Prologue

130K 2.1K 85
                                    


a/n: hello guys! last year pa ako kating kati na ipost ang story ng BP series at finally, magagawa ko na this year. one part at a time lang ang magagawa ko ipost dito sa wattpad pero kung gusto ninyo ng mas maraming available chapters, nakapost ang story na ito sa https://booklat.com.ph/User/UserProfile/2407/maricardizonwrites

available din ang book at ebook nito sa mga online store na ang link ay nasa profile page ko. sa mga nakabili at nakabasa na, marami pong salamat. sa mga hindi pa nakakabasa, sana po magustuhan niyo ito.  :)

*************


"IS THIS it?" tanong ni Rob.

"Yes," proud pang sagot ni Ross.

Pinsan ni Rob si Ross sa father side. Hindi man sila lumaking magkasama dahil noon pa man ay sa Amerika na nakatira si Rob habang si Ross ay nasa Pilipinas, nagkikita pa rin naman sila dahil bumibisita si Ross sa Amerika tuwing may panahon. At ilang taon din itong nagtrabaho bilang abogado sa Amerika bago nagdesisyong bumalik sa Pilipinas.

Mula naman nang maging talent manager si Rob ng bandang Wildflowers na lahat ng miyembro ay Filipina, mas napadalas naman ang pagpunta niya sa Pilipinas.

At ngayon, nagdesisyon siya na manatili sa Pilipinas nang mas matagal. Of course, his stay was work-related. Dahil wala namang ibang dahilan ang makapagpapanatili sa kanya sa iisang lugar nang matagal maliban sa trabaho.

Pinagmasdan ni Rob ang building sa harap nilang magpinsan. He was not impressed. Limang palapag ang gusali at mukha namang malaki. Sa bagay na iyon ay pasado sa kanya ang gusali. Subalit kupas na ang kulay ng pintura sa labas ng gusali at mukhang abandonado. It was located at the farthest corner of a street. Kahilera ng mga nagtataasan at naggagandahang condominium. The building looked out of place in this high-class area.

"Are you sure this is a 'great place to stay' like you told me?" duda pa ring tanong ni Rob.

Tumawa si Ross. "Yes, it is. Ang sabi mo sa akin, gusto mo ng unit sa isang building na masisiguro mo ang privacy at maganda ang security, right? Well, dito ako nakatira. High-tech ang amenities at security features. Makakasundo mo rin ang ibang residente. Hindi ka rin mag-aalala na baka masyadong maraming tao dahil as far as I know, labintatlo lang ang nakatira dito. Kapag pumirma ka ng lease contract, panglabing-apat ka lang. The owner is peculiar but I know you can deal with that. Let's go in."

Nagpatiunang lumapit si Ross sa entrada ng building. Sumunod si Rob sa pinsan kahit hindi pa rin siya kumbinsido. May tinutuluyan naman siyang condominium unit. After all, ilang buwan na rin naman siya sa Pilipinas. Subalit sa kung anong dahilan, nadidiskubre ng kung sino-sinong babae kung saan siya nakatira. Tuwing umuuwi ay palaging may babae sa labas ng pinto ng kanyang unit, offering their bodies in exchange for a chance to become famous.

Pagkatapos kasing umere ang contest kung saan naging judge si Yu Agustin, ang leader ng bandang Wildflowers, alam na yata ng lahat ang mukha ni Rob at ang katotohanang siya ang manager ng pinakasikat na banda sa mundo. Nagkaroon ng isang segment na ipinakilala siya ni Yu on national television.

Mula noon, napakaraming tao na ang lumalapit kay Rob. Karamihan ay mga babaeng gustong maging modelo, singer, artista, etc. He loved women. Sino bang lalaki ang hindi? Lalong hindi siya santo para masabing hindi siya pumatol ni minsan sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Mas discreet lang si Rob dahil pinapangalagaan niya ang trabaho. But he hated anyone violating his privacy. At iyon ang ginagawa ng mga babaeng sumusulpot sa labas ng kanyang unit.

Naubos na ang pasensiya ni Rob sa pangit na security ng dating condominium na tinitirahan. Kahit kasi sinabi na niya sa guwardiya at receptionist na huwag magpapapasok ng kung sino-sino at huwag ipaalam ang kanyang unit number ay wala pa ring nangyari.

Bachelor's Pad series book 1: MR. INVINCIBLEWhere stories live. Discover now