Chapter 5

12 0 0
                                        

Eunice Pov

"Stop staring."

Nagulat ako nang bigla syang magsalita. Napaiwas naman ako kaagad ng tingin sa kanya nang mapansin kong nakatitig na pala ako sa kanya at nung magsink-in ang sinabi nya sakin.

"Ay wait! Ano bang section mo?" Tanong ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi na nalaman nyang nakatitig ako sa kanya. Syempre kailangan change topic.

"Section 1." Simpleng sagot nya. Wow! Ang talino nya pala talaga! Syempre nerdy eh. Tsaka magtataka ka pa ba? Eh laging libro ang hawak nito eh!

"Ang daya naman! Section 2 lang ako eh!" Sabi ko sa kanya at nagpuot. Lumingon ako sa kanya at nakita ko namang tumingin din sya sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya nang bigla akong may maalala.

"Ah! Wow! Marunong ka naman pala mag 'Thank you' eh!" Biglang sabi ko sa kanya at siniko sya.

Nagulat naman sya sa sinabi ko at umiwas ng tingin.

Napangisi naman ako sa ginawa nya.

"Sus! Nahiya ka pa!" Pang-aasar ko pa sa kanya. Sinundot-sundot ko naman ang tagiliran nya. Mukha naman syang nainis sakin kaya tinabig nya ang kamay ko.

Inunahan nya na akong maglakad at tuluyan nya na akong iniwan.

Aba! Inasar lang nang-iwan na?!

Kainis!


Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa nakarating na ako sa room namin. Napatingin ako kina Aira at Heather nang makita ko silang dalawa na nagtatawanan. Ang daya! Bakit hindi nila ako hinintay sa may gate kanina?!

Lumapit ako sa kanila ng nakabusangot ang mukha.

"Bakit hindi nyo ako hinintay?" Tanong ko sa kanila habang nakabusangot parin ang mukha ko. Tumigil sila sa katatawa at lumingon sakin.

"Eh pano naman kasi? Tinawag ka namin kanina pero hindi mo kami pinansin dahil kasabay mo si Nerdy Boy!" Nagtatakang tumingin naman ako sa kanila dahil sa sinabi ni Aira.

Wala naman akong narinig na may tumawag sakin kanina ah?

"Huh? Pero wala naman akong nadinig ah?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Ah basta! Tinawag ka naman namin eh!"

Nagkibit-balikat na lang ako at umupo sa tabihan ni Aira na katabi si Heather.

"Hoy ikaw Eunice! Umamin ka nga!" Napatingin naman ako sa nakangising mukha ni Heather.

Ano namang aaminin ko?

"May gusto ka kay Harvey ano?"

Nasamid yata ako sa sarili kong laway dahil sa itinanong sakin ni Heather.

"Wala! Saan mo nakuha ang ideyang yan?! Dyusko naman Heather!" Sabi ko sa kanya at umirap.

Tinawanan naman nila akong dalawa dahil sa sinabi ko. Masyado daw kasi akong deffensive.

Tinatawanan parin nila ako kaya ang nangyari. Nakasimangot ako buong araw ko sa school.

Wala naman akong gusto kay Harvey eh.

Diba?

The Trouble With The NerdWhere stories live. Discover now