"Kitty!" hindi nakatiis na tawag ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad, at humarap sa akin. "Ano'ng meron kay—" sabi ko, pero bigla akong napatigil. "Never mind."

Kitty grinned. "You're in good hands, Joey."

"Good night," sagot ko na lang, and rolled the windows up again.

"Lipat," mabilis na sabi ni Jax. Kaya pala 'di pa umaandar ulit. Mabilis akong bumaba mula sa likod, at saka lumipat sa harap. Jax was looking at me weirdly. Ayan na naman iyong sibling connection na siya lang naman ang nakakaramdam.

"Drive ka na nga."

"You're weird."

"Wow, sa 'yo pa talaga nanggaling," sagot ko.

"Naka-isip ka na ng regalo?" bigla niyang tanong.

"Hmm... medyo," sagot ko. "Tapos na exams niyo?"

Umiling siya. "Until Saturday."

"Kaya mo pa?" I asked. Minsan kasi naaabutan ko siya na madaling-araw na, papa-sikat na iyong araw pero nag-aaral pa rin siya. Minsan, ako na iyong nasstress para sa kanya, e.

"Yeah. I like what I'm doing," seryosong sabi niya. Nerd.

Pagdating namin sa bahay, nandun na sila Mama at Papa. Kahit kumain na ako kasama sila Kitty kanina, nagdecide ako na kumain ulit kasi syempre family time. Usual lang na nag-usap kami tungkol sa kung ano ang nangyari sa araw namin. Nagdebate na naman sila tungkol sa gobyerno, habang tahimik ako na kumakain ng dessert.

Kinabukasan, last day of exam na. Medyo late akong dumating kasi late din akong nakatulog dahil nag-aral pa kami ni Jax. Medyo napatagal kasi iyong debate nila ni Mama tungkol sa constitution shits nila. So, pagdating ko sa classroom, nagsstart na silang mag-exam.

"God, kinabahan ako 'dun," sabi ko after kami idismiss.

"Bakit ka na-late?" Kitty asked.

"Long story," sabi ko. She grinned. "Hindi 'yun!" Ano ba 'yan? Simula ngayon kapag may nangyari sa akin, iaassume niya na agad na Marcus related iyon? Para na siyang sila Matt, tho doon, Psalm related naman.

Bigla kong naramdaman iyong akbay ni Matt sa akin. "Ano'ng oras kayo mamaya?" he asked.

"Around 10? May videochat ako kila Mama," paliwanag ni Kitty.

"Ikaw, Jo?"

"Around 10 na lang din siguro..." sagot ko. Si Kitty naman kasi kasama ko. Party ni Psalm iyon kaya alam ko na kasama niya mga basketball friends niya and other friends. Ayoko naman makiagaw sa atensyon nila Simon, so hihintayin ko na lang si Kitty.

"Sunduin namin kayo?" Matt offered.

I shook my head. "Pahatid na lang kami sa driver or what. Inom na kayo agad. Deserve niyo 'yan," I said, patting both their heads. Sobrang stressed kaya ni Simon at Matt nitong exams, so deserve nilang magpaka-wasted ngayon.

Naglakad na kami palabas. "Si Psalm?" tanong ko since 'di ko siya nakita after exam.

"Nauna," Simon said. "Bakit?"

I shrugged. "Nothing."

"Badtrip 'yun. Ano kaya problema?" tanong ni Matt kay Simon.

"Ewan. Baka pinagalitan ni coach?"

Matt nodded. "Baka nga. Sana 'di na badtrip mamaya para masaya lang," sabi niya. Bakit nga kaya badtrip? Hindi kaya maganda nangyari sa date nila kagabi ni Kath?

Speaking of which, ano'ng sapatos kaya iyong nabili ni Kath? Malaki nga kaya talaga ang budget niya sa crush?

Pagdating ko sa bahay, wala sila Mama kaya didiretso na sana ako sa kwarto nang mapansin ko na wala si Jax sa sala like usual.

"Manang, nakauwi na si Jax?" I asked.

"Nasa kwarto niya yata," sagot ni Manang kaya dumiretso ako sa kwarto ni Jax. Pagdating ko roon, agad na nakita ko ang kawawa kong kapatid na nakahiga sa kama. Agad akong lumapit. He kinda looked pale, so I touched his forehead to confirm my theory.

"Jax..." mahinang sabi ko habang sinusundot ko siya.

He stirred, then opened his eyes a little. "Ano'ng oras na?"

"1pm pa lang," I said. "May sakit ka. Uminom ka na ng gamot?"

He nodded, then tried to stand up. "Kanina."

"Nasabi mo na kay Papa?"

He shook his head. "Lagnat lang 'to."

"Kahit na," sabi ko. "Baka na-sobrahan ka na sa aral. 'Di ka na natutulog, e," nag-aalala na sabi ko. May nabasa kaya akong article dati na may doctor na namatay kasi halos hindi na natutulog dahil sa hectic ng shift sa ospital. Ayoko naman magaya iyong nag-iisa kong kapatid 'dun. At saka 'di pa nga sila kasal ni Kitty, byuda na agad.

"I'm fine," he insisted while walking towards his study table. He grabbed his Statutory Construction book. "I said I'm fine," sabi niya habang sinusundan ko siya.

"7pm pa naman exam mo, 'di ba?" I asked, and he nodded. "Tulog ka muna ng kahit 3 hours, tapos aral ka na ulit. Gigisingin kita, promise."

"I said—"

"You're fine, I know. But trust me, mas makakapagfunction ka mamaya sa exam niyo kapag hindi ganyan na masakit iyong ulo mo. Plus, sobrang nag-aral ka na naman. Kaya mo na 'yang exam," sabi ko sa kanya. He studies like he'll die kapag hindi siya nakapag-aral. Ewan ko na lang kapag bumagsak pa siya nun.

After that, natulog na siya. Nag-alarm ako para alam ko na gigisingin ko siya, pero habang tulog siya, nagpaluto muna ako kay Manang ng kakainin ni Jax. Nagtext din ako kay Kitty na baka hindi na kami sabay pumunta sa party since baka ihatid ko muna si Jax sa school and hintayin. 2 hours lang naman exam niya, pero baka ma-traffic din kasi kami.

"Wag mo na akong hintayin," sabi niya sa 'kin pagdating namin sa school.

"Okay lang. Text mo na lang ako kapag okay ka na para babalik na ako sa sasakyan. Stay muna ako sa cafe," I told him. He knew there's no convincing me otherwise, so lumabas na siya. I was just worried na bigla siyang magcollapse sa sobrang stress kaya nag-insist ako na sumama sa school. I know he'd do the same kapag ako iyong may sakit.

It was already 9:30 nung nakabalik si Jax. About 10pm nung makauwi kami sa bahay. About 11pm nung matapos akong magready. About 11:30 nung makarating ako sa club kung nasaan iyong party ni Psalm.

"Bakit ngayon ka lang?!" sabi ni Matt.

Nanlaki iyong mata ko. "Bakit ka galit?!" sigaw ko sa kanya.

He began to drag me inside the club, upstairs, then pointed at the middle of the dance floor where there's a clearly drunk Psalm... and Kath who's grinding on him.

What the fuck?

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Where stories live. Discover now