Chapter 5

67K 1.2K 21
                                    

"KATIE, kilala mo ba iyon?"

"Sino?" Sinundan ni Katie ng tingin ang inginuso ng kaibigan. "Si Vince Saavedra ba ang tinuturo mo?"

"Sino pa?" naiiritang wika ni Raffy na dinampot ang gamit sa bench. "Tara sa canteen, MM," yakag ng binatilyo.

Subalit hindi ito pinansin ni Moana. "Vince ba ang pangalan niya?" Marahang usal ni Moana habang hindi hinihiwalayan ang lalaking nasa ilalim ng punong balite at nag-aaral. "Drop dead gorgeous, Kat..." nakangiting dugtong niya.

Masama ang loob na sinulyapan ni Raffy si Katie bago iniwan ang dalawang dalagita. Nagsisimpatiyang sinundan ng tanaw ni Katie si Raffy.

"Hey, Kat, narinig mo ba ako? He's devastating."

"Walang duda," pabuntong-hininga nitong sang-ayon pero ang mga mata'y nakasunod kay Raffy. "Crush ng bayan iyan. Kaya lang istrikto. One woman man."

A mocking eyebrow rose. "Ow? Meron ba noon?"

Ibinalik ni Katie ang tingin sa kanya. "Hindi ko ibig sabihing faithful siya sa iisang babae. Wrong choice of words. Ibig kong sabihin, hindi naggi-girlfriend nang sabay-sabay. Hindi kamukha ng ibang lalaki riyan..."

"Who's the latest?" Patuloy niyang usisa.

"Si Veron. Muse ng English department. Bakit ba? Huwag mong sabihing crush mo rin si Vince?"

"What if?"

Umikot ang mga mata ni Katie. "Hindi ka papatulan niyan. Isa pa, totoong gorgeous, pero mamang-mama na si Vince kumpara sa atin..."

Umingos siya. "Akala mo lang iyon. Basta, magpapapansin ako..."

"Ayan ka na naman, MM," babala ni Katie. "Kaya hindi mo makasundo ang ibang mga classmates at kaibigan natin dahil nag-i-image playgirl ka, eh."

Nawala ang atensiyon niya kay Vince sa sinabi ng kaibigan. Nagbuntong-hininga. "Dahil ba doon kaya aloof sa akin ang ibang girls, Kat?"

Matagal bago sumagot si Katie. "Kasali na marahil iyon. Iyong mga boys kasi, ikaw na lang ang laging napapansin. Hindi ko naman masisisi ang mga lokong iyon. Anak-mayaman ka kasi..." nagkibit ito ng mga balikat nang makitang biglang nagkalambong ang mukha ni Moana. "Oh, well, siguro'y kung hindi ka naging mayaman ay ganoon pa rin marahil ang treatment nila sa iyo. It's more on insecurity, MM. Nakakaramdam sila ng inferiority sa iyo kaya cold treatment ang naging defense mechanism. You're so confident and you have this kind of individuality na wala sila."

"Ganoon ka rin naman, Kat..."

"Oh, yes. That's why we get along. Wala kasi akong hang-ups. Hindi ko kailangan ang maraming so-called kaibigan para lang mapatunayang superior ako. My parents love me and I am happy with myself and with my few real friends and you're one of them."

"Yeah..." she said in half-whisper. Muling ibinalik ang tingin kay Vince. "Sa palagay mo, Kat, papansinin ako ni Vince?"

"Oh, dear," ani Katie and rolled her eyes heavenward. "Hindi po. Tingnan mo nga ang agwat ninyong dalawa. You're sixteen, he's more or less...twenty three or twenty four. Mayaman ka, mahirap lang sila. You're —"

"Aw, come on, Katie," iwinasiwas niya ang kamay. "I don't have this defeatist attitude. At wala akong pakialam diyan sa agwat-agwat na sinasabi mo. Basta, gagawin ko ang lahat ng paraan para mapansin ako ng Vince na iyan!"

"At kung mapansin ka naman, paano mo pakikibagayan si Vince?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Makahulugang ngumiti si Katie. "Like kisses. Necking and petting. Hindi teenager si Vince para palampasin ang ganoon, MM. I should know, naging ex niya ang pinsan kong nasa Maynila na ngayon," may ibinulong ito sa kaibigan na nagpalaki ng mga mata kay Moana kasabay ng paghagikgikan nilang dalawa.

"Omigosh! Talaga?"

"Talaga. And there was Analyn, iyong ate ni Grace," hindi sinasadyang marinig nila ang pakikipagbidahan nito sa mga kaibigan nang mapadaan sila sa umpukan ng mga college girls. "Narinig mo naman ang ikinukuwento sa barkada niya noong isang araw. Si Vince ang tinutukoy niya and she didn't exaggerate when she said she went all the way with him. Now, are you ready for that?"

Muli niyang tinapunan ng tingin si Vince. Hinayaang maglakbay ang imahinasyon. Paano nga kung hahagkan siya nito. Bahagyang nanayo ang balahibo niya sa batok.

"Now you've got me curious," she smiled mischievously. "'Yong all the way, probably not. But I wonder what it would be like to be kissed by him...ang makulong sa mga bisig niya and to be... hmmn..." muli niyang tinitigan ang binata at pinagana ang imahinasyon.

"You're mad, MM!" Si Katie.


Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon