Chapter 7: I want to have a family with you

4.7K 139 3
                                    

Scarlet's POV 


Its been 3 weeks since riyen and I are.. okay? Nah, more than okay. Nagkakamabutihan na kami at ngayon ko lang talaga siya nakilala ng husto. Napapaisip nga ako madalas, kung bakit ngayon ko lang siya napansin? Bakit ko lang siya pinansin? Nagsayang lang ako ng tatlong taon, edi sana ngayon panigurado mas okay kami at mas close pa. 


Pero wala naman na ako magagawa kaya hanggang pagsisisi na lang ako. Dun ko lang nakita yung sides ni riyen, napaka sweet niya pala talaga. Halos lahat ng kakilala niya kilala siya na napaka sweet at understanding na tao. Lahat ng empleyado namin dito, paborito siya. NUng nakaraang pasko nga daw lahat sila may regalo galing kay riyen at nilibre pa niya ito sa isang ktv bar just to know them better at mas maging reliable lahat sila sa trabaho. 


Alam rin pala ni snow ito at ako lang yata ang hindi alam. Pero naalala ko na inaaya niya nga ako nun kaso tumanggi lang ako. Hays. Sobrang dami ng effort ni riyen para sakin, pero lahat yun binabaliwala ko. Hay nako. 


"Ate!" naririnig kong tawag ako ni snow. Naririnig ko pa ang mabilis niyang mga habang papunta malamang rito sa kwarto ko. 


Ilang segundo lang andito na si snow na nakangiti pa sakin. Panigurado, may kailangan to sakin. 


"Oh ano kailangan mo?" I crossed my arms at looked at her intently. Napangwi naman ito at tumuwid ng tayo. 


"Ate naman, ang sungit mo. Ipapaiwan ko lang sana sayo ang kambal ngayon, anniversary kasi namin ni summer ngayon so gusto ko sana kaming dalawa lang. Okay lang ba?" 


Napabuntong hininga na lang ako at marahan na tumango sa kanya. Abot tenga naman nag ngiti niya sakin, akala ko aalis na siya ng kwarto ko ng bigla pa itong bumalik at may mga bag na ipinakita sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay, senyales na tinatanong ko kung anong ganap ng mga bag na dala niya. 


"May isa pa akong favor sayo te, gusto kasi ng kambal na mag camping sa north olympus grove tonight. Pwede niyo rin ba silang samahan? Please ateee.." 


Minsan talaga, ang weird nitong pinsan ko. May pagka tahimik siya, madalas, tapos nakakabasa pa ng isip ng mga tao.. oh baka napaka transparent ko lang?  


Ay ewan.. Tapos ngayon parang bata na nanghihingi ng candy sakin.  Naka tiklop pa pareho ang mga palad niya na parang nag pra-pray lang at naka puppy eyes pa sakin. Nailing na lang ako at tumango sa kanya. Abot tenga na naman ang ngiti niya. 


"Salamat te! Mag ayos ka na pala ate, nakapag ayos na ang kambal ko at panigurado parating na yung sundo niyo." sabi niya habang palabas ng kwarto ko. 


"Sinong sundo?"


"Si riyen sino pa ba?" nakangiting niyang sabi at tuluyan ng umalis. I unconsciuosly smiled. Dali dali na akong nag ayos, buti na lang nakaligo na ako. 


Ilang sandali lang bumaba na ako at naririnig ko na ang tawanan ng mga cute kong pamangkin, sumilip ako sa baba at nakita ko na rin si riyen na nillaro ang kambal. Bumaba na ako at sinalubong sila sa sala. 

Mon AmourМесто, где живут истории. Откройте их для себя