Chapter 10: Marrying her

4K 107 4
                                    

Scarlet's POV 


"Okay ka na ba talaga?" 


"Oo nga," 


"Sigurado ka? Wala na ba talagang masakit pa sayo?" 


"Hay nako, oo nga eh." 


"Sure ha? Yung ulo, ano di ba masakit? Di ka ba nahihilo?"


"Ano ba riyen! Paulit ulit ka naman eh! Magaling na nga ako. Na extend na nga ako ng 2 araw sa hospital dahil sa kagustuhan mo eh," 


Nangiwi na lang ako. Ngayon na kasi ang araw na paglabas ni kaireen sa hospital, actually dapat nung nakaraang araw pa kaso nga nag aalala kasi ako baka di niya pa kayanin kaya nagpa extend ako ng 2 araw pa sa confinement niya sa hospital. 


"Okay okay, sorry na. Naninigurado lang," 


At inirapan niya lang ako. Umaatake na naman ang kasungitan niya, haha ang cute lang! Panigurado, lunod na naman yan siya sa trabaho bukas. Pero masaya ako kas okay na siya, hinang hina kasi siya nung nagkasakit siya. At ayokong nakikita siyang ganun, parang ako yung mas nanghihina everytime na nakikita ko siyang ganun. 


Inalalayan ko siya pasakay ng sasakyan ko, tsaka ako sumakay na rin papasok since hindi naman ako ang mag dadrive. Ang driver ng mga Kent. 


"Teka riyen," tumingin siya sakin ng may halong pagtataka, pero andun pa rin yung kasungitan niya. 


"Yeah?"


"Asan yung kotse mo?" 


"Ah," shit. Sasabihin ko ba? Ginamit kasi ng kaibigan kong babae yung kotse ko. Inutusan ko kasi siya sa something. "Coding ako ngayon eh, kaya nagpasundo na lang tayo." pagpapalusot ko. 


"Ganun ba, eh.. bakit ganyan yung suot mo?" tanong na naman niya. Napatingin naman ako sa suot ko, naka sky blue coat ako, white polo and skinny black jean and a black boots. 


"What's wrong with this?" 


"You're too formal. May meeting ka ba today?" 


Actually.. "Yeah," that's true. Makikipag kita ulit ako sa kaibigan ko na babae mamaya after ko siya ihatid. May mga pag uusapan pa kasi kami, pero ayoko ng sabihin pa yun sa kanya baka mag usisa siya at kung ano pa ang masabi ko. 


"Sino?"


"S-si kris." damn. 


"Kris?!" mas lalo pa siyang nagsungit sakin at mas lalo pang tumaas ang kilay niya at naningkit na ang mga mata niya. Damn, she's so fucking cute when she's doing that! 


"Yeah, si kris. May mga kailangan pa kasi kaming pag usapan about sa project namin na dalawa sa kompanya niya," I lied. Im sorry babe. 

Mon AmourWhere stories live. Discover now