Eunice Pov
"Aira! Heather! Kilala ko yun! Yan! Yang lalaking yan ang bumangga sakin kanina kaya ako lalong nalate tapos ni hindi man lang nagsorry sakin." Parang tangang sumbong ko kina Aira.
"Ha? Eh si Harvey Leaf yan eh. Campus Nerd. Maraming nambubully dyan." Sabi ni Aira at umupo na ulit sa upuan nya kanina. Campus Nerd?
Nang balikan ko ng tingin yung lalaki ay nakita kong nakatungo lang ito habang nakatingin sa mga libro nya. Habang sina Robert at Mark naman ay inilaglag lahat ng mga gamit nya sa bag.
Hindi na ako nakatiis.
Dali-dali akong lumapit sa kanila at nakita ko namang nagulat sila sa biglaan kong pagsulpot.
"Eunice?" Gulat na tanong nila sa'kin. Kilalang bully itong mga to dito. Mga malalakas ang loob na mangbully dahil takot sa kanila ang mga studyante. Well maliban sakin. Sanay na akong makasama sa gulo eh.
"Ano? Ano? Sa susunod na mangbully kayo! Wag sa harapan ko!" Mukha naman silang nasindak kaya ibinaling na lang nila ang tingin kay Nerdy Boy binantaan pa itong hindi pa sila tapos dito.
Mga gago talaga.
Napalingon ako kay Nerdy Boy nang makita kong nagsisimula na syang maglimot ng gamit nya. May nakita naman akong isang notebook kaya nilimot ko ito at iniabot sa kanya.
Sa una tiningnan nya lang ako kaya ngumiti ako sa kanya pero wala syang reaksyon at kinuha nya lang ang notebook at pinagpagan pa ito. Napanganga na lang ako ng umalis sya nang makuha nya lahat ng gamit nya nang wala man lang kahit isang thank you?!
Thank you lang oh!!
Nakanganga pa rin ako kahit nakaalis na sya. Mabuti na lang at nilapitan ako nina Aira.
"Wala man lang talagang 'Thank you'?!" Reklamo ko kina Aira at Heather.
Naiiling pero nakangising umiling naman sakin sina Aira at Heather.
"Hindi mo talaga sya kilala? Alam mo kasi.. Isa pang dakilang snob yan. Wala nga yang mga kaibigan eh."
"Eh kasi naman! Thank you lang eh!" Reklamo ko pa sa kanila at parang batang tinadyakan ang isang maliit na bato. Sinundan ko naman ito ng tingin at nanlalaki ang mga matang ibinalik ko ang tingin sa dalawa. Hinila kami ni Heather para makapagtago kami at nakahinga naman kami ng maluwag nang hindi na kami hinanap pa ng Principal.
"Alam mo Eunice? Kung gagawa ka na naman ng isang gulo? Please lang ah? Yung nasa malayo kami!" Nakasimangot na sabi sakin ni Heather.
Paano ba naman kasi? Pagsipa ko nang bato saktong daan ng Prinicipal. Ayun nasapul sa ulo buti na lang at maliit ang bato tapos mukha pang nagmamadali kaya pinalampas ang nangyari.
Umiiling na nabatukan ko ang sarili ko.
Muntik na ako dun ah!
Eh pero kasi...
Thank you lang eh! Hindi nya pa magawa?!
YOU ARE READING
The Trouble With The Nerd
Teen FictionShe's a troublemaker and he's a nerd. [It's my first story. Not edited]
