"Saan mo na-meet?" she asked.

"Secret," I said. This was one thing I'd never tell her about. I'd take it to my grave. Takot ako sa karma dahil sa ginawa ko kay Jax.

"Fine," she huffed. "Galing school ba?"

I nodded. "I think so..."

"You think so?" nagtataka niya na sabi. "Ano'ng degree?"

"Hindi ko alam," sagot ko. Bigla akong kinabahan dahil wala nga pala akong alam tungkol kay Jax! Kasi tuwing may joke siya, biglang dadating si Psalm, o kaya naman may gagawin ako bigla hanggang sa malimutan ko na na tignan iyong profile niya.

"You don't know anything about him... but he's kinda your guy?" nagtataka niyang sabi ulit.

"Hindi ko nga kasi guy," paliwanag ko naman ulit. "Ano lang... Uhh..." sabi ko kasi nahihirapan ako na i-verbalize kung ano ba ang connection ko talaga dito kay Marcus. "Nagsesend siya ng jokes sa akin?"

"Huh?"

Kung naguguluhan na si Kitty kanina, mas naguguluhan na siya ngayon.

"Iyon lang talaga 'yun," sabi ko. "Walang something talaga gaya ng ineexpect mo. It's just a harmless thing. Joke. Ganon."

"Name?" tanong niya.

"Ayaw."

"Joey," seryoso na sabi niya. "Baka kilala ko. At least mapa-pacify ako na safe ka. Promise, I won't intrude sa kung anumang joke 'yang ginagawa niyong dalawa. I just want you safe."

I was about to argue, pero naaalala ko na ganito rin pala ako ka-protective sa kanya. Sa kanila ni Anj. Of course friends ko sila kaya ayaw ko na gagaguhin sila o sasaktan ng kahit sino.

"Fine," I said, giving in. "But promise if kakilala mo man siya, don't mention anything about him. Or anything about me sa kanya. Deal?"

She nodded, even raising her hand. "Affirmative. Pero may I ask why?"

"I just... don't want to complicate things? Okay na ako sa ganito na kapag medyo down ako, may jokes siya na nakakapagpatawa sa akin kahit medyo corny."

She arched her brow. "And bakit ka medyo down ngayong gabi?" tanong niya. Kahit simpleng tanong lang iyon, alam ko na may pinu-punto siya, pero dahil wala akong energy mag-explain ng bagay na paulit-ulit lang, I just simply shrugged and gave a generic answer.

"Exams," simpleng sabi ko. "But promise?"

She nodded. "Alright. So, name?"

Huminga ako nang malalim bago binitawan iyong buong pangalan ni Marcus. At bago pa man ako matapos sa pagbitiw ng pangalan niya, biglang nanlaki iyong mga mata ni Kitty. Bigla akong kinabahan! Ano'ng meron?! I badly wanted to ask, but also, I didn't want to know! Ugh! Bakit ko ba nilagay sa ganitong sitwasyon iyong sarili ko?!

Kitty's eyes were wide, and she was sucking air so bad. God, I was fucking curious!

"What happened?" nagtataka na tanong ni Jax nung makabalik siya. May dala siyang paperbag mula sa resto na favorite ni Mama. Mama's boy talaga. Pareho silang hater ng human beings, e.

Kitty shook her head adamantly. Ugh! Ang obvious niya masyado na may something kay Marcus! Ano naman kaya 'yun?! Bakit ganoon ang reaksyon niya?!

Jax found her reaction weird, but nonetheless began driving. Habang nasa daan kami, pansin ko na panay ang tingin sa akin ni Kitty sa rearview mirror. Asar na asar ako kasi sobrang curious na tuloy ako kung sino ba si Marcus, at ganyan ang reaksyon ni Kitty!

"Thanks, Jax... Joey," maka-hulugan na sabi ni Kitty sa pangalan ko nang makarating na kami sa bahay nila. Bumaba agad siya, at saka nagsimulang maglakad papunta sa gate.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Where stories live. Discover now