Chapter 10

5 0 0
                                        

Eunice Pov

Nandito ako ngayon sa may likod na gate ng school namin. Maaga akong pumasok dahil aabangan ko si Harvey dito. Nanlalamig ang mga kamay ko. Naaalala ko pa rin kasi ang kahihiyang ginawa ko.

"What are you doing here..? Again." Napaangat ako ng tingin sa nagsalita at nakita ko si Harvey na nakatingin din sakin. Ang lalim talaga ng boses nya. Hindi halata sa mukha nya dahil sa salamin nya na nakalagay sa mukha nya. Napatitig na naman ako sa kanya pero agad akong napailing.

"Uhh... Uhh.." Nabatukan ko ang sarili ko dahil wala akong masabi.

Really Eunice?!

Masyado mo na yatang ipinapahiya ang sarili mo sa harap nya!

"Hehe.." Nahihiyang sabi ko sa kanya at napakamot sa batok ko. Pakiramdam ko namumula na ako dito. Napabuntong hininga ako bago magsalita. "Magkapartner tayo sa English at wala akong kaalam-alam tungkol sayo!" Sabi ko sabay nguso. Totoo naman eh! Alangan namang ilagay ko dun na.

1. He's a nerd
2. He's smart
3. He has a dark black eyes
4. He has an abs

Nanalaki ang mga mata ko sa number 4. What the fuck? Really?! Ilalagay mo yan Eunice?!

"Hey! Are you listening?" Napabalik ako sa realidad at napatingin kay Harvey na nakakunot ang noo.

"H-ha?"

Naiinis na tumingin sya sakin. Siguro mahaba yung sinabi nya.

"I said we can meet on Saturday and Sunday. That's it if it is okay with you? I mean if you don't have any plans on that days. I can bring my car and we can talk about it." Tumango na lang ako sa kanya at tumango lang din naman sya. Nauna na syang umalis kesa sakin. Ayoko syang makasabay. Baka mapatrouble ako tapos madamay pa sya eh..

Teka nga?

Concern ba ako?

Hindi noh!!

Naglakad na ako papasok at dumiretso sa may upuan ko. Nakita kong pumasok ang nakasimangot na si Heather. Bad mood yata.

"Bakit?" Tanong ko nang makalapit na sya sa upuan namin. Padabog syang umupo doon.

Nilingon nya ako habang nakasimangot pa rin.

"Alam mo bang nakausap ko na ang kapartner ko? Tapos ang masaklap hindi naging matino ang pag-uusap namin. Paano ba naman kasi magiging matino?! Tatlo ang kasamang babae?! Mygod!" Nangigigil na napakurit si Heather sa may desk nya at napahampas dito. I'm sure kung nakakapagsalita lang yun? Kanina pa yun nagrereklamo.

Sunod na pumasok ang isang nakangising Aira.

"What's with the smile?"

Lumingon sya sakin at nakangiting umupo sa upuan.

"Hindi naman pala masyadong masama magpair si Ma'am eh! Ang saya nga! Hahaha! Napagtripan ko yung lalaking with braces! Hahaha!" Napailing na lang ako. Minsan talaga napakasama nito. Umiling na lang ako sa kanila.

Si Heather naiinis sa partner nya

Si Aira naaaliw naman

Eh ako kaya?

Anong nararamdaman ko?

Siguro kinakabahan ako sa date namin ni Harvey sa Saturday.

Teka..

Date?!

What the fuck?! San galing yun Eunice?!

The Trouble With The NerdWhere stories live. Discover now