18

47.3K 603 7
                                    


MAHIGPIT siyang niyakap ni Heidi nang makarating sila sa bahay ng lolo nito. Kulang na nga lang ay iangat siya nito sa lupa. Natatawang humiwalay siya sa kaibigan. Parang hindi sila nagkakausap halos araw-araw noong naroon pa siya sa Australia. "I've missed you, too."

Tumawa ito at inilipat ang tingin sa dalawang kasama niya sa biyahe na kausap ang sa tingin niya ay isa sa mga nagtatrabaho sa kompanya ng mga ito. Noon niya natingnan nang mabuti si Jade. She was really pretty. Ano naman din ang aasahan niya? Of course, she was pretty.

"Hindi ko naman akalain na madadaanan ka pa nina Dale."

Tiningnan niya si Heidi. "Na-sorpresa nga 'ko."

Ngumiti ito at hinila siya sa loob. "Come on, let's go to your room. Alam kong pagod ka."

Sa hindi malamang dahilan ay lumingon pa siya sa direksiyon ni Dale, agad din naman siyang nagbawi ng tingin nang makitang nakasunod din ang tingin nito sa kaniya. She let out a sigh.

Nang makapasok sila ay mas lumaki yata ang bahay ng lolo ng mga ito mula noong huli siyang magpunta roon, sa tingin niya ay nadagdagan ng isang wing ang mansiyon ng mga ito.

Nasa kabilang subdivision pa ang bahay nina Heidi, at dahil mas malapit sa malls at iba't iba pang gusali ang bahay ng lolo nito ay doon na ito naka-pirmi, lalo na at busy na sa nalalapit nitong kasal.

Nasa ikalawang palapag ang guest room na nakalaan sa kaniya.

"I would have preferred if you stay in my room, kaya lang sobrang daming kalat at gamit sa loob. Ugh, I am so happy I'm getting married, but it's very stressful."

Natawa siya at umupo sa kama. "Well, hindi na 'ko nagtataka, you like stressing yourself."

Natatawang sumimangot naman ito at tumabi sa kaniya. "I am so happy you're here."

"Siyempre, I wouldn't miss your wedding for the world."

Tumingin ito sa kaniya. "So, how was it? You know, seeing Dale."

Nagkibit siya ng balikat, as if it wasn't nerve-wracking... "Okay lang. Nabigla lang ako nang makita siya."

Bumalik ang isipan niya sa kasama nitong si Jade. Was she his girlfriend? Parang oo.

As if reading her mind, Heidi answered. "I don't think she's his girlfriend. Whatever they have, I'm sure it's nothing serious. Dale just don't do serious, well... since umalis ka."

Napailing siya. "Dale has always been that way."

"Duh. Until you."

"Closed chapter na 'yon."

Her friend sighed. "Kahit hindi mo sabihin, I know you get stressed out whenever I talk about him. Kaya nga sinunod ko ang gusto mo na huwag na kitang balitaan ng kahit ano tungkol sa kaniya."

Ngumiti siya. "And I'm glad you didn't."

Tumango ito at sinabihan siya na mag-tanghalian na sila, saka siya magpahinga. Matapos magpalit ng damit ay muli na silang bumaba. Nakita niya ang ilang mga katulong ng mga ito sa bahay, nakahanda na rin ang mesa. It looked like a feast.

"Ang dami naman, marami ba tayong kakain?"

Heidi grinned. "I told them to cook a lot of Pinoy foods, I know you missed this. Sina Dale lang kasalo natin, Lolo's out golfing with his friends."

Wildest Fantasy (COMPLETED)Where stories live. Discover now