Chapter 14 (A "DATE" with a Gangster)

Начните с самого начала
                                    

ASHIA’s POV

Kasalukuyang nasa mall kami ngayon.

Nagtataka nga ako kung bakit pumayag siya kasi hate naman ng mga lalaki ang pag-shopping dba? Lalo na yung naghihintay.

“Ang cute naman nito!” sabi ko nung makita ang ang dalawang jacket na parang pang-couple.

Binigay ko iyon sa saleslady kasama ng iba ko pang kinuha na mga damit.

“Ito lang ba ma’am?”tanong sakin ng saleslady.

“Yes” –ako

Pagkatapos nun ay binayaran ko na ang mga pinamili ko saka binalikan si Shawn na nakasandal sa pader.  Siguro mga tatlong oras lang akong nag-shopping , ganun din ang tahimik na pagsunod sakin ni Shawn kahit saan ako pumuna. Di siya umiimik eh. Teka, baka pagod na siya?

Simula nang dumating kami sa Hide-out hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapahinga kasi nga sinasamahan niya ko kahit saan ako pumunta. Aaaww kawawa naman si Shawn.

Buti pa kumain muna kami.

“Shawn –“

“Waaaaah! Ashia!”

Naputol ang sasabihin ko ng biglang may tumawag sakin. Pareho kami ni Shawn napatingin sa taong papalapit sa amin.

Irish’s POV

OMG ! Meron akong POV?!

Anyway, Nandito kami nagyon sa mall ni Faye , as usual nagsho-shopping na naman kami. Pero wala si Ashia , kanina ko pa nga tinatawagan eh, kaso di naman sumasagot.

“Di pa rin ba sinasagot?”tanong ni Faye sakin.

“Hindi eh.” Sagot ko.

Nasaan naman kaya ang loka-lokang iyon? Hmmm. . . Di kaya magkasama sila ng boyfriend niya?

“Wait , parang may nakikita ako.” -Faye

“Ano naman iyang nakikita mo?” tanong ko saka tumingin sa direksyon na tinitignan niya.

OMG ! Nakita ko si Ashia kasama si Shawn!

“Tara lapitan natin sila!” sabi ni Faye na akmang tatakbo papunta sa direksiyon nila pero pinigilan ko.

“Wag! Ano ka ba? Nag de-date silang dalawa oh , eepal ka pa?” –ako

So ayon tinignan na lang naming dalawa sina Shawn at Ashia. Kahit saan sila pumunta sinusundan namin pero siyempre nagtatago kami baka makita pa kami ni Ashia . Wait , nagde-date ba talaga sila? Eh si Ashia nagsho-shopping habang si Shawn naman ay nakatingin lang sa kanya.

Bilib rin naman ako kay Shawn eh, magdadalawang oras na pero parang di pa rin siya naiinip sa kakatingn lang kay Ashia tapos di naman sila masyadong nag-iimikan. May something kayang nangyayari?

“Uy kilala ko yun ah!Tignan nito oh.” Sabi ni Faye saka tinuro ang isang pamilyar na babae na papalpit sa pwesto nila Ashia.

Syete , ano naman ginagawa niyan dito? Tinawag pa talaga niya si Ashia ha.

Nag-usap sila ni Ashia habang si Shawn naman ay parang tumalim ang tingin sa babae.

“Thank you!” sigaw nung babae saka hinatak si Ashia. Halata naman na asar na sumunod si Shawn sa kanila.

“Pesteng babae talaga yun.” Sambit ko.

“Tara sundan natin.” Aya ni Faye.

The Gangster Meets The Playgirl [SLOW UPDATE]Место, где живут истории. Откройте их для себя