Chapter 7

55.2K 1.2K 3
                                    

NAG-AAGAW na ang dilim at liwanag at pauwi na siya galing sa escuela kasama ang girlfriend na si Veron at isa pang barkada na si Joey. Sa may malapit sa tabing-dagat sila nagdaan dahil mas short-cut iyon pauwi sa bahay ni Veron na nagpilit na maglakad kaysa sumakay.

Pareho silang nahinto sa paglakad nang makarinig ng sigaw mula sa dagat. "Ano iyon?" Halos magkapanabay na tanong ni Veron at Joey.

Si Vince ay humiwalay at dere-deretso patungo sa dagat. Patakbong sumunod ang dalawa.

"Teka muna," awat ni Veron nang mahinuha ang pinagmulan ng sigaw. Mula iyon sa isang grupo ng mga kababaihan. "Kilala ko iyong isa. Si Clem, kapitbahay namin at isa sa mga leader ng sorority sa SIC. May palagay akong may bagong mai-initiate. Akala ko naman ay kung ano na..."

"Vince, iyong tsinitang high school ang ini-initiate," si Joey.

"Oh, eh, ano naman," ani Veron na minsan pang tumingin sa dagat. "Let's go, Vince..."

Alanganing sumunod si Vince nang muling sumigaw ang dalagita. Nagsalubong ang mga kilay na muling lumingon ang binata. Hinahampas ng tinatawag na Clem ng saha ng saging ang likod ng dalagita.

"No, please, stop! Ayoko na..."

Iyon lang at patakbong bumaba sa baybay-dagat si Vince. Sumunod si Joey. Napilitan na ring sumunod si Veron.

"Itigil ninyo iyan!" Awat ng binata na nagpahinto sa ginagawa ni Clem. Nalugmok sa buhangin si Moana. Dinaluhan ng binata ang dalagita at hinawakan sa magkabilang balikat.

Naningkit ang mga matang nag-angat ng tingin si Clem. "Sabihin mo diyan sa boyfriend mo, Veron, na huwag makialam!"

"Wala akong pakialam sa ginagawa ninyo," ani Vince bago pa nakapagbuka ng bibig si Veron. "Iyon ay kung hindi umaangal ang hinihikayat ninyong maging miembro. Hindi mo ba naririnig at umaayaw na at nasasaktan?"

"Saha lang ng saging ito, Vince," paismid na wika ni Clem. "Ganito din ang ginagamit namin sa iba," at nilingon nito ang dalawa pang ini-initiate, "pero iyan lang ang sumigaw. Galing Amerika iyan at hindi tanga. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng initiation!"

Niyuko ni Vince ang dalagita. "Narinig mo ang sinabi niya. Gusto mo bang ipagpatuloy ito?"

Pahisteryang umiling si Moana. "No, please! Take me home!"

Nagtagis ang mga bagang na tumayo ang binata at iginala ang paningin sa mga kabataang naroroon. Si Clem lamang at ang dalawa pang miembro ang nasa kolehiyo. Ang iba'y puro mga high school pa lang.

"Hindi ko kayo tinatakot, lalo ka na Clem. Pero labag sa batas ang ginagawa ninyong ito. Magsiuwi na kayo kung hindi'y sa munisipyo kayo susunduin ng mga magulang ninyo!" Matigas nitong utos.

Agad na nagtakbuhan pauwi ang mga high school. Sumunod ang dalawang kasama ni Clem. Si Clem ay sandaling nakipagtitigan kay Vince bago pagalit na sumunod sa mga kasama.

Itinayo ni Vince si Moana. "Are you all right?"

"N-not this time..." sagot niya, wincing in pain.

"Vince, ano ba?" Si Veron. "Iniwan na siya ng mga kasama niya at kaya niyang umuwi. Tara na."

Nag-angat ng paningin si Vince. "Joey, ihatid mo na si Veron. Ihahatid ko sa kanila si Miss Lang."

Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ni Veron. Gusto sanang mag-protesta pero nakita na nito ang determinasyon sa mukha ni Vince. Padabog itong lumayo mula sa baybayin. Humabol si Joey.

"Can you walk?" Banayad nitong tanong habang inalalayan siya sa paglalakad. Isang tango ang isinagot ni Moana. "How could you be so stupid to mess up with them?"

She winced, mula sa sakit ng likod sanhi ng malakas na palo ng saha ng saging at sa salita ni Vince.

"I—I d-don't know," sinikap niyang pigilin ang paghikbi. "Perhaps I'd like them to like me. She was so nice and her brother is my father's employee in the factory. I don't understand, iyong dalawang kasama ko ay hindi sumigaw na parang hindi nasaktan..."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Vince. "Do you really want to know why?"

Huminto sa paglakad si Moana at tumingala dito. "Why?" Nalilitong tanong niya.

"Mamili ka sa dalawang dahilan. That was the first time somebody hit you at hindi ka sanay roon at mas manipis ang balat mo. O mas matindi ang pagpalong ginawa sa iyo ni Clem out of revenge..."

"Revenge?" Nagtatanong ang mga matang tumingin siya dito.

"Ang huling naging boyfriend mo'y boyfriend niya," matabang nitong sinabi at muli siyang inakay palakad.

"Oh..."

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon