Part 26

39.5K 1.1K 5
                                    


Bumalik ang tingin niya sa mukha ni Rob. Sumikdo ang kanyang puso nang mapagtantong nagkukuwento ang binata tungkol sa sarili. "May pinsan ka rito sa Pilipinas?"

Humarap ito sa kanya. "Yes, sa father's side. He's a lawyer. Diyan din siya nakatira. It might look like that sa labas pero high-tech 'yan sa loob. And they only allow men to live there. Bawal ding magpapasok ng babaeng bisita. Weird, right?"

Kumunot ang noo ni Daisy. "Oo, weird. Bakit gano'n?"

"The owner is a woman-hater it seems." Ngumiti si Rob at umangat ang kamay upang haplusin ang kanyang pisngi. "So, even if I'd like to take you home, I can't. But God, I want to. Badly."

Napangiti siya. "Dinala mo lang ba ako rito para masabi mo 'yan?" biro niya.

Natawa ang binata. At muli ay napatitig lamang siya sa mukha nito. "No. Gusto ko lang malaman mo kung saan ako nakatira. In case you need me."

Lumambong ang ngiti ni Daisy. Paano kung kailangan kita pero wala ka na? Nakagat niya ang dila dahil muntik nang masabi iyon. Hindi na kailangang gawing komplikado ang lahat. "Iyon lang?" tanong niya.

May kumislap na amusement sa mga mata ni Rob. "Actually, no. Gusto kitang imbitahan na maging date ko para sa isang charity event na gagawin ng lahat ng residente ng building namin. Sa Saturday 'yon. Alam kong busy ka pero wala akong ibang maisip na gusto kong isama kundi ikaw lang."

Napangiti nang matamis si Daisy. "I would love to go with you."

Gumanti ng ngiti si Rob at ginawaran siya ng mabilis na halik sa mga labi bago nito isinara ang bintana at binuhay ang makina ng sasakyan. "Great. Now, let's have dinner. I'm starving."

Nakangiti siyang tumango, pagkatapos ay napasulyap sa gusali kung saan nakatira si Rob habang palayo ang sasakyan doon. Masaya siya na ipinasilip ni Rob sa kanya ang personal nitong buhay kahit kaunti lang. Pakiramdam niya, paliit nang paliit ang distansiya nila sa isa't isa.

At nasasabik si Daisy na lalo pang makilala ang binata.

KINABUKASAN, bumulaga sa buong bansa ang interview sa Wildflowers sa lahat ng TV station at peryodiko. Naglalakad si Daisy sa lobby papunta sa opisina kasama si Nessie nang bigla siya nitong pigilan.

"Daisy, tingnan mo." Itinuro ni Nessie ang malaking flat screen TV sa lobby.

Napalingon siya roon at nanlaki ang mga mata dahil nasa balita sina Yu at Carli. Tila galing sa kung saan ang dalawa at nasalubong ng mga reporter.

"Malapit na ang benefit concert kung saan kayo magpe-perform. Ano ang masasabi ninyo sa isyu na dahil lang daw sa relasyon ng manager ninyo at ni Daisy Alcantara kaya kayo pumayag mag-perform para sa TV8 Foundation?" tanong ng reporter.

Nakangiting umiling sina Yu at Carli.

"Walang katotohanan 'yon. Daisy Alcantara spoke to us directly about the benefit concert. Maganda ang proposal nila at gusto rin naming makatulong sa mga project kung saan mapupunta ang kikitain ng concert kaya kami pumayag mag-perform," sabi ni Yu.

"Kung ano man ang pagkakaunawaan nila ng manager namin, personal na nilang buhay iyon at walang kinalaman sa desisyon naming mag-perform para sa benefit concert. Katunayan, masaya kami para sa kanilang dalawa. Our manager has very high standards kaya alam namin that Daisy Alcantara is a great person if he has chosen her," nakangiting dugtong ni Carli.

Humagikgik si Nessie na nasa tabi ni Daisy. Naramdaman ni Daisy na nakatingin na rin sa kanya ang ibang tao sa lobby. Nabagbag siya sa sinserong pagsasalita nina Yu at Carli. Ganoon ba talaga ang tingin ng Wildflowers sa kanya? Ganoon din ba ang tingin ni Rob?

Bachelor's Pad series book 1: MR. INVINCIBLEWhere stories live. Discover now