25

9.8K 200 8
                                    

"BAKIT DITO?" Sa halip na sa pari ay dinala niya ito sa Albay Doctor's Hospital.

Noong gabing tinawagan niya si Girllyne, ipinakiusap ni Hannah sa kaibigan na hanapin si Anthony Alfonso, ang kaibigang Hematologist ni Phrexus. Personal na pinuntahan ni Girllyne ang ibinigay niyang address ng pinagta-trabahuan nitong ospital. Mabuti nalang ay kilala ni 'Nang Lucia si Anthony, sa ginang niya nakuha ang impormasyong iyon.

Nakita niyang nakatayo na sa labas niyon si Anthony, matapos niya itong makausap ay agad itong lumipad papuntang Legazpi.

Madilim ang mukha ni Phrexus habang nakatingin sa kaniya. "What were you thinking?!" galit ito. "Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi mo puwedeng pakialaman ang desisyon ko?"

Papasok na sana ito ng sasakyan nang harangan ito ni Hannah. "Kailangan mong magpagaling, Anthony can help you."

Nagtagis ang bagang nito. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayoko!" he grunted. "'Di ba sinabi ko na sa'yo ang dahilan ko? I thought you understand!"

"Naiintindihan kita," untag niya. "Pero mas gusto kong gumaling ka sa sakit mo. Hindi ka naman binigyan ng taning ng doktor, ibig sabihin niyon ay may pag-asa pa!"

"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to, ha? Ano ba sa'yo kung gumaling ako o hindi, magdadalawang linggo pa lang naman tayong magkakilala, ah!"

Tila binuhusan siya ng yelo sa sinabing iyon ng binata. It was as if saying that she was stupid enough to fall in love with him sa loob ng maikling panahong iyon.

"I have fallen in love with you. I love you, sapat na bang rason iyon para gustuhin kong mabuhay ka?" she said with tears in her voice. "Less than two weeks with you isn't enough, gusto kong makasama ka pa nang mas matagal pa do'n and the only way para mangyari iyon ay ang magpagaling ka and—"

Umiling ito. "Kailangan mo nang bumalik ng Maynila," anito. "Don't you get it? This is over. Masuwerte nalang siguro kung magtatagal pa ako ng isang taon sa sakit na 'to. Well, everybody bites it sooner or later, right? Kaya tama lang na huwag mo na akong mahalin pa if you don't want your life to be pointless."

"Can you tell your heart to stop beating? Hindi, 'di ba?" untag niya. "Hindi mo maaaring diktahan ang puso sa kung sino ang dapat at hindi dapat niyang mahalin. Hindi mo puwedeng sabihan ang puso mo na 'Hoy! Ano ka ba namang puso ka, 'yan ba ang lalaking mamahalin mo, eh mamamatay na 'yan? Humanap ka nalang ng iba!' Hindi! Dahil may sarili itong utak at kusa itong tumitibok."

"Pero hindi lahat na idinidikta ng puso natin ay tama," giit nito. "Kaya hanggang maaga pa, hangga't kaya mo pang bumitaw—unlove me, Hannah." 

Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon