12

55.2K 629 38
                                    


MATAPOS i-click ang send button ay nakahinga si Kenleigh. Her response to Mr. Nald was late, but he told her to take her time. At ngayon nga, mayroon na siyang sagot. Sakto rin naman ang timing.

Nang tingnan niya ang cellphone ay puro text galing kay Dale ang laman niyon.

Are you avoiding me... again?

Got really busy with my reviews.

And I miss you.

You miss me too?

I need to see you.

Ken...

Ken...

Kenleigh....

Napangiti na lamang siya. He was such a pain in the ass. Kating-kati ang kamay niya na mag-reply pero kailangan niya ng self-control. She promised herself. At para rin naman iyon sa kaniya.

Umakyat na siya taas, umuwi si Heidi para saluhan siyang mag-lunch. Kahit wala na silang pinag-usapan tungkol sa kanila ni Dale, alam niyang alam nito na nasasaktan siya. Kaya naman heto ngayon ang kaibigan niya, umuwi pa talaga para samahan siya.

Malapit na silang matapos nang dumating si Heaven, galing ito sa San Nicolas at may dalang pasalubong. Kasama nito ang driver nito.

"Thank you, Hev, kain ka na muna," yaya ni Heidi rito.

"Thanks, Ate Hyd. But I'm full," nakangiti nitong wika.

She was really pretty. It almost hurt looking at her.

Ngumiti ito sa kaniya. Mukhang nakita ang pagtitig niya rito. Ngumiti na lang din siya.

"How are you?" ani Heidi at bumalik sa pagkakaupo. Nasa tapat nilang dalawa si Heaven.

"I'm fine. I've just been staying home," ngumiti ito pero halatang malungkot.

"Nagkita ba kayo ni Dale?" sa Heidi ulit.

Umiling ito. "I'm giving him space, busy din siya sa pagre-review, I don't wanna bug him."

Nagulat pa siya nang biglang tumulo ang luha ni Heaven.

Oh, god... please don't cry in front of me.

"Hev, no..." ani Heidi at tumayo na para tumabi sa dalaga.

Siya naman ay hindi alam kung anong gagawin.

"It's just hard, you know. I came back because I missed him so much and I thought we were finally going to be together but he changed. Hindi na niya 'ko mahal, Ate Hyd. And I've been feeling so depressed because of it," anito at tuloy-tuloy na sa pag-iyak.

She sighed. She did not know her like Heidi did, so she just let her friend comfort her.

Nang mahimasmasan ito ay muli itong humingi ng paumanhin dahil sa pag-iyak nito. She just told her it was okay. When it was not. It was not okay because she was much more in pain now. Mas lalong na-justify na mas dapat ito ang makatuluyan ni Dale because as stupid as it sounded, it was clear Heaven needed Dale. She needed him so much, she looked like she was dying. She sighed. Kaya takot na takot siyang magmahal, it was too much. Too much of something would kill you.

Just like what it's doing to Heaven. Nag-excuse siya at uminom ng tubig. Sa pag-iyak-iyak ng dalaga, pakiramdam niya ay gusto na rin niyang umiyak.

Wildest Fantasy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon