Chapter 26

7 0 0
                                        

Eunice Pov

Nagtatago ako ngayon kina Aira at Heather dahil natatamad akong magkwento sa kanila tungkol sa kiss namin ni Harvey. Nakakahiya din kaya kahit na kaibigan ko sila.

Tatakbo na sana ako palayo dahil nakita ko sina Aira at Heather na hinahanap ako pero nabangga ako sa isang bagay. Napatingala ako at kaagad na hinila palayo ang taong nabangga ko.




"Hoooo..." Huminga ako ng malalim dahil sa pagod ko.

"Why are you running? Did you cause some trouble again?" Sumama ang tingin ko kay Harvey dahil sa sinabi nya.

"Wala!" Sabi ko at tumayo ng ayos. Ok na ako.

Biglang hinawakan ni Harvey ang kamay ko at hinila ako palabas ng school. Wait!

"Nagcucutting ba tayo?" Manghang sabi ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin nang nakataas ang isang kilay.

"What do you think?"

Napawow naman ako. Biruin mo? Ang gwapong nerd na si Harvey Leaf Hernandez? Nagcu-cutting?!

Big news!

Sumakay kaking dalawa sa kotse nya matapos naming makatakas sa school. Nagtatanong ako sa kanya kung saan kami pupunta pero hindi nya naman sinasagot ang mga tanong ko.



Nakarating kami sa isang pamilyar na lugar.

Ang lugar kung saan ko ibinigay ang first kiss ko sa kanya.

"Harvey?" Tawag ko sa kanya pero nginitian nya lang ako at hinila ulit palakad. Lumapit kami sa isang puno na may picnic basket sa baba at may latag.

Magpipicnic ba kami? Syempre oo.

Pinaupo ako ni Harvey sa may latag at bumalik naman sya sa kotse. Sinabi nyang may kukuhanin lang daw sya saglit. Tiningnan ko ang laman ng basket nya at natakam naman ako. Sya kaya ang nagluto nito?

Kukuha na sana ako ng pagkain nang may marinig akong tunog ng gitara. Napatingin ako kay Harvey na naggigitara sa harap ko habang nakaupo ako at nakatayo sya. Nakatingala ako sa kanya habang kumakanta sya.

"I might never be the night an shining armor
I might never be the one you take home to mother
I might never be the one who brings you flowers
But i can be the one
Be the one tonight"

"When i first saw you from accross the room
I could tell you we're curious, oh yeah
Girl, i hope you're sure
What you're looking for
'Cause i'm not good at making promises."

Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta sya. Ang ganda ng boses nya. Ang sarap pakinggan.

"Then baby, you're perfect
Baby, you're perfect
So let's start right now"

Lumapit sya sakin nang nakangiti. Ipinnatay nya ang mukha nya sakin at may kinuha sya sa may bulsa nya.

Red Box.

"You know that i'm not the type of guy who brings you flowers. Hindi ako yung taong maghahanda ng sobra para sa taong mahal nya. Pero sapat na siguro ang mga salita ko para patunayan kong mahal kita. Pero wag kang mag-alala sa oras na masagot mo ang tanong ko hindi na lang ako puro salita. Gagawin ko na din lahat para lang mas mapatunayan kong mahal kita."

Napaluha ako nang buksan nya ang box at kinuha ang laman noon. Isa yung kwintas na ang pendant ay singsing.

"So Alexandria Eunice Lopez? Will you be my girlfriend?"

Tears of joy.

Tumango ako kay Harvey at nakita ko anmang nagliwanag ang mukha nya at dali-daling isinuot ang kwintas sakin. Tinitigan ko ito at nakita ko ang pangalan ni Harvey na nakalagay sa loob nito. May heart ito na may diamond sa loob.

Napatingin ako sa kay harvey dahil sa suot nyang kwintas. Pareho ng sakin at nakita ko din ang pangalan ko don.

"Wala nang bawian ah? Troublemaker."

Natatawang tumango ako sa kanya.

"Yes my handsome nerd."

The Trouble With The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon