Chapter 10 (Proposal)

4.6K 183 21
                                    

ASHIA’s POV

Pagkatapos kong mag-breakfast ay dali-dali akong pumunta ng school. Tinakbo ko rin papunta sa likod ng school building , buti na lang pala hindi ako naka-uniform, may field trip kasi kami ngayon sa subject namin na T.L.E (Technology and Livelihood Education) .Pupunta kami sa isang farm para tignan kung paano tinatanim ng tama ang mga bigas at iba pang mga halaman pati na rin ang pag-aalaga ng mga hayop sa farm.

“Oh best, late ka na ah.”  Sabi ni Faye nang makasalubong nila ako.

Magsasalita pa sana ako nang may tumawag sakin na teacher.

“Ms.Mendez, ikaw ang incharge sa section 4-D. Check mo na rin ang attendace nila .” sabi ni Ma’am Cordova saka binigay sakin ang listahan ng pangalan ng 4-D.

Haaay, bakit ba lagi na lang ako ang nakikita niya? Ayoko na talagang maging officer ulit.

“Oh paano ba yan best, puntahan mo na ang bus ng 4-D , malapit nang umalis.”nakangising sabi ni Faye.

"Oo nga.Dalian mo! Ikamusta mo na lang ako kay Ren!" -Irish

Pinandilatan ko silang dalawa ng mata bago umalis papunta sa kabilang bus kung nasaan ang 4-D. Kainis naman, di ko man lang sila nakausap. Ikukwento ko pa sana yung nangyari kagabi.

Pagpasok ko ng bus ay sinalubong ako ni Sir.Roxas , adviser ng 4-D at P.E teacher din namin.

The Gangster Meets The Playgirl [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now