Chapter 12

54.3K 1.2K 29
                                    

KINABUKASAN ay hindi pumasok si Moana at nagdahilang masama ang katawan.

"Are you all right, honey?" Nag-aalalang tanong ni Henry sa anak na nakadapa sa kama. Hawak ang remote control at nanonood ng video taped ng paboritong cartoon character, Batman, na siya mismo ang nag-taped mula sa palabas sa series nito sa TV sa Amerika. "Gusto mo bang dalhin ka namin ng Mommy mo sa doktor?"

"I'm okay, Dad," sagot niya na hindi inaalis ang mga mata sa TV screen. "Just a little headache. It's gone now."

"Are you sure, darling?" Paniniyak ni Henry. "Ang sabi ng Mommy mo'y gusto mong ipatanggal ang braces mo?" Sandaling hindi sumagot si Moana. "It wouldn't serve its purpose kung tatanggalin mo kaagad iyan, hija..."

"T-there's this man I... like so much, Daddy, and...and... he didn't like ki—girls with braces..."

Kung hindi napigil ni Henry ang sarili'y mapapabulalas ito ng tawa sa sinabi niya. "Then that man is a fool, MM," patianod nito sa halip. "Your braces didn't make you less pretty," tumayo na ito at humakbang patungo sa pinto. "Take your mind off that man—kung sino man iyon. And let him eat his heart out, darling, when you're eighteen," lumabas na ng silid ng anak si Henry. Nasa hallway si Adrienne at natatawang nakasandal sa may dingding.

"Gasgas na ba kung sasabihin ko sa iyong, I told you so?" si Adrienne na ikinawit ang braso sa braso ng asawa.

Nangingiting umiling si Henry at inakbayan ang asawang bata dito ng labing-dalawang taon at masuyong hinagkan sa ulo. "Nasa akin ang dalawang pinakamagandang babae sa buong lupa who can both twist my head with their little fingers." Isang marahang tawa ang pinakawalan ni Adrienne at isinandal ang ulo sa balikat ng asawa.

NASA gilid siya ng swimming pool nang hapong iyon at nakataob sa nakalatag na tuwalya, wearing her yellow bikini. Ni hindi niya napuna ang pagdating ni Vince who moved like a cat at ilang sandali munang pinagmasdan siya bago nagsalita.

"Dumaan ako dito bago pumasok sa klase ko dahil sabi ng yaya mo'y maysakit ka. I should have known..."

She stiffened. Then closed her eyes. If there's one thing that she admired Vince so much was his voice. Deep and so male. Like the voice behind her favorite cartoon character, Batman. In fact, pag nanonood siya, mas gusto niyang ipikit ang mga mata and just listen to the voice at mag-imagine na si Vince iyon.

Bigla siyang tumihaya paharap dito. Nasa pinakagilid siya ng swimming pool kaya bumagsak siya sa tubig. Pinakamalalim ang bahaging iyon at tuloy-tuloy siya sa ilalim. Inihagis ni Vince ang mga gamit sa bermuda grass at mabilis na tumalon sa pool. She was halfway to the bottom nang abutan ng binata and grasped her body subalit sa kabiglaanan ng binata'y itinulak niya ito at tila isdang sumisid patungo sa mababaw na bahagi ng malaking pool.

Nagulat man ay hinabol siya ni Vince at inabutan sa may mababaw. Parehong naghabol ng hininga ang dalawa nang lumutang sa tubig.

"That was a dirty trick, Moana," akusa nito habang nakahawak sa beywang niya. "Kailangan ko pang umuwi ngayon upang magpalit ng damit..."

"Did you really think na malulunod ako?" Natatawa niyang sinabi. Ikinapit ang mga kamay sa leeg ng binata. Underwater, her legs curled around his hips. "You always act like my knight in shining armour, Vince. Iyan siguro ang dahilan kung bakit mahal kita..."

"Moana..."

"Oh, yes. I do love you," ulit nito. "Kilala mo ako, Vince. Hindi ako iyong taong nagtatago ng damdamin."

"I—Hrmp..." he cleared his throat, words wouldn't come in an easy way. "I like you, Moana—"

Tinakpan niya ng daliri ang bibig nito. "I don't want to hear the but, Vince. It might hurt..."

Sinuklay ng binata ang buhok niya patalikod. "I will be very foolish if I will take advantage of your feelings which you will outgrow in years. Bukod pa sa girlfriend ko na si Veron, na alam kong alam mo..."

Nagkalambong ang mga mata niya. "Why are you hurting me so much?" Bahagyang nabasag ang tinig niya.

Tumingala paitaas si Vince at hinawi sa mukha ang basang buhok. This is getting harder than he thought.

"Hindi kita sinasaktan, sinasabi ko sa iyo ang totoo," he said gently. "Stop looking at me as if I am your hero. I am not," pagdiriin nito.

"But you are my hero and I love you..." she declared stubbornly.

"You are unreasonable."

"I have read in a psychology book that woman in love is unreasonable at kumikilos sa pinakamababaw na intellect."

"Correction please," may lumitaw na ngiti sa sulok ng mga labi nito. "You are not a woman yet."

"Oh, yeah," she gave a sweet artificial smile. Tinitigan ang buong mukha ng binata sa paraang nang-aakit, iyong napapanood niyang ginagawa sa movie and batted her eyelashes at him. Underwater, idinikit ng husto ang katawan sa binata. Itinaas ang kamay at hinaplos ng daliri ang mga labi nito.

Sinikap ni Vince na huwag humulagpos ang matalim na paghinga. Totoo na ang ngiting lumitaw sa mga labi niya at lumalim ang dimple sa kabilang pisngi.

"Hindi ko sinadyang mahulog sa pool, sweetheart," she teased. Her eyes sparkling. "But I'm glad I did. Napatunayan kong hindi ka totally immune sa akin," deliberately, niyuko niya ang katawan ng binata sa ilalim ng tubig. "I felt your body against mine..."

May pakiramdam si Vince na singpula siya ng redbeets. Naningkit ang mga matang marahas na inilayo ang dalagita.

"Though, it...scares and excites me at the same time, Vince," patuloy ni Moana sa pinagsamang panunukso at pagsasabi ng totoo.

"Get out of the water, Moana Marie!" utos nito sa naniningkit na mga mata. Magkahalong pagkapahiya at galit sa sarili ang nararamdaman nito.

Walang pagmamadaling paatras na lumangoy ang dalagita. "Coward..." wika niya sa pinagsamang panunukso at akusasyon.

Matalim na paghinga ang pinakawalan ni Vince. Alin na lang sa tatlo: Magalit siya, pagtawanan ang situwasyon, or get even? Pinili niya ang huli.

"I'm only human, Moana Marie. Maiinsulto ka, if my body didn't react. Give me credit for control," wika niya sa casual na tinig. Pagkatapos ay ngumiti at lumangoy patungo sa kabilang hagdan. Ipinakita ang obvious na pag-iwas. "Besides, nag-iingat lang ako sa iyo, sweetheart..."

Nagdikit ang mga kilay niya roon. "You're kidding, Vince Saavedra. You didn't think I'd really seduce you here?" Nilinga niya ang buong paligid kasabay ng paglahad ng dalawang kamay.

A smile tugged at the corner of his mouth. Dinampot ang mga gamit sa bermuda grass. "Who knows what's on your mind, little tease. Besides, somebody warned me that the devil was a sixteen-year-old girl in yellow bikini..."

"W-what?!"

A husky laugh vibrated around habang lumalakad patungo sa gate si Vince. Naiwang naiinis si Moana.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon