5

74.5K 724 9
                                    



AWTOMATIKO na ang naging ngiti ni Kenleigh nang maabutan sa kusina si Dale. He was having his coffee habang nasa kamay nito ang libro. Isang napakaguwapong ngiti naman ang isinukli nito sa kaniya.

"Coffee? I'll make you one," anito sa kaniya.

"Nah, I want tea. Ako na," wika niya. Hula niya ay naliligo pa si Heidi. Binuksan niya ang cupboard. Dahil nasa mas mataas na bahagi ang lalagyan nila ng tea ay kailangan pa niyang tumingkayad. Hindi niya masyadong napapakinabangan ang pagiging five feet and four inches.

Napasinghap siya nang maramdaman si Dale sa likuran niya. He smelled of soap and he smelled of 'him'. Gusto niyang humarap, yakapin ito at ibaon ang ilong sa dibdib ng binata.

"Let me get that for you," he said quietly.

Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang bahaging iyon sa may beywang niya. It was hard.

Inilapag nito sa tapat niya ang pakay niya, akala niya ay aalis na ito sa likuran niya pero mas lalo pa nitong idinikit ang katawan nito sa sarili niya. Then he started moving slowly. He was grinding his boner behind her!

"Dale..." hindi niya malaman kung banta iyon o ungol. "No."

Then he felt his mouth on her ear. "'Sorry, my morning wood's looking for you," anito at humiwalay na sa kaniya. Medyo nanghina pa siya at napakapit sa sink. She had to stop himself from asking him to do it again because she liked it. She liked everything he did.

Paglingon niya sa binata ay may nakakaloko nang ngiti sa labi nito. Ilang sandali pa ay lumabas na mula sa kuwarto nito si Heidi.

"'Morning, favorite cousin and bestest friend," ani Heidi sa kanila. Ngiting-ngiti.

Napalunok siya. Hindi naman siguro sila narinig ng kaibigan. "'Morning. Maganda yata ang gising mo," wika niya.

Humagikgik ito. "Girl, I'm in love... of course, hindi na nakapagtatakang maganda ang gising ko," anito. "And... today's the day. Mamaya na ang lunch natin with Jake. I am so excited for this meeting. I am so sure you're going to like him and---."

"She's not going."

Sabay na lumipad ang tingin nila ni Heidi kay Dale. "Huh?"

"She's coming with me for lunch, sasamahan niya 'kong bilhin ang mga librong kailangan ko. She already offered to drive me."

Napamaang siya kay Dale. Gusto niya itong panlakihan ng mga mata pero nasa sa kaniya na ang atensiyon ng kaibigan.

"Really?" tanong ni Heidi sa kaniya.

"Ah, yeah. Hindi mo kasi sinabi na ngayong araw na, naka-oo na 'ko kay Dale," pinilit niyang maging kaswal sa pagkakasabi niyon sa kaibigan. Why, she hated lying to her. Sa ilang taon na pagkakaibigan nila mula pa noong unang taon nila sa kolehiyo, ito pa lang yatang tungkol sa kanila ni Dale ang pangalawang beses na nakapagsinungaling siya rito. Ang unang beses, tandang-tanda pa niya ay noong nasa second year college sila. Nakapagsinungaling siya rito nang sabihin niya ritong wala siyang crush sa professor nila na crush din nito, na kalaunan naman ay nalaman din nito ang totoo.

"Oh, well... next time na lang. Sasabihin ko na lang kay Jake na may kailangan kang puntahan," balewalang wika ng kaibigan niya sa kaniya. "Basta next time, please clear your schedule. Lunch lang naman, or dinner. We'll set a fixed date."

Wildest Fantasy (COMPLETED)Where stories live. Discover now