21

10K 198 3
                                    


PAKIRAMDAM tuloy ni Hannah ay natutunaw siya sa ginawa nitong pagngiti, nawawala ang singkit nitong mga mata na mas lalong nagpapa-guwapo dito.

"I want sunflowers for my funeral."

Napalingon siya dito. "'Di ba nga, no burial preparation for today?" paalala niya dito. "We're celebrating your birthday—birth, hindi deathday."

He grinned. "I know, pumasok lang sa isipan ko. I want sunflowers."

Napanguso siya. "Bakit naman sunflower ang napili mong bulaklak?" pagtataka niya. "Bakit hindi roses, lilies or hydrangeas? Mas naaayon ang mga iyon."

"Because it reminds me of you—of your smile," sabi ni Phrexus.

Nakapako ang mga mata nito sa kaniya. Hindi siya sumagot, hindi rin naman niya alam ang dapat na sabihin.

"Sabi mo sa 'kin, posibleng nakauwi ka na ng Maynila sa araw ng libing ko kaya naisip ko na sunflowers ang gamiting bulaklak para kahit wala ka doon, parang nandoon ka na rin," patuloy ng binata. "It reminds me of you and the days that we're together. Just so you know, nakakahawa 'yang mga ngiti mo, kaya kahit malungkot 'yong mga nangyayari sa paligid ko, I still managed to smile because of you."

She was the reason of his smile? Hindi makapaniwala si Hannah. She was motionless, pakiramdam niya ay tumigil ang mundo at wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na pagpintig ng kaniyang puso. It was pounding violently, na animo'y nakipagkarera siya.

"At para 'pag makakakita ka ng sunflower in the future, maalala mo rin ako at mapapangiti kita," usal ni Phrexus. "Kahit sa ganoong paraan man lang ay makabawi ako sa'yo."

Hindi na siya nakasagot pa. She suddenly felt pain in her chest, parang kabaliktaran yata ang mararamdaman niya tuwing makakakakita ng sunflower. Pain.

"ARE you okay?" usisa ni Phrexus sa biglang pananahimik niya.

Tumango siya. "Napagod lang siguro ako." Tinamad na silang mag-commute kaya mula terminal ay pumakyaw nalang sila ng taxi papuntang Buenavista.

"Thank you for today," sabi ni Phrexus. Isang malamlam na ngiti ang isinagot niya dito kapagkuwan ay bumaling sa labas niyon, kanina pa niya pinipigilang umiyak. Hindi niya maintindihan ang emosyong sumasakop sa kaniyang dibdib.

That moment, she finally recognized that peculiar feeling. Hindi na niya maipagkakaila pa ang damdaming nais kumawala, she was falling for him. Napapikit siya kapagkuwan ay napahawak sa kumakabog na dibdib. "You're in trouble, heart. You really are," sa isip ng dalaga.

BAGO dumeretso ng mansiyon ay pumunta muna sila sa cottage sa hacienda, madilim iyon at parang walang tao. "Bakit dito tayo dumeretso?" pagtataka ni Phrexus.

"May hihiramin lang akong cook book kay 'Nang Lucia," pagsisinungaling ni Hannah.

"Bakit ang dilim? Manang Lucia?" Binuksan ni Phrexus ang pintuan, noon ay bumukas ang ilaw at bumulaga sa kanila ang lahat.

"Happy birthday!" bati ng mga ito sa binata. Sigurado siyang nasorpresa si Phrexus, hindi mapuknat ang ngiti sa labi nito. Nagsimulang umawit ang mga ito na sinundan pa ng mahinang pagpalakpak.

"Nag-abala pa po kayo," sabi ni Phrexus matapos hipan ang kandila sa paborito nitong cake.

"Naku, hijo, si Hannah ang may pakana nang lahat ng ito," sumbong ni Tonyo.

"Talaga?"

"Oo, siya pa nga ang gumupit-gupit niyan habang natutulog ka," sabi ni Manang Estela, tinutukoy nito ang mga banderitas na gawa sa makulay na papel. Naglagay din sila ng mangilan-ngilang lobo.

Napasulyap sa kaniya ang binata. "Ito na ang pinakamasayang kaarawan ng buhay ko," sambit ni Phrexus. "Wala na akong hihilingin pa dahil lahat ng taong minamahal ko ay nandito na." Kasama ba siya sa tinutukoy na mga taong minamahal nito?

Niyakap ni Manang Estela ang binata, hinagkan naman ito ni Phrexus sa bumbunan.

"Mahal ka rin namin," mangiyak-ngiyak na sabi ng ginang. Hindi na rin niya napigilan ang mga luha habang nakikitang naluluha na rin ang ibang naroon.

"Ito namang si 'Nang Estela, o," paglalambing ng binata. "Iyakin."

"Ang swerte lang kasi namin sa'yo," sabi ng ginang. "Ang bait ng Diyos dahil ibinigay ka niya sa amin, sana ay huwag ka Niyang kunin sa amin dahil sobra pa sa anak ang turing namin sa'yo dito."

Mas lalong humigpit ang yakap nito. "Salamat po."

Bumaling sa kaniya ang binata. Thank you, he mouthed her. Gusto niyangisipan that it was 'I love you' he whispered pero sigurado naman siyang isangsimpleng pagpapasalamat lang iyon. Kahit ano pa man iyon, all she wanted was tosee him happy—iyon lang ay sapat na. rif;mso-f��Yŗ�E

Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon