7

11.8K 221 42
                                    


"WALANG BAKANTE," sabi ng binata nang lumabas sa isang maliit na lodging house. Napasimangot nalang si Hannah, kanina pang sumasakit ang mga paa niya. Ilang minuto nalang ay talagang magkakakalas na ang kaniyang mga buto sa sobrang pagod. Sobra pa sa Alay-lakad ang ginawa nila makarating lang doon.

"Lipat nalang tayo sa iba, baka mayroon."

Wala siyang magawa kundi sumunod sa binata, wala naman kasi siyang alam sa lugar. Gustong-gusto na rin niyang magpahinga.

Napatingin siya sa malapad na likuran nito, hindi niya maiwasang kabahan. Napagtanto niyang bagaman tinulungan siya nito ay hindi pa rin niya ito lubusang kilala. He was a total stranger, maski pangalan nga nito ay hindi niya alam. Ano namang malay niya kung masamang-loob din pala ito? Hindi siya nakakasiguro sa totoong motibo nito sa kabutihang ipinapakita, nagkalat na ngayon ang mga taong kunwari ay mabait, they usually appear in sheep's clothing but inwardly are ravenous wolves.

Decente Lodge, iyon ang sabi sa karatula nang mapatingala siya sa huling pinuntahan nila, pero mukha namang hindi disente iyon. Malakas ang kutob niyang pinagdadalhan iyon ng mga babaeng nagbebenta ng aliw. Kumunot ang noo ni Hannah, bakit doon siya dinala ng binata?

Lord, please, dasal niya. 'Wag naman sa ganitong paraan. Niyakap niya ang sarili, kung magkasubuan man ay lalaban siya, hindi siya magpapaonse!

"Wala akong binabalak na masama sa'yo, if that's what you're thinking," untag nito. Napaigtad siya sa sinabi nito, mukhang nabasa nito ang iniisip niya. Maybe he could feel it with her breathing, mabibigat na ang buga niya ng hangin sa labis na pagkabahala. "Don't flatter yourself, woman. Mataas ang standards ko sa babae, you're not my type."

"Kapal mo," inis niyang sabi. "Eh, saan na ba kasi tayo pupunta? Akala ko ba naghahanap tayo ng hotel, may hotel pa ba dito?"

The place was scary, medyo madilim iyon, masikip pa ang mga eskinita at mukhang walang matinong tao ang napapagawi doon sa ganoong oras.

"Dito nalang ang alam kong may maliliit na lodging houses. Mura lang pero hindi ako sigurado kung magiging komportable ka. Malayo dito ang matitinong hotels, walang sasakyan at sigurado akong pagod ka na rin," paliwanag ng binata. Nakaramdam siya ng pagpapahiya sa sinabi nito kaya pinili niyang itikom nalang ang bibig. "Bilisan mo na ang paglakad."

"'Eto na nga!" ungot niya.

Hinigit siya nito palapit nang may mabangga itong lalaki sa kanilang pagliko sa isang kanto doon.

"Pasensiya na," paumanhin ng binata sa lalaking nabangga. "Huwag kang lalayo sa 'kin," baling nito sa kaniya.

Napasulyap si Hannah sa mukha ng lalaking nabangga nila. Her eyes widened nang mapansin kung sino iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay isa iyon sa kaninang grupo ng mga lalaking kumukumbinsi sa kaniyang sumama sa hotel.

"Mukhang may problema tayo," kinakabahang bulong ni Hannah sa binata. Napalingon ito sa direksiyong inginuso niya. "Sila 'yong kanina, 'di ba?" Nagkatinginan silang dalawa. "I think we're heading for trouble."

Nakita niyang bumulong ang lalaki sa kasamahan, mukhang namukhaan din sila. Napansin niyang mas humigpit ang paghawak nito sa kaniyang mga kamay.

"Sila 'yong kanina!" sabi ng isang kasama ng matandang lalaki.

"Takbo na!" hinila siya nito papasok sa loob ng masikip na eskinita saka humanap ng labasan.

"Kapag maabutan namin kayo, talagang kakarnehin namin kayong dalawa!" galit na sigaw ng isa. Marahil ay nainis ang mga iyon sa ginawa niyang pagtanggi at pagtataboy ng binata.

"Baka maabutan nila tayo," hinihingal na sambit ni Hannah, binibilisan ang ginagawang pagtakbo.

"Just keep running!" V�Y$�E

Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Where stories live. Discover now