Chapter 20

56K 608 6
                                    

MULA sa sasakyan ay natanaw ni Vince si Moana na nakaupo sa ilalim ng punong niyog at nakaharap sa dagat. Nililipad ng hangin ang hanggang balikat na buhok. Lumabas siya ng kotse, took a deep breath and walk slowly towards her.

"Hindi mo kayang bilangin ang mga alon sa dagat, Moana. Ang binilang mo'y siya ring babalik upang humampas sa buhangin..."

Lumingon si Moana. Bahagya pang nagulat nang makitang nakatayo roon si Vince. In his dark blue slacks and white longsleeves na bahagyang nakarolyo at necktie. Nakapasok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Her heart started to hammer violently.

"Hi," isang tipid na ngiti ang ibinigay niya. "How did you find me?"

Nagkibit ng mga balikat si Vince. "Maliit lang ang San Ignacio, sweetheart..."

"Come on..."

"Sinabi ng Yaya Seling na narito ka," pag-aari ng mga Saavedra ang bahaging ito ng dalampasigan dahil ilang metro mula roon ay ang bahay ng mga ito.

Itiningin niya sa karagatan ang paningin. Bagaman katanghaliang tapat ay hindi mainit dahil makulimlim ang panahon. Marahil ay nagbabadyang umulan.

Tumabi ang binata sa kanya sa pagkakaupo sa buhangin. "Hindi ka pumasok..."

Nagkibit siya ng mga balikat. Namagitan ang katahimikan sa mahabang sandali. Walang maririnig kundi ang paghampas ng alon sa baybayin. Ang pagdadaiti ng mga dahon ng niyog dahil sa malakas na ihip ng hangin.

"I used to watch you write love letters in the sand..." si Vince na binasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"At pinagtatawanan mo ako pag nabubura ng mga alon ang mga isinusulat ko," she smiled at the thought. Pagkatapos ay bumuntong-hininga. "Bakit kailangang mawala ang Daddy, Vince? Bakit kailangang mag-asawang muli ang Mommy?" and why can't you learn to love me?

Pinuno ni Vince ng hangin ang dibdib. "Matagal nang may sakit ang Daddy mo, Moana..." nag-angat siya ng mukha. Nagtatanong ang mga mata kung paanong nalaman nito iyon. "I know. Sumulat sa akin ang Daddy mo... noong araw na ipinakipag-usap niya sa board na ako ang hahalili sa kanya sa sandaling siya'y mamatay. Dapat na nating ipagpasalamat na umabot pa ng ganoon katagal ang Tito Henry. Isang taon lang ang palugit ng mga doktor sa Amerika para sa kanser niya..."

"K-kaya umuwi kami dito..." sinikap niyang kontrolin ang paghikbi.

Tumango si Vince. "I wanted to come home pero hindi iyon ang gustong mangyari ng Daddy mo. Ibinilin niyang huwag kong aksayahin ang panahon sa pag-uwi. Malaking responsibilidad ang iniatang niya sa akin na gusto kong malula nang una kong malaman..." muling huminga ang binata. "Gusto kong tanggihan dahil natatakot ako na baka hindi ko makaya but I never turn my back on a challenge, Moana..."

Malibang ang hamon ay galing sa akin, may pait niyang naisip. Lalo na siyang nawalan ng pag-asang maaari pa siyang mahalin ni Vince. Ang utang na loob nito sa ama ay sapat-sapat nang dahilan upang mangimi ang binata kung sakali mang may damdamin ito sa kanya.

"Nang mag-overseas ang Tita Adrienne para pauwiin ako'y kinabahan akong baka ikaw ang unang mag-protesta sa paghawak ko sa tungkuling iniwan sa akin ng Daddy mo..." patuloy ni Vince at nilingon siya.

She smiled faintly. "I always had a faith in him, Vince. Alam ng Daddy ang kanyang ginagawa. Tuwina, para sa amin ng Mommy. At kung hindi kinontesta ng Mommy ang ginawa ng Daddy, bakit ko sasalungatin, maliban pa sa may tiwala ako sa iyo?"

Niyuko siya ng binata at ngumiti. "Thank you. I needed that. Now, puwede mo na bang sabihin kung ano ang problema mo?"

"Paano mo nalamang may problema ako, Vince?"

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon