Chapter 28

77.9K 2K 145
                                    


ISANG linggo na ang lumipas mula nang mangyari iyon. Nakalabas na rin ng ospital si Adrienne. Ni hindi ito nalungkot sa natuklasan tungkol kay Hector. Humingi ng tawad sa ina si Moana dahil sa ipinagtapat ni Hector na kung hindi dahil sa agad niyang paghusga'y hindi ito pakakasal sa lalaki.

"I love your father, darling. Walang ibang lalaking aagaw ng damdamin kong iyon sa kanya," masuyong wika ni Adrienne sa anak. "Totoong bahagya akong natukso sa mga overtures ni Hector noong abutan mo kami but that was all there was to it. I know I can't afford to give any man pleasure dahil sa sakit ko. Your father was so patient and loving. Nang ipanganak kita'y ipinasya naming ikaw na lang. Your father wouldn't risk my life dahil sinabi ng doktor sa Amerika na maaaring magkaroon ako ng kumplikasyon sa puso. I would have traded places with him, darling, dahil malakas ang Daddy mo maliban sa kumakalat na kanser sa katawan," pahikbing sabi ni Adrienne.

"Oh, Mom, I'm so sorry." Niyakap niya ang ina.

"Sshh...tapos na iyon. Si Hector ay isa lamang unos sa atin. At ikinagagalak kong wala siyang nasalanta, hija. Mabubulok siya sa bilangguan," tumigas ang mukha nito sa huling sinabi. "And your father was right when he said Vince would be here for us. Para sa iyo, lalo na," banayad nitong tinapik sa pisngi ang anak. "Mientras may lakas pa ako, hija, bigyan mo ako ng apo."

"Mom..."

"Mahal ka ni Vince, hija. Sinabi niya iyon sa daddy mo noong alukin siya nito ng scholarship."

Nanlaki ang mga mata niya roon. "S-sinabi niya sa Daddy iyon?"

Nangiti si Adrienne. "May palagay akong una pang nakaalam si Henry sa damdamin ni Vince sa iyo kaysa ikaw mismo, hija," hindi makapaniwalang napatitig sa ina si Moana. All these years mahal siya ni Vince.

"Gusto niyang tanggihan ang alok ni Henry dahil hindi niya gustong magkaroon ng lambong ang damdamin niya sa iyo. But you know your father. Sinabi niya kay Vince na hindi niya pinanghihimasukan ang damdamin mo, at kung pagdating ng panahon at hindi naagaw ng iba ang atensiyon mo kay Vince, then—"

Mabilis siyang tumayo. "May aayusin lang ako, Mom."

ILANG sandali pa'y tinutunton na niya ang daan patungo sa bahay ng mga Saavedra. Linggo at natitiyak niyang naroon si Vince.

Ipinara niya ang kotse sa may tarangkahan ng bahay. "Hi, Janet," kaway niya sa dalagitang kapatid nito. Gumanti ng kaway si Janet.

"Naroon ang Kuya, Ate Moana," itinuro nito ang niyugan. "Magbababa ngayon ng niyog."

Tumango siya at nilandas ang daang gawa ng apak ng tao patungo sa niyugan. Natatanaw niya sa kaliwang bahagi ang dagat sa siwang ng mga punong niyog. Nalalanghap niya ang hanging nagmumula rito.

Natanaw niya si Vince na maong lang ang suot na nakatupi pa sa may bandang laylayan. Puno ng pawis ang buong katawan habang tinutulungan ang mga tao sa pagbaba ng niyog na magiging kopra.

Ito ang kabilang bahagi ng CEO, president at general manager ng San Ignacio Rural Bank. She smiled.

"Hi." Nilakasan niya ang tinig.

Lumingon si Vince. Kumikislap ang pawis mula sa katawan nito. Kasing-kislap ng mga mata sa pagkakatitig sa kanya.

"Naligaw ka." Nakangiting sagot nito.

Lumabi siya. "Hindi mahirap ang daan patungo rito."

"May kailangan ka sa akin?" Banayad nitong tanong.

Nagkibit siya ng mga balikat. "Lagi naman akong nangangailangan sa iyo, di ba? And it seemed that you're always there for me..."

Ngumisi ang binata. "What can I say, I'm a nice guy."

"Conceited," tukso niya. "But you're right. You are such a nice guy."

"Thanks," lumapad ang ngiti nito. "Now, don't beat around the bush. What is it this time?"

"I am proposing marriage," mabilis niyang sabi bago pa siya madaig ng embarassment. "Will you marry me, Vince?" She whispered.

Matagal na napako sa kanya ang mga mata ni Vince. Bahagya na siyang kinakabahan dahil hindi ito sumasagot.

"What?" Susog niya.

"What what?"

"Nag-propose na ako," she said helplessly. "Ano ang sagot mo?"

"Bakit mo ako binibigyan ng pagkakataong sumagot? Baka ang sagot ko'y hindi ayon sa gusto mong marinig," gusto na sana niyang mainis kung hindi niya nakita ang mischief sa mga mata nito. Tinutukso siya nito.

She cleared her throat. At sa mariin at hindi nababaling tinig ay: "I will marry you, Vincent Saavedra!"

Iyon lang at sa dalawang hakbang ay nasa mga bisig siya nito at itinaas sa ere na tila buwig ng niyog.

"I love you, Moana!" Nag-echo sa buong niyugan ang tinig nito.

Ang mga tauhan nito'y nakangiting lahat na nakatingin sa kanila. She closed her eyes and cherished the words.

•••WAKAS•••



****Maraming salamat sa walang sawang suporta. - Admin A. <3 ******

🎉 Tapos mo nang basahin ang Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED) 🎉
Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon