6

67.4K 662 5
                                    


NAPANGITI si Kenleigh nang mabasa ang mensahe ni Dale sa cellphone niya.

I miss you. So much.

It was noon and she was eating alone in their kitchen. Nasa trabaho ang kaibigan niya at si Dale naman ay nagre-review. She texted him back and told him she was missing him too.

Dalawang araw na mula noong nasa kuwarto sila ng binata. Hindi na nasundan pa dahil naging abala siya at pati na rin ito. Nilinaw niya sa binata na ayaw niyang maging sagabal kung ano man ang mayroon sila sa kanila-kanilang mga gawain sa buhay.

Pero ngayon naiisip niya iyon, parang gusto niyang bawiin. Gusto niyang yakapin si Dale. Kiss his neck and feel him.

Napatayo siya sa naisip at nilinis na ang mesa. She should not be thinking about that. Tanghaling-tapat nag-iisip siya ng kung ano-ano. Nang tumunog ang cellphone niya ay agad niya iyong kinuha, it was Heidi.

"Hey, nasa malapit lang kami. Pumunta ka na dali, Jake's here."

Napasimangot siya. "Ba't napakasigurado mong papayag ako? I'm busy. Dito na lang ako. Tinatamad akong mag-ayos."

"Duh, naligo ka na kanina, mag-bihis ka na lang and get your ass here."

"Hyd..."

"Huwag mong magamit-gamit 'yang tono na 'yan sa 'kin, Ken. Ilang beses mo nang tinanggihan na kitain si Jake. I won't take no for an answer now."

Napakamot siya sa kilay niya. "Matatagalan pa nga 'ko, kailangan ko pang mag-ayos."

"Madali lang naman. You still have like an hour, magmadali ka. Sa Made's kami maghihintay," iyon lang at nawala na ito sa linya.

She sighed. Nagtungo siya sa kuwarto niya. Wala na siyang magagawa pa. Lunch lang naman. Isang simpleng puting tassel lace blouse at denim jeans ang sinuot niya. Pinadaanan lamang niya ng suklay ang buhok niya at naglagay ng kaunting makeup. She was ready to go.

Malapit lamang talaga ang Made's kaya naman naroon na siya sa loob lamang ng limang minuto. Agad niyang nakita si Heidi na kumaway sa kaniya, she was sitting beside Joseph. Napatingin siya sa kasama ng mga itong lalaki--- si Jake.

He was cute. Pero wala siyang maramdaman na kahit ano. She was seeing Dale.

Fucking Dale. Nais niyang mapamura sa naisip. Not actually fucking like fucking Dale. She sighed and smiled at the people she was going to have lunch with. Kahit na ba tapos na siyang kumain.

"Ken, this is Jake. Jake, meet my bestest best best friend, Kenleigh," natawa siya sa sinabi ni Heidi. Parang sa paraan ng pagkakasabi nito ay wina-warningan na ang lalaki.

Nakangiti si Jake sa kaniya. "Hi, Kenleigh..." Inabot nito ang kamay sa kaniya.

She accepted it. "Hello, Jake."

Nang tingnan niya sina Joseph at Heidi ay ngingiti-ngiti ang mga ito sa kaniya. Dahil anim na upuan ang naroon, pumwesto na siya sa tabi ni Jake. Nasa harap naman nila sina Heidi. Pumili lamang siya ng simple mula sa menu, sinabi niya sa mga ito na nang tawagan siya ni Heidi ay kakatapos lamang niyang kumain. Alanganin siyang ngumiti kay Jake nang mapansin na patingin-tingin ito sa kaniya.

"Oh, wait... ako na ang mag-o-order para kay Dale."

Napatingin siya kay Heidi at napalunok. "Dale's coming?"

Wildest Fantasy (COMPLETED)Where stories live. Discover now