Kabanata 1

392 6 0
                                    




Chapter 1

Meet the Squad



'I'll be at Tito Alfie's by 5pm. You?"

Napailing ako nang mabasa ang text ng aking pinsan at napabuntong hininga bago mabilisang magtype ng reply na kakatapos lang ng aming klase at makakarating ako sa napagkasunduang oras.

"Aria! Come on. Gutom na ko," ani Valeen, ang matalik kong kaibigan, na hawak hawak pa ang mga libro sa isang kamay at nag aantay sa akin. Ang isang kamay naman ay nakataas, hinaharang ang sinag ng araw sa kanyang mga mata.

"As always," komento ni Brandi, ang bading naming kaibigan at napatawa naman sina Kyrie at Frances. Pailing iling naman si Marzi habang nakangisi at umaamba nang maglakad samantang si Valeen ay umirap.

"Okay, wait lang," sabi ko at nilock ang aking cellphone bago ito nilagay sa bag. Pagkatapos ay nagsimula na rin akong maglakad patungo sa kanila bago pa mag away yung dalawa.

"Sorry," sabi ko nang makatabi na si Val sa paglalakad papuntang Uy building kung saan maghahanap kami ng makakain. Kakatapos lang ng exams namin at dahil sa kaba at pagkabalisa kanina, hindi na kami nakakain ng maayos.

"There," ani Marzi habang tinuturo ang bakanteng table na palagi naming inuupuan. Not that may iniexpect kaming nakaupo doon. Nakasanayan na kasi naming mamalagi dun every lunch break dahil bukod sa nasa corner sya at medyo malayo sa maiingay na table, may maganda ding view dahil malapit sa bintana. Maaaring may mga kakilalang lumalapit from time to time para bumati pero walang naglalakas loob sa mga estudyante ng CPU na umupo dun unless iniimbitahan namin.

Dahil na din siguro sa mga family background namin kaya naiintimidate ang mga tao na lumapit. Di sa pagmamayabang, pero kilala kasi ang mga pamilya namin sa syudad at dahil na din siguro doon ay naging kilala din kami sa university.

Narinig kong tumunog ang aking phone, hudyat na may mensaheng natanggap at napatingin si Val sakin.

"Solange," ang tanging sabi ko lang matapos mabasa ang message nyang "Don't be late!" Hindi na ako nagreply at umupo na lamang at inayos ang gamit para makapili na ng pagkain sa mga kiosk.

"Kinukulit ka pa din?" Tanong nya at napa kibit-balikat na lamang ako.

Don't get me wrong, hindi naman sa ayaw kong kasama ang pinsan ko, hindi lang talaga ako sanay.

Madalas kasi ay si Ate Elise ang kasama ni Ate Solange. Magkasing edad lang kasi sila and maybe that's the reason why they're so close. Sila yung 'buddies' ika nga dahil simula pa noong bata kami, lagi na silang magkadikit. Ako naman ay mas ka close ang mga pinsan kong lalaki na para ko na ring mga kapatid. Yung nag-iisang kapatid ko naman, si Quinn, ay nasa New York kasama sina Mommy at Daddy.

Pero ngayong nasa US si Ate Elise for internship, ako ang laging niyayaya ni Ate Solange kung gusto nyang makipag hangout lalo na ngayon na may nalalapit kaming family event.

Matapos kaming makapili ng makakain, fish balls and iced tea lang ang akin para di mabigla ang aking tyan, naupo na din kami agad at nag usap usap tungkol sa mga isinagot sa exam na aminado kami ay isa sa pinakamahirap ngayong school year. I took a sip from my drink habang nakikinig sa nagtatalo na namang sina Val and Brandi.

"Isa pa Brandon Immanuel! Papakidnap na talaga kita sa bodyguards ng dad ko," sabi ng napipikon nang si Val. While alam kong biro lang ang sabi nya, di malabong mangyari yun. Marami naman talagang bodyguards ang daddy nya. Isa kasi itong politiko at paminsan minsan ay nakakatanggap ng threats.

Sold On YouWhere stories live. Discover now