manirahan kasama ng kaniyang Mama Helen. Katunayan ay palagi siyang pinadadalhan ng mga ito ng larawan kasama ang mga trabahante doon, they all looked so happy. Kinakailangan naman niyang manatili sa Maynila dahil sa trabaho niya.

"Huwag mong sabihing buong-araw ka na namang maghihintay sa waiting shed na 'yon? Dumeretso ka nalang kasi dito sa mansiyon, ipasusundo kita kay Sebastian." Alam na nito ang iniisip niya, taon-taon nalang ay iyon ang nakagawian na niyang gawin.

"Kilala mo na nga talaga ako, Manang," sabi niya. "'Wag niyo nang abalahin si Sebastian, marami 'yong ginagawa."

"Hannah!" Alam niyang nag-aalala ang mga ito sa kaniya.

"Tatawagan nalang kita 'pag papunta na ako ng hacienda, okay?" nakangiting sabi ni Hannah. "See you later!" Agad niyang pinatay ang kaniyang cell phone kapagkuwan ay pinagsawa ang mata sa magagandang tanawing dinaraanan.

Ilang minuto nalang ay darating na siya lumang waiting shed. She was looking forward to see that place again, kahit saang sulok siyang tumingin ay naaalala niya ang binata.

Umupo siya sa bench doon, tiningnan niya ang relo—eight AM. She wiggled her toes kapagkuwan ay nginitian ang haring araw, hinihiling na sana ay iyon na ang pinahihintay niyang araw nang pagbabalik nito.

Eleven AM. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Bahagya siyang tumayo at nag-stretching doon, kapagkuwan ay muli na namang umupo. Alam niyang darating ito, malakas ang kutob niya.

Three PM. Nadatnan nalang niya ang sariling nakatulala sa kung saan. Ilang oras nalang ay lulubog na ang araw. Sana ay dumating na siya..., bulong niya. I missed him so much.

Five PM. Paulit-ulit siyang napabuga ng hangin. Nilingon niya ang paligid pero wala pa rin doon ang binata. Marahil ay hindi na ito darating pa. May kaunting oras pa 'ko, sa loob-loob niya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa. Totoo nga siguro na 'whoso loves, believes the impossible'.

"Ma'am, sasakay po kayo papuntang hacienda?" tanong ni Manong Bert, driver ng habal-habal. Kilala na siya ng mga taga-roon dahil pabalik-balik na siya sa lugar. "Gumagabi na po, hindi pa ba kayo aalis?"

Animo'y sinasabi niyon na 'Time's Up!' na at huwag na siyang umasa pa. She took a deep breath, ayaw niyang lisanin ang lugar. Paano nalang kung dumating ito at hindi siya maabutan ng binata? Maghihintay na naman ba siya ng isa na namang taon?

Muli siyang napabuga ng hangin. Ayaw niyang isipin na iyon na ang katapusan ng lahat, ipinangako niya sa sariling hindi siya mapapagod na maghintay sa pagbabalik nito sa buhay niya. Three, four, five or ten years pa man iyon, it doesn't matter—she was willing to wait for him until the end of time, hanggang sa ang mundo na ang mapagod na paghintayin siya.

Kung hindi man niya makita ngayon ang binata, may susunod pa namang taon. Babalik nalang siya ulit. "Sige kuya, sasakay na 'ko. Mukhang hindi naman na darating ang hinihintay ko."

Paangkas na sana siya nang may marinig siyang pamilyar na boses sa kaniyang likuran.

"Aalis ka na agad? Eh, kadarating ko lang." Pansamantalang naparalisa ang kaniyang utak, all she could hear was the beating of her heart. "Late na ba ako ng dating?"

Phrex? Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggagalingan ng boses. She swallowed an invisible lurch in her throat nang tuluyang makita ang mukha nito. Her knees were trembling and her world seemed to stop nang makita itong nakatayo malapit sa kaniya.

Binabayo ang puso niya habang pinagmamasdan ang binata. She could tell na bagong tubo ang manipis nitong buhok, medyo pumayat rin ito pero epekto marahil iyon ng massive treatment sa binata nitong nakaraang tatlong taon, but he wasn't pale anymore, mamula-mula na ang pisngi nito and he was smiling brightly—kasingtingkad niyon ang mga sunflowers. Akala niya ay hindi na niya masisilayang muli ang mga ngiting iyon.

"Am I late?"

Totoo nga ang nakikita niya! Hindi na niya hinintay pa ang sunod nitong sasabihin, agad tinakbo ni Hannah ang distansiyang nakapagitan sa kanilang dalawa ni Phrexus at niyakap ito ng napakahigpit.

"Better late than never," she whispered.

"God, I missed you so much," sambit ni Phrexus, gigil itong yumakap sa kaniya. Lumapad ang kaniyang pagngiti nang maramdaman niya ang init ng hininga nito na dumadampi sa kaniyang balat. Bumitiw siya kapagkuwan ay tila manghang-mangha habang pinagmamasdan ito. "What?"

She touched his face, tila hindi pa rin makapaniwala. "Tell me you're real."

Tumawa ito kapagkuwan ay tumango. "The operation was successful, I'm cancer free."

Nangilid ang kaniyang mga luha. "S-seryoso?"

He nodded. "Ang lakas kasi ng inspirasiyon ko, eh," he said, saka pinagsalikop ang kanilang mga kamay. "Before I met you, hindi ganoon kahalaga ang buhay ko, I could end it right away pero nang makilala kita, you made me think of happily ever after. You made me think of a future with you." Nakatingin lang siya dito. "I will love you 'till we run out of mornings, my love."

Napangiti siya. "Handa ka na bang bumuo ng magagandang alaala kasama ako?" nakangiting tanong nito.

"Hmmm, pag-iisipan ko mun—Ahh!" napatili ang dalaga nang bigla siya nitong hinapit sa baywang. Tinampal niya ang dibdib nito. "Magaling ka na nga..." She chuckled.

"I love you so much," he softly whispered.

"I love you, too."

Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa mukha niya, hindi alintana ang mga matang nakatingin sa kanila. Awtomatikong napapikit ang dalaga nang dumampi ang mga labi nito sa mga labi niya.

Hinawakan nito ang kaniyang kamay saka iginaya papasok sa dala nitong kotse. Naikuwento nitong dumaan muna ito sa Albay Doctor's Hospital para magpasalamat kaya ito natagalang dumating.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Hannah.

"Parang ayoko pang bumalik ng hacienda, gusto pa kitang ma-solo. Gusto mo bang bumalik nalang tayo ng Decente Lodge?" malokong tanong nito. "Hindi tayo natuloy magcheck-in do'n kasi walang bakante, baka ngayon may bakante na."

Pinamulahan siya ng mukha. "Napakapilyo mo!"

Nagpakawala ito ng malutong na tawa. "Ano? Wala naman akong sinasabi, ah. Gusto ko lang naman tingnan ang interior kung maganda," pagkukunwari nito, bahagya niya itong kinurot sa baywang. "Joke lang, 'di ka na mabiro. Na-miss lang naman kita." He grinned. "So, tara na?"

"Sa hacienda," sabi ni Hannah, naiiling.

"Sabi ko nga, sa hacienda. Ikaw, kung ano-ano ang iniisip mo."

"Hmm, ewan ko sa'yo!"

TAHIMIK lang silang nakaupo sa loob ng sasakyan habang magkasalikop ang mga palad. They both feel completely happy habang isa-isa nilang binabalikan ang masasayang alaala nilang dalawa sa lugar na iyon. Magic happens when you don't give up even if you wanted you, iyon ang nasa isip ni Hannah habang hinihintay ang muling pagbabalik ni Phrexus sa buhay niya. Totoo nga sigurong napapagod din ang mundong pahirapan ang isang tao, the universe always fell in love with a stubborn heart.

"I'm glad you've waited..."

"Because I know that you will fight for me." Ipinilig niya ang ulo sa balikat ni Phrexus, he nuzzled her hair then kissed her temple.

Somehow, their story had just begun...

THE END

.5in'Yi

🎉 Tapos mo nang basahin ang Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR) 🎉
Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon