{19}Mess

1.5K 43 1
                                    

Xavier's POV

Kasalukuyang nakatingin ako kay Hannah, kinakabahan dahil may sugat pa sya, baka mapahamak pa sya, "Xav, pagsinabi kong takbo, tumakbo ka wag mo na akong hintayin okay?" sabi nya, Hindi pwede yun! Hindi pwedeng may maiwan isa sa aming dalawa

"Hi-" aangal na sana ako ng bigla nyang binato yung bato sa ulo ng isa, "Takbo!" sigaw ni Hannah at tinulak ako para makatakbo, Napatingin sa akin yung isa kaya napatakbo ako papalayo dun. Nakarinig ako ng pagputok ng baril, napapikit akong mariin. Nananalangin na hindi napahamak si Hannah

Leo's POV

"Shit!" napasigaw ako ng may mahulog na baso sa gilid ng higaan ko

Napatingin ako sa nabasag na baso, biglang bumigat pakiramdam ko, bakit nabasag yung baso? May multo ba? Nako wag po bata pa ako.. 

"Kuya Leo?" may nakita akong babaeng pumasok sa kwarto ko, TRESPASSING YAN ATE! 

"Who you?" Saad ko at tinaasan sya ng kilay, "Este, Sino ka? Asan sila Hannah?" galing mo Leo bigyan ng masagabang palakpakan yan

"Ah umalis sila kanina, siguro umuwi" tuluyan na syang pumasok ng kwarto ko, tss trespasser, "Ako nga pala si Harvey, kaibigan nila ate Hannah" sabay ngiti nya, pwede na, maganda e, este maganda naman sya mas maganda lang si Hannah

"Pano mo ako nakilala? Stalker kita ano?" Sabi ko sabay takip sa katawan ko, over my dead and sexy body hindi ko ibibigay sakanya katawan ko

Napatawa sya, ang cute, este mukha syang witch, "Hindi naman po, naikwento ka lang po sa akin ni Ate Hannah" lumapit sya at umupo sa upuan malapit sa higaan ko, "Nagugutom ka po ba? Pwede naman po akong bumili ng pagkain sa canteen kung gusto mo" 

"As long as pera mo yung gagamitin mo, please buy me food" Sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko, "Paki tawag na din yung Janitor, ipapalinis ko lang yung nabasag na baso dito kanina" saad ko sabay turo sa kabilang gilid kung nasaan yung basag na baso, tumango lang sya at Umalis na din. Maganda naman sya, hindi makakapagtaka kung kaibigan sya ni Hannah. Paglabas ni Harvey ay pumasok na yung janitor, ang bilis naman ata? Siguro may janitor na sa labas tapos tinawag na sya ni Harvey, pero bakit ang bilis?

"Sir, asaan po yung basag?" saad nito habang nakayuko, itinuro ko yung pwesto kung nasaan yung basag, tumingin naman sya ng konti at sinimulang linisin na iyon. Nakatitig lang ako sa kanya, ang weird kasi ng galaw nya parang ayaw nyang magpakita sa akin, tapos ang bilis nya pang pumunta dito, "Sir tapos na po, aalis na po ako" sabi nya at tumalikod na, hindi ko na nagawang magsalita pa dahil umalis na sya ng kwarto ko. Ang weird nya, siguro pagdating nalang ni Harvey tsaka na ako magtatanong sa kanya

Xavier's POV

Hinihingal akong napaupo sa gilid ng daan, hindi ko alam kung nasaan ako, hindi ko alam kung okay lang ba si Hannah. Fuck!! I shouldn't have left her! I shouldn't have followed her instructions.. 

Babalik ako. Tumayo ako at nag simulang naglakad pabalik kung saan ko iniwan si Hannah, paano kung napatay sya? Paano kung nasaktan nanaman sya? May sugat si Hannah, ang tanga ko para iwa--

"Xavier!!" sigaw ng isang boses, si Hannah, napatakbo ako sa direksyon kung saan ko narinig ang tinig ng boses. Habang papalapit ako ay nakarinig ako ng mahinang pagiyak...

"... H-Hannah?" paglapit ko ay nakita ko syang nakaupo sa daan, hawak hawak ang tagiliran nya, kitang kita ko ang pagpatak ng luha sa mata nya iniinda nya ang sakit ng mga tama sa kanya. Tumakbo ako papalapit sa kanya, at niyakap sya ng mahigpit, "Nandito lang ako Hannah, nandito lang ako" saad ko habang pinipilit na patahanin sya

"X-Xavier.." pilit nyang bigkas sa pangalan ko, habang ako ay paulit ulit na sinasabi ay magiging maayos ang lahat. Ilang Segundo lang ay bumigat ang katawan nya, kinabahan ako, "Hannah? Hannah?!" pilit ko syang ginising, ngunit ayaw nyang dumilat. Binuhat ko sya at tumayo na upang makahingi ng tulong

Harvey's POV

Kasalukuyang nasa maliit na Canteen ako dito sa hospital, malapit lang sya sa lobby kaya kitang kita ko dito ang mga pumapasok at lumalabas. Mahaba haba pa naman ang pila kaya napagdesisyunan ko munang umupo at hintayin nalang ang pag ikli ng pila

Kamusta na kaya sila ate? Sana walang nangyaring masama sa kanila ni kuya Xavier..

Napatitig ako sa lobby, habang nagiisip kung kamusta na sila ate at kuya, nang mapansin ko ang pamilyar na mukha na nakikipagusap sa nurse. Sobrang pamilyar, hindi bat sya yung nakita ko sa bahay nila ate Hannah? Yung lalaking kakalabas lang sa loob ng bahay nila

Pauwi na ako sa bahay nung araw na yun, may practice sila ate kaya nasa trabaho naman ako, night shift ako ngayon sa cafe. Paguwi ko ay may nakita akong papalabas ng bahay, siguro kaibigan nila ate, baka may sleep over sila? Hindi naman ganun kadilim kaya naaninag ko yung mukha ng lalaki, matangos ilong nya, dark brown eyes, crew cut ang buhok nya. Gwapo sya kung ako ang magsasabi, mukhang nagmamadali sya kaya umalis na din ako, magoover time nalang siguro ako sa trabaho ayokong maging abala kela ate

Sino kaya bibisitahin nya dito?

Inilihis ko na ang tingin ko sa kanya at tinignan na yung pila kung umusad na ba o hindi, konti na lang yung nakapila kaya okay na siguro yan, baka nagugutom na si Kuya Leo mahirap na baka magalit sa akin si ate Hannah

Ano kayang masarap kainin? Makabili na din ng para sa akin dahil gutom na rin ako hehe

"H-harvey?" napalingon ako sa likod ko upang tignan kung sino tumawag, wala namang tao sa likod ko eh, puro mga kumakain naman yung nandito


"Harvey!" teka, yung boses..


Nakaramdam ako ng yakap sa likod ko, napakagat ako ng labi ng maramdaman ang braso nya na nakayakap sa akin. Bakit.. Bakit nandito ka..


"Miss na kita Harvey.. Hindi mo alam kung gaano ako nagaalala sayo.." may naramdaman akong basa sa braso ko, ang pagpatak ng luha nya ay mas lalong nagpapabigat ng pakiramdam ko..



"K-kuya Julian"


Married To A Cold Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon