Chapter 14

51.9K 1.1K 29
                                    

"TALK to your father about my offer, Vince," si Henry at nilingon ang nakikinig na si Rigo. "I am giving you twenty four hours para pag-isipan. No more, no less." Mariing wika ng matandang lalaki.

Hindi agad makapagsalita si Vince. Masteral in University of Utah, all expense paid. Ang tanging gagawin niya'y ang kumuha ng units sa banking and finance, all the rest are easy dahil gusto niya ang kursong tinapos. He was overwhelmed.

"Ano ang masasabi mo, Vince?" Untag ni Henry.

Noon lang napuna ng binatang nagpipigil siya ng paghinga. "Thank you, Sir," nilinga niya si Rigo. "Sa inyo din, Mr. dela Serna. Kailan po ninyo ako paalisin?" magkahalong excitement at lungkot ang nasa tinig niya.

Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ni Henry at tumayo. Tumayo na rin ang dalawang lalaki. Inilahad ni Henry ang kamay sa kanya at mahigpit siyang kinamayan. Ganoon din si Rigo.

"May tao akong tatawagan sa Maynila upang ayusin ang passport mo. Pero kailangang lumuwas ka kaagad."

Hindi niya maintindihan ang tila mabilisang pagpapaalis sa kanya ng matandang lalaki. Ganoon man ay hindi na siya nag-usisa pa.

"Maaari na po ba akong umalis?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Henry. "Wouldn't you stay at the party?"

Umiling siya. "I'd rather not, Sir. Please say my goodbyes to Moana at pakisabi pong ipadadala ko ang regalo ko sa kanya sa graduation niya. I'm leaving tomorrow for Manila." Iyon lang at lumabas na siya ng silid at marahang inilapat pasara ang pinto.

"Moana will have a fit pag nalamang umalis si Vince nang hindi nagpapaalam..." umiiling na wika ni Henry.

A nostalgic smile appeared in Rigo's lips. "My wife Lacey fell in love with me when she was fifteen, Henry. I think I was a couple of years younger than Vince now. We never outgrew the feelings sa kabila ng anim na taong walang komunikasyon..."

"Do you think my daughter's in love with this man, dela Serna? He's eight years older..."

He smiled lazily. "Ang nakatitiyak ako'y ang damdamin ni Vince para kay Moana."

Nasisiyahang sumandal sa swivel chair nito si Henry. "Let's keep our fingers crossed, Rodrigo. And I hope love hasn't lost its real essence kahit sa panahong ito. At ipahanda mo sa abogado ng kompanya ang pag-uusapan sa susunod na board meeting.

"HEY," si Raffy kay Moana. "Umiindak ka nga pero panay naman ang lingon mo diyan. Sino ba ang hinahanap mo?"

Nagkibit siya ng mga balikat at patuloy sa pagsayaw. Dalawang oras nang mahigit na nasa loob ng library ng daddy niya si Vince pero hindi pa rin lumalabas. Noon niya natanaw ang ama na nilapitan ang Mommy niya.

"Sandali lang, Raf. Dance with Katie..." iniwan niya sa gitna ng dancing floor ang binatilyo at nilapitan ang ama. "Dad, si Vince?"

"Kanina pa umalis, hija," sagot ni Henry. "Ipagpaalam ko na lang daw siya sa iyo..."

Pakiramdam ni Moana ay nawalang lahat ang ilaw sa buong paligid. Biglang sa pandinig niya'y naging napakaingay ng party at nabibingi siya.

"At ipinasasabi niyang ipadadala niya ang regalo niya sa iyo isa sa mga araw na ito..." dagdag ni Henry.

"Damn him!" Hiyaw niya at tumakbong papasok sa loob ng mansion bago pa siya mag-iiyak sa harap ng maraming tao.

Nagpalipas siya ng sama ng loob bago dinalaw ang binata sa bahay nito.

"Hindi ba nagpaalam sa iyo ang anak ko, MM?" Si Captain Saavedra na nakagayak nang patungo sa munisipyo.

"S-saan po nagpunta si Vince?"

"Umalis siya kahapon patungong Maynila upang ayusin ang papeles niya patungong Amerika..."

"Amerika?" Gulat niyang ulit.

"Sa rekomendasyon ni Mr. dela Serna ay inalok siya ng Daddy mo ng scholarship upang magpatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa, hija," patuloy ng matandang hepe. "Katunayan nga niyan ay gusto kong dumaan sa inyo mamaya upang personal na pasalamatan si Mr. Lang..."

"S-sige po, Mr. Saavedra..." para siyang nauupos na kandila na nagbalik sa naghihintay na sasakyan. Gusto niyang bumulalas ng iyak pero hindi niya gagawin iyon sa harap ng driver.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon