Chapter 3 (Meet the Gang)

4.4K 166 21
                                    

Faye's POV

Kanina pa namin ni Ashia hinahanap yung lalaki na humalik sa kanya sa bar..

Palaboy-laboy na nga kami sa kalsada eh.

Ayaw kasi paawat , hahanapin daw talaga yung guy.

"Best , sumasakit na ang mga paa ko. Bukas na lang yun natin hanapin tutal nakita mo naman yung face niya eh. Alas dose na ng gabi eh!" reklamo ko saka umupo sa gilid ng daan.

Sakit na talaga ng paa ko eh . Naka-heels kaya ako . Buti 'tong babae sa tabi ko naka sneakers lang,

"Hindi pwede. Naku pag nakita ko sha ngayon shashakalin ko talaga sha ng bonggang bongga!  Mga boypVands ko lang ang may karapatan na halikan ako noh! Shaka baka may virush ang laway nun no! Yuck kadiri! "

"Haaay. Hindi natin siya makikita ngayon kasi gabi saka baka may mga rapist pang palaboy-laboy dito. Ayoko pang ma-rape!"

Eeeew! Ayoko pang masira ang kinabukasan ko no.

Buti sana kong gwapo yung rapist , eh paano na lang kung pangit yun? Ano na lang kalalabasan ng magiging anak namin?

Shocks! Ano bang pinag-iisip ko?

"Wala akong pakialam sha mga rapish na iyan! Chief of police kaya dito ang kapitbahay namin noon kaya sha akin shila matakot! At di ba nila alam na General ang ninong ko?! At shaka yung lalaking humalik shakin , ipapadakip ko yun sha tito kong Lieutenant !"

Ang tapang best friend ko ah! Ganito pala epekto ng alak sa kanya. Lakas ng tama eh!

"Alam mo lasing ka lang eh. Tara na , bumalik na tayo dun sa parking lot ng bar para makuha natin yung kotse mo at maiuwi na kita." sabi ko saka hinila siya pabalik sa dinaanan namin kanina.

"Hindi ako lashing besh ! Ganito langs talaga akosh magsalita. Kitang-kita ko nga kayo ng kakambal mo eh!"

Napabuntong hininga na lang ako.

Ang tigas ng ulo eh.

Next time remind me not to let her drink. 

"Uy! Tignan mo may gwapo dun oh!" sabi ni Ashia saka tinuro-turo yung apat na lalaki na nakaupo sa gilid ng kalsada di kalayuan samin.

Ooops . masama ang kutob ko dito.

Bago ko siya mapigilan ay tumawid na siya ng daan saka tumakbo palapit dun sa apat na lalaki.

Waaa! ! Anong gagawin niya?

Buti na lang hindi highway dito kundi nasagasaan na siya.

Agad ko siyang sinundan.

Nagpapapicture siya kasama yung tatlong lalaki!!

Shockz! Ashia ano ba 'tong naisipan mong gawin?

Agad ko silang nilapitan saka hinila palayo si Ashia mula sa tabi ng apat na lalaki.

"Excuse me ha , kukunin ko lang yung kaibigan ko." sabi ko sabay hila kay Ashia.

"What's her name?" tanong ng isang lalaki.

"Wala ka na ----"

"Im Ashia . Nice to meet you " ^_^

~__~ wala na sinabi na niya pangalan niya.

"Ako nga pala si Trent."

"Ako si Fix."

"Ren"

" and Im Brix!"

Isa-isang nagpakilala yung apat na lalaki.

"Nice meeting you all!" - Ashia ^________^

Ang hyper pala netong si Ashia pag lasing.

Di ko na 'to kaya.

"Miss, ano naman pangalan mo?" tanong sakin nung Trent ata yung name.

"Im Faye." sagot ko.

Wew. Ngayon ko lang napansin ang gagwapo nga ng mga lalaking ito.

"Ah alis na pala kami. hehe. Balik na kami ng bar." sabi ko saka hinatak na si Ashia palayo.

Delikado dun. Baka mamaya lapain ko pa ang mga lalaking yun.hahaha

Saka mukhang mga gangster eh. Gwapong mga gangster.

Waaaaah! Lalo na yung Trent. hahaha

Ang landi ko talaga. 

ASHIA's POV

Aray ko po .Ang saket ng ulo ko.

Umaga na pala?

Bumangon ako sa higaan ko at saka naligo.

Pagkatapos ay sinabayan ko si Granny sa pag-aalmusal.

"Ashia , saan ka ba nanggaling kagabi? Pasado alas-dose ka na umuwi. Buti at hinatid ka dito ni Faye." sabi ni Granny (Lola ko yan, Granny daw itawag ko sa kanya kasi pakiramdam niya mas lalo siyang tumatanda pag tinawag ko siyang lola.) .

"Uhmmm . . . Nag-celebrate lang kami ng friends ko Granny , kasi birthday ng kaklase ko.  " 

Ayon nagsinungaling ako.Tiniis ko na lang ang konsensiya ko kasi kapag sinabi ko ang totoo siyempre pagagalitan ako no. Di ko na talaga 'to uulitin, ngayon lang 'to.

Kaya nga ako pinatira ni Daddy dito kay Granny kasi mas mababantayan ako dito pag wala sila.

Nalaman niya kasi na gabi na ako umuuwi minsan tapos wala na akong ginawa kundi ang mag-shopping. Kaya ayon dito daw muna ako kay Granny para mabantayan ako habang nasa labas sila ng bansa for business.

"Ashia, hindi na kita ulit papayagang umuwi ng ganung oras. Pagbibigyan lang kita ngayon. Tandaan mo ang bilin ng Daddy mo sa'yo."

"Opo , Granny "

Tapos naming kumain ay nagpaalam agad ako kay Granny na pupunta na ako ng school.

**********

Pagdating sa skul ay sinalubong agad ako nina Faye at Irish.

"Best , kamusta ka na? Nalasing ka daw kagabi?" salubong sakin ni Irish. Hindi siya nakasama samin kahapon kasi may pinuntahan sila ng parents niya.

"Oo.Ang sakit nga ng ulo ko nung paggising ko eh." sagot ko.

"Nakakita daw kayo ng mga gwapo dun? Sayang! Di ako nakasama." sabi ni Irish na halata namang nanghihinayang talaga.  Wala na talagang pag-asang magbago 'to.

Teka, sino nga pala yung tinutukoy niyang mga gwapo?

Wala akong masyadong matandaan eh. Ang alam ko lang pumunta kami ni Faye ng bar kasama si Ashton.

Naguguluhan ako!

Hinarap ko si Faye sabay tanong ng "Faye, may natatandaan ka bang mga gwapong lalaki na pinasasabi nitong si Irish na nakasalamuha natin kagabi? Wala akong matandaan eh."

"Hindi mo talaga natatandaan?" gulat na tanong ni Faye

Umiling ako. Wala talaga eh.

"Halika at ipaaalala ko sa'yo."

The Gangster Meets The Playgirl [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now