"Hala ka,Pula~"asar ni Tadashi.

Napa-busangot naman si Pula at nagkamot nang ulo. Hindi talaga namin inaasahan 'yon.

"ANO PANG HINIHINTAY NIYO?! LABAS! MGA MONGOLOID!"bulalas niya na ikinaigtad naming lahat.

"Riri,calm do—"

"OUT! NOW! ISA KA RIN! ULUPONG KA! LAYAS!"bulalas niya din sa'kin kaya wala na rin akong nagawa. Sabay-sabay na kaming nagsi-labasang mga lalaki. Wala na rin naman kaming nagawa. Buntis 'yan e. Alangan namang awayin namin?

"'Yan kasi,Pula. Nagalit tuloy si Nay Buntis"pang-aasar ni Chyler.

"Oo nga. Alam mo namang sensitive ang mga buntis e "gatong naman ni Charlie.

"OO NA! Ako na may kasala—"

"ANO PANG GINAGAWA NIYO DITO SA LABAS NANG BAHAY KO?! MGA LETSE KAYONG MGA ULUPONG! LAYAS! AYOKONG NAKIKITA KAYO DITO SA BAHAY KO! LAYAS! MGA MONGOLOID NA NAGLALAKAD AT NAGSASALITA! ISA KANG KUMAG,BEBE RED! I HATE YOU NA! LAPASTANGAN KA! SINAKTAN MO ANG HEART KO! YAH! LAYAS! ALIS! SHOO!"

Napaigtad kami dahil sa biglaang pagsulpot ni Riri saka ang pag-sigaw niya. Pabagsak niyang isinara ang pinto at narinig ko ang pag-lock non.

Shit!

"Riri! Buksan mo 'to!"sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan.

"Ayoko! Layas!"sigaw niya mula sa loob.

Hays! Pa'no ako makakapasok nito ngayon?!

"Riri,please!"pagmamakaawa ko habang kinakalampag parin ang pinto.

Shit na shit talaga! Ano na?! Nasa loob pa naman yung cellphone ko!

"I hate you!"sigaw niya saka nakarinig ako nang click sound sa door knob.

Bumukas 'yon at bumungad sa'kin ang umiiyak na Riri. Lumapit ako sa kanya saka tinuyo nag pisngi niya gamit ang hinlalaki ko.

"Shhh. Tahan na"sabi ko at hinalikan siya sa noo.

"I-i h-hate you"bulong niya saka niyakap ako.

" i know you didn't mean it"sabi ko at hinagod ang likod niya.

Lumingon ako kila Pula at sinenyasan na umuwi na. Tumango naman sila pero si Pula,papalapit sa'min.

"Kisia,sorry na. Bati na tayo ha? Dadalhan kita nang cupcakes bukas"sabi niya kaya tumango naman si Riri at ngumiti.

"Babye,Bebe Red"sabi pa ni Riri at kumaway sa papalayong bulto ni Red.

Napabuga na lang ako nang hangin saka inaya na si Riri na pumasok sa loob.

Buti naman at bati na sila.

At buti na lang rin nakapasok na ulit ako sa bahay! Init sa labas!

Blue's POV

"Lalalalala~"

Hello sun! Woo! Ang saya talaga!

"Sun sun sun sun su—ano ba?!"bulalas ko saka hinarap ang tumulak sa'kin.

Si Chase. ..

"Para kang tanga"sabi niya at tumawa.

"Pake mo?"pagtataray ko saka bumalik sa paglalakad. Ngumiti ulit ako saka nagpatuloy. "Moon moon moon moo—pwede ba?!"sigaw ko ulit at sinamaan nang tingin si Chase.

Nakaka-ilan na 'to ah! Mababatukan ko na talaga siya. Oo close kami dati pero ayoko na sa kanya. Ampanget nang ugali.

Wow! Parang di ko naman yon napansin nung magkasama pa kami

"What?"

"Anong what ka diyan?! What what-in kita,gusto mo?! Panira nang araw!"sabi ko at naglakad na ulit.

Ngumiti ulit ako at nagpatuloy. Sshet! Ang ganda nang araw ko ngayon e.

Kasi makikita ko na ulit si Jaycee.

Si boyfiiiee!

"Everybody say NO! Hey! Yeah! Woo!"sigaw ko saka nag-paikot ikot.

Excited na talaga ako! Kamusta na kaya siya? Gwapo parin kaya—gunggong lang Blue? Syempre! Gwapo 'yon! Maganda ako e. HAHAH. Connect?

"Blue! Wait!"

Umirap na lang ako sa hangin saka di pinansin ang lalaking tumatakbo sa likod ko.

Napahinto ako nang makita si Jaycee na naglalakad saka kumakaway sa'kin.

"Jaycee!"sigaw ko saka tumakbo papunta sa kanya 




Chase's POV

"Jaycee!"

Napahinto ako sa paglalakad nang may tawagin siya. Dere-deretso siyang tumakbo papunta sa lalaking naka-white t-shirt.

Sino naman 'yun?

Lumapit ako kay Blue at kinalabit siya. Humarap siya sa'kin at agad na nag-salubong ang kilay niya.

Ngumiti ako sa kanya at nilingon ang lalaking naka-pulupot ang braso sa beywang ni Blue.

Napakuyom ang kamao ko sa nakita ko pero pinigilan ko ang sarili ko

What's happening to me?


"Ano bang ginagawa mo dito? Ba't mo ko sinusun—"

"Who's he,Cupcake?"

Cupcake?! Pakshet! Ampanget nang endearment nila. HAHAHA tang-na!

Tumingin ako kay Blue at naghihintay nang sagot.


Sabihin mong kilala mo ko. Sabihin mo. Sabihin mo.


"Oh. Him?"tinuro niya ako at tinaasan nang kilay. "...I don't know him"


AY PAKSHET TALAGAAAAAA!

Ms. Maarte meets Mr. SungitWhere stories live. Discover now