Eunice Pov
"When will you say Yes?"
Napairap ako kay Harvey. Akala ko sweet, cold at mapang-asar lang minsan ang mga side nya pero ngayon!
Nice to meet him. The makulit side of Harvey!
Paano? Tanong na nang tanong sakin kung kailan ko sya sasagutin. Dalawang buwan na ang lumipas simula nung ligawan nya ako at maraming nagbago. Mas nakilala ko sya. Ang totoong sya.
Minsan gusto ko syang sagutin pero nauunahan ako ng expectations eh. Gusto ko kasi yung pasurprise eh.
"Hmmm... Pag-iisipan ko."
Nandito kami ngayon sa may likod na gate ng school. Bakit? Dahil isa ito sa mga lugar na tahimik sa school na to.
"Bakit ba ang tagal?" Napalingon ako sa kanya at napataas ng kilay dahil nakakunot na ang noo nya habang nakatingin sakin.
"Suko ka na?" Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko at kaagad na umiling.
"Of course not!"
Natawa ako sa kanya. Ang cute nya.
Narinig namin ang bell ay tumayo na kami at inihatid nya na ako sa room ko. Ganito lagi. Hatid sundo nya ako at halos sanay na ang mga kaklase ko na makita sya. I admit. Madami ang nadisappoint dahil sa kesyo nerd daw sya at hindi nya ako deserve. Pero meron din namang natuwa tulad nina Aira at Heather. Syempre.
"Take care. Susunduin kita mamaya." Sabi nya at dali-dali akong hinalikan sa may pisngi bago sya umalis. Napailing na lang ako at napangiti. Palagi naman syang ganyan. Sweet kahit pa hindi pa kami. Iniisip ko. Kelan ko nga kaya sya sasagutin? Bahala na siguro kapag tinanong nya na ako ng seryoso.
"IHHHHHH!!!!!!" Gulat akong napatingin kina Aira at Heather nang bigla silang tumili. Nakahawak sila sa balikat ng isa't isa at niyuyugyog nila ang balikat nila.
Para silang tanga.
"Bakit ba?"
"Eh kasi naman! Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa masungit na gwapong nerd na yan. Dati sobrang sungit satin ngayon naman halos kulang na lang itali ka dahil tuwing may klase lang kayo nagkakahiwalay at kapag natutulog kayo. Umamin ka? Sinasamahan ka din nya sa Girl's Comfortroom no?" Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Aira sakin. Baliw lang? Tanga nitong si Aira.
Naiimagine ko tuloy ako at sya sa loob. God! Eunice go back to your senses!
Umiling ako at umupo sa tabi ni Aira.
"Kayo na ba?"
Umiling ako sa tanong ni Heather sakin at nanlaki ang mata nilang dalawa.
"Mygad! Hindi pa kayo?! Eh naghahalikan na kayo?!"
Nanlalaki ang mga matang napalingon ako kina Aira at Heather. Paano nila nalaman?!
"Paanong nalaman nyong nagkiss na kami sa lips?!"
Ewan ko kung bakit pero para silang nagulat.
"Lips?! Ang sinasabi naming halikan eh yung kiss sa cheeks! Pero ano?! Nagkiss na kayo?! Bakit hindi kaki updated?!"
Nako, lagot.
YOU ARE READING
The Trouble With The Nerd
Teen FictionShe's a troublemaker and he's a nerd. [It's my first story. Not edited]
