20

60.4K 895 356
                                    

Mula sa pakikipag-usap sa mga magulang sa cellphone niya ay napunta ang atensiyon ni Kenleigh kay Dale na naroon sa harap ng bahay at kausap si Jade. Mula sa ikalawang palapag kung nasaan ang kuwarto niya ay kitang-kita niya ang mga ito.

Bawat ngiting ibinibigay ni Dale rito ay parang patalim naman na tumutusok sa puso niya. He used to give those smiles for her. Gusto niyang mapailing. She was being selfish again.

"Anak?"

"M-Ma? O-Oo, pwede namang dumeretso na kayo sa simbahan."

"Sige, magkita na lang tayo bukas."

"Sige po."

Inilapag niya sa side table ang aparato. Bukas na ang kasal ni Heidi. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil hindi naman niya magawang pasiglahin ang sarili. Seeing Jade takes the life out of her. That sounded intense, pero iyon ang nararamdaman niya. Nakakapag-usap na sila ni Dale and they would share nods here and there but that was it, and she missed him. She knew she was being selfish at dapat na niyang tigilan ang kadramahan niya. May kasama na ito, at hindi siya iyon.

Kinagabihan ay puno na ng mga kamag-anak nina Heidi ang mansiyon. Everyone was celebrating at nakipaghuntahan siya sa mga ito. Kilala na rin naman niya ang ilan dahil na rin sa matagal nilang pagkakaibigan ni Heidi.

Nang biglang tumunog ang cellphone ay nag-excuse na muna siya sa mga ito at nagtungo sa may garden kung saan wala masyadong tao. Ang numero ay galing abroad, kaya naman akala niya ay si Mr. Nald ang tumawag, nagpalit lang ng number. Pero it was Robert, ang kasamahan niya si Australia.

"Hey, Ken!" masiglang bati nito.

"hi , Robert. This is a surprise. Napatawag ka?"

Tumawa ito sa kabilang linya. "Na-miss lang kita, gusto kitang kamustahin."

Napangiti siya. Sa nakalipas na taon ay sige pa rin sa pagsuyo sa kaniya si Robert pero matagal na niya itong tinapat na wala itong aasahan sa kaniya. "I'm fine. Masaya akong nakauwi na ng Pilipinas."

"So, you're not coming back?"

"I... I don't know."

Sandali itong natahimik. "I'm hoping you'd come back."

"Well, mag-uusap pa naman kami ni Mr. Nald. Nothing's final, yet."

"We miss you here."

Tumango siya na para bang nakikita siya nito. "I miss you guys, too." She sighed.

"Kung may problema ka, alam mo namang nandito lang ako."

"I know, thank you, Robert."

Nakahinga siya nang maluwag nang magpaalam na ito. Masaya siya at naalala nitong mangamusta sa kaniya but when Robert turned mushy, she started getting uncomfortable, baka kung ano na naman ang asahan niyo sa kaniya.

Napaigtad siya nang may tumikhim sa likuran niya. Paglingon niya ay sumalubong sa kaniya ang matiim na titig ni Dale.

"Hey..."

"Boyfriend?" tanong nito.

Natigilan siya. Ayaw niyang itanggi at ayaw rin naman niyang i-correct ito, twenty nine na siya pero wala pa ring boyfriend? Nahihiya siya rito at gusto niyang ibangon ang pride. So, she just shrugged her shoulders.

"'Thought you were single," anito.

"Yes, but well... hindi naman pwedeng forever akong single."

He smirked. "Of course."

"Where's Jade?"

Kumunot ang noo nito. "I came here alone, baka hindi na rin siya makapunta bukas, she has something important to do."

Wildest Fantasy (COMPLETED)Where stories live. Discover now