Except for Me and Thee

5 1 2
                                    


Humahangos, nagsusumamo, pagod at hindi na kaya pa pero hindi ko magawang huminto sa pag-takbo.

Sa pangatlong pagkakataon ay lumingon ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ngunit hindi ko man lamang magawang pahiran.

Mas lalong nanikip ang aking dibdib, naghihinagpis ng muling magtama ang aming mga mata. Walang ano mang mababasa na siyang mas nagpadagdag ng bigat sa aking pakiramdam.

Ako na ang kusang nag-iwas ng tingin at muling nagpatuloy sa pagtakbo.  Sobrang labo ng aking paningin ganoon pa man ay batid kong malayo na ako sa lugar kung saan ko siya huling nakita.

Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman ko ang unti-unting pag sikip ng aking pag-hinga at hindi ko batid kong dahil ba sa pagod o dahil sa sakit.

Nakapikit akong nag-patuloy sa pag-takbo.  Wala ng tao sa daan dahil gabi na kung kaya'y malaya ako. Ngunit gaya ng aking nararamdaman ay tila nasasaktan din ang panahon.

Unti-unti kong naramdaman ang pag-bagsak ng butil ng tubig mula sa taas at tulad ng luha kong hindi mapigilan ay naging malakas ang pag-bagsak ng butil ng ulan sa lupa ngunit hindi iyon naging dahilan para huminto ako.

Nagpatuloy ako sa pag-takbo.  Nagbabakasakaling sa aking pag-hinto ay mawawala na lahat ng sakit, mawawala na ang lahat. Ngunit maging ang aking katawan ay hindi na makayanan ang sakit, sobrang sakit na tila ba hindi ko na magawang bumangon pa.

Naramdaman ko ang pag-bagsak ng aking katawan sa malamig at basang lupa.  Marumi at basang-basa. Pinilit kong itayo ang aking sarili habang mas lalong umaagos ang luha mula sa aking mata kasabay ng pag-iyak ng panahon.

Nagawa kong iluhod ang aking tuhod upang alalayan ang sarili sa pagtayo pero hindi na sapat ang lakas upang magawa pa 'yon.  Sa halip na piliting tumayo ay niyakap ko ang aking sarili habang nakaupo sa putikan at muling nagpatuloy sa pag-iyak.

"Sabihin mo lang kung gusto mo pang tumakbo, ako na ang magbibigay ng lakas para sayo"

Isang malamig na boses kasabay ng pag-hinto ng pag-patak ng ulan sa aking kinaroroonan ang nangibabaw sa katahimikan ng gabi. Hindi man ako mag-angat ng tingin ay nasisiguro ko kung sino siya.

"Bakit mo kailangang gawin iyon?" nanginginig, nasasaktang tanong ko

"Handa akong gawin ang lahat," Lumapit ito sa akin at naupo sa aking harapan. "Dahil ang tanging iniisip ko sa mga oras na ito ay ang iyong kaligayahan. "

Parang may kung anong kumirot sa aking dibdib ng magtama ang aming mga mata.  Agad akong umiwas at parang sinasaksak ako sa dibdib sa sobrang sakit, pagod at takot.

"Hindi ka magiging masaya,"

"Kailan man ay hindi iyan gumulo sa aking isipan," naramdaman ko ang pag-tayo niya ngunit hindi ko pa rin siya magawang tignan "

Nang mag-angat ako ng tingin ay nasa malayo ang kanyang atensyon habang hawak ang puting payong na siyang humaharang ng luha mula sa naghihinagpis na panahon. Agad akong nagitla ng ibaling niya ang tingin sa akin.

"Kung gusto mong tumakbo palayo," inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko "Hawakan mo ang aking kamay at handa kitang samahan"

Hindi ako agad nakasagot at nanatiling nakatitig sa kanyang kamay sa aking harapan.

"Pag-sisisihan mo ang ginagawa mo ngayon," iwas ang tingin, nasasaktan.  "Tama na"

"Sa palagay mo ba'y nanaisin kong tumaya sa labang alam kong ako ang dehado? "ramdam ko ang pag-ngisi niya ngunit mas nangingibabaw ang pagiging malamig niya sa aking harapan.  "Pero hindi na iyon mahalaga."

Nang hindi ko nagawang abutin ang kamay niya ay siya na ang kusang umalalay sa akin patayo.

"Para tayong nasa isang laro," Tinitigan niya ako sa mata at hindi ko naman magawang kumilos dahil para akong hinihigop ng mga ito. "Tumaya ka man o hindi, siguradong magsisisi ka sa huli"

"Pero maaaring mag-saya ang mga tumaya," bulong ko. Bahagya niyang inayos ang aking buhok na tumatakip sa aking mukha ng pigilan ko siya at titigan ang kanyang mata.  "Except for me and thee."

At bago pa man siya makasagot ay unti-unti kong naramdaman ang pagbagsak ng aking katawan at pag-dilim ng aking paligid kasabay ng pag-yakap ng isang taong kailanman ay hindi maaaring maging akin. 

~*~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Except for Me and TheeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon