CHAPTER 21 (I Love You, Goodbye.. [Part Three])

Start from the beginning
                                    

P-pero sino ang nagtatangka sa buhay ni lia? 

D-di kaya.. Shit.

Kailangan ko si clyde ngayon.

Phone rings..

(Hello carlo?)

"Starbucks. 8 pm."

(Ha? Oh, okay sige pre. Kasama ko din si eunice)

"Wag na. Tayong dalawang muna pre, importante lang talaga to."

(A-eh. Sige pre)

Binaba ko na din naman na yung phone tsaka ko binilinan si lia na wag umalis sa hospital kasi delikado din.

Pero ang mahalaga ngayon, makahingi din ako ng tulong kay clyde.

= Starbucks =

"Ano bang nangyari?" tanong agad ni clyde.

"May nagtangka sa buhay ni lia.. I-it's kind of confusing pare! Si travis yung nabaril pero yung bala na yun, p-para kay lia talaga.." Nanlaki naman agad yung mga mata ni clyde.

"Shit! Travis? Kailan pa siya bumalik? Nandito na talaga siya pre? Bat naman siya nabaril? And thalia?! What happened to her? Sino naman magtatangka sa buhay niya?" Sunod-sunod na tanong pa ni clyde. Ay oo nga pala, walang alam ang isang to -____- Busy na siya sa buhay mag-asawa nila ni eunice e. Lalo na ngayon na three months ng buntis si eunice. At akalain niyo yun? Naniwala din si clyde sa the more you hate, the more you love. At ikakasal na din naman na agad sila pagkapanganak palang ni eunice. Haha ganun nga siguro lalo na pag dumating na yung tinadhana para sayo.

Hayuuuup, iba ka talaga carlo!! Pero tama na muna tong explanation na to. Seryosong bagay na din to e.

"Teka pre. Isa-isa lang tanong ha. Mahabang storya. Si travis, oo. Nakabalik na siya dito. Almost one month na nga nandito yung ugok na yun. Lately ko lang din nalaman na nakabalik na siya nung naging business siya ni lia. In short, bumalik si travis dahil sa tatay niya.. sa tatay niyang.." Napayukom naman ako ng kamay. "sa tatay niyang pumatay sa tatay ni lia.."

Halata naman na di makapaniwala si clyde. "S-s..seryoso? How could that happen?"

"Ayun nga ang di ko maintindihan. Bat nagawa ng tatay yun ni trav. At siya mismo ang naging dahilan kung bakit nagkahiwalay si thalia and trav. Pinutol niya lahat ng connections ng mga anak niya mula sa mga girlfriend nila dito sa pilipinas. Pinaniwala niyang pumunta lang sila ng states para sa mommy ni trav and kay janna pero ang totoo, sinadya talaga ng tatay niya na dun na sila tumira dahil sa tinatakasan din ng daddy ni trav yung mismong nagawa niyang kasalanan."

"O-okay. Medyo naguguluhan pa rin ako pero I get the point. And what if.."

"What if kung tatay din mismo ni trav yung nagpaputok ng bala kay lia kanina?" Sabay pa na sabi namin ni clyde.

Malaki din kasi yung possibility pero grabe.. magagawa ba talaga yun ng daddy ni trav? Kahit sa mismong buhay ng anak ng lalaking nagawa niyang patayin dati? G-ganun ba siya kasama?

Natigilan naman kami saglit ni clyde pero nagsalita din agad si clyde kaya napatingin agad ako sakanya. "I have a plan."

"P-plan?"

"Mahirap to pre.. Pero kailangan natin tong gawin for the sake's of thalia's life. And even for travis." Halata naman yung pag-aalala ni clyde.

"Then what kind of plan is that?"

"Ilalayo muna natin si thalia. That's the least we can do to save her own life tsaka na din natin gawin yung isa ko pang plano.. Thalia and travis, they deserve each other. Pero siguro nga hindi pa ito yung tamang panahon kasi may humahadlang pa.."

Kahit na anong mangyari, Ikaw parin ;) (KNPKAK Book Two)Where stories live. Discover now