2

18K 320 3
                                    


KINAKABAHAN si Hannah, iyon ang unang beses na mag-isa siyang pupunta sa hindi pamilyar na lugar upang makipagdigma. She took a deep breath, bahala na si Batman at ang buong Justice League! Nandoon na siya at wala na iyong atrasan pa!

Pinili niyang mag-bus kaysa sumakay ng eroplano, titiisin nalang niya ang sampung oras na biyahe na 750.00 lang ang ibabayad kaysa pagkamahal-mahal na airfare.

Mas lalong dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang nakatayo na siya sa labas ng Legazpi Grand Central Terminal. Iyon ang unang beses na hindi siya sigurado sa hakbang na gagawin, she stood there wondering where to go. Gabi na nang makarating doon kaya dumeretso muna siya sa Sampaguita Tourist Inn, ipagpapabukas nalang niya ang pagpunta ng Buenavista. Mabuti nalang ay isang backpack lang ang dinala niya kaya hindi hassle dalhin, napagkasya na rin niya doon ang mga dalang damit.

"LEUKAEMIA is the cancer of the blood," sabi ni Anthony kay Phrexus. Nakatingin lang siya sa kaibigang doktor habang pinakikinggan ito. "It affects the bone marrow but, in many cases, it doesn't stop there. It can spread to other parts of the body and tissue and, if not treated, can continue to grow without warning."

Talagang sinadya pa ni Anthony na magtungo ng Albay upang makausap nang masinsinan si Phrexus tungkol sa mga isinagawang tests sa kaniya noong nakaraang tatlong buwan sa America, pero hindi pa man lumalabas ang resulta niyon ay tumakas na siya pabalik ng Pilipinas.

"White blood cells are essential, tinutulungan niyon ang immune system para labanan ang impeksiyon so, when bone marrow begins to develop abnormal white blood cells, it, in turn, disturbs the immune system," patuloy ng doktor. Kanina pa siyang nababagot sa mga sinasabi nito, pulos medical terms na wala naman siyang balak intindihin.

Palihim na naghikab si Phrexus, dinaig pa niyon ang pakikinig sa SONA ng Presidente. "You have Chronic Lymphocytic Leukaemia," napabuntong-hiningang sabi nito.

Hindi na iyon bago sa pandinig ni Phrexus, hindi na rin nagtataka ang binata kung bakit nagkaroon siya ng ganoong klaseng sakit. His mom Ivanka died because of leukaemia na minana nito sa kaniyang Lolo Gustav at siya ring ikinamatay ng huli. Ang ama mismo ni Phrexus ang nagpumilit sa kaniyang magpatingin sa doktor sa takot na baka manahin niya ang sakit ng pumanaw na ina. At hindi nga ito nagkamali. Pero hindi alam ni Felix ang naging resulta niyon dahil pinakiusapan niya si Anthony na kung puwede ay hindi na lumabas pa iyon sa pagitan nilang dalawa. Ayaw na rin niyang mag-alala pa ang ama dahil masaya na ito sa bago nitong pamilya at kasalukuyang naninirahan sa England.

Nakakatawang isipin na hindi lang pala yaman at titulo ng lupa ang puwedeng ipamana—pati rin pala sakit.

"Good thing, this kind of leukaemia grows slowly over the years at hindi masyadong visible ang mga sintomas nito," patuloy ni Anthony. "At this point, you only have two options, Phrex. Either you start treatment immediately or you will die. Pero kung magmamatigas ka pa rin, death is your only option."

"When is my dead end?" kaswal niyang tanong. Nakita niya ang pagtatagis ng bagang ng kaharap, hindi nito nagustuhan ang lumabas sa bibig niya.

"Look, Phrex," anito, mataman siyang tinignan. "Hindi basta-basta ang Leukeamia, hindi ito kasing-simple ng lagnat na puwede mong itulog at mawawala nalang kinabukasan. Hindi ka namin matutulungan kung hindi mo tutulungan ang sarili mo."

Anthony was his best friend kaya ganoon nalang ang pag-aalala nito sa kaniya. No one knows about his illness, maliban dito.

"You know what, pinapahaba mo lang 'tong usapan na 'to, Anthony," angal niya, kanina pa siyang nababagot sa takbo ng usapang iyon. "Deretsohin mo nalang ako."

Bumuga ito ng hangin. "This isn't going to be easy pero may paraan pa rin naman," optimistic nitong sabi. "Kaya nga ako pumunta rito para kumbinsihin ka to—"

"To undergo chemotherapy?" dugtong niya, then he smirked. "Come on, papatayin lang ako ng chemotherapy na 'yan kagaya nang ginawa niyan sa Mommy ko."

"Based on medical findings, nagkaroon ng komplikasiyon sa kaso ni Tita Ivanka, your case is different. We have other options, hindi lang chemotherapy ang naisip naming paraan. Makabago na rin ang teknolohiya ngayon," paliwanag ni Anthony. "We have fifty percent survival rate and even if it is only one percent, tsansa pa rin 'yon."

"And fifty percentage na mag-fail?" sarkastiko niyang sabi. "Papayag lang ako if you would tell me that there is an absolute assurance na gagaling ako dahil kung hindi, I'd rather not risk it. Hindi ako susugal sa fifty percent kung alam kong matatalo din naman ako sa huli."

Nakita niya ang kaniyang Mommy Ivanka na parang lantang gulay habang nakahiga sa hospital bed, sabi ng doktor na gagaling daw ito through chemotherapy procedure pero sa huli, kinuha rin ang mommy niya. She never had the chance to enjoy her remaining life at ayaw niyang mangyari iyon sa kaniya.

"Phrexus, makinig ka naman!" galit na ito. "Kapag nalaman 'to ni Tito Felix, tiyak na mag-aalala iyon. Si Rhoa, panay rin ang tawag sa 'kin, asking where you are. Palagi nalang akong nagdadahilan na okay ka, ako itong nakokonsensiya. Mabigat sa loob ko na wala akong magawa para gumaling ka."

"'Wag kang mag-alala sa 'kin, okay?" he gave Anthony a reassuring smile. Ayaw rin niyang ipaalam sa pinsang si Rhoa ang tungkol sa sakit, nakasisiguro siyang maghi-hysterical iyon at dadagdag na naman sa listahan ng magpupumilit sa kaniyang mag-undergo ng treatment. "Kung mamamatay man ako, eh 'di, mamamatay. Doon naman ang ending ng lahat, 'di ba? Napaaga lang 'yong sa akin."

"Ano ba'ng gusto mong mangyari?"

"Ayokong matulad kay Mommy." Nakatingin lang ito sa kaniya. "Ayokong magsayang ng oras sa ospital at pagsisihan sa huli na hindi ko nagawang sulitin ang nalalabing panahon ko." Tinapik niya ang balikat ng doktor. "Thank you for your concern, I appreciate it pero hayaan mo nalang ako sa desisyon ko."

Napabuga nalang ng hangin ang kaibigan.

Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon