Chapter 11 (Status: In Relationship)

4K 170 13
                                    

ASHIA’s POV

*The next day *

“So ano yan Best? Official na kayo ni Shawn?” tanong sakin ni Faye.

 Sagot ko .

“Kyaaaaah! Ito na ang hinihintay ko eh! Mapapalapit na rin ako kay Ren!” nagulat kaming lahat nang biglang nagtitili si Irish, pati yung ibang classmates namin ay napatingin din sa kanya.

Yikes. Nakakahiya talaga ‘tong si Irish.

“By the way best, hindi pala kami makakasama sa’yo sa lunch kasi ngayon na yung audition sa play” Sabi sakin ni Faye nang papalabas na kami ng classroom para mag-lunch.

“Oo nga.First round na ng audtion ko para sa play." sabi ni Irish

Kainis naman. Di kasi pwede sa studio ang mga hindi kasala at hindi officers ng club.

“Kain ka na lang muna sa canteen best.At total vacant naman natin sa isang subject natin after lunch ay doon ka na lang namin pupuntahan sa office ng mga student officers.”sabi ni Faye

“Oo nga. Uy alis na kami ha? Mags-start na yun mamaya eh.”sabi ni Irish  saka nagpaalam sila at nauna nang lumabas ng classroom.

“Teka! Sino kasama ko mag-lunch?!” pahabol na tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan muna silang dalawa at sabay na sumagot sakin.”Eh di yung boyfriend mo!”

Pagkatapos at tumakbo na sila palabas ng classroom.

Anyway, tama nga naman sila. Puntahan ko kaya si Shawn sa classroom nila? Psh.Lalaki dapat ang sumusundo sa babae eh. Wag na nga lang, kakain na lang ako kasama ng ibang classmate namin.

Palabas na ko ng classroom ng mapansin kong panay ang tingin at napapatigil ang mga istudyanteng babae sa harap ng room namin. Ano naman kaya yun?

O__O

Ano’ng ginagawa niya dito?

“Ang tagal mong lumabas.” Umalis siya mula sa pagkakasandal sa pader at inakbayan ako.

“Ano’ng ginagawa mo dito?”tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. I know,iniisip niyong ‘kailangan pa bang itanong yun?’. Wala lang, gusto ko lang marinig galing sa kanya kasi kinikilig ako .haha. Pst! Secret lang natin ‘to ah?

“Tss.Let’s go.”

>.< Di man lang sinagot tanong ko.

“Saan?”- ako

Tinignan niya lang ako na parang nawe-weirduhan siya sakin.

“Psh.Nevermind.” sabi ko na lang.Di na nga bale kasi napansin kong papsok na kami sa canteen. Baka iniisip niya na slow ako kasi lunch nga dba kaya saan pa ba ang ine-expect ko na pumunta kami? Para lang akong ewan.

“OMG! Magkasama si Shawn at Ashia.”

“Sila na talaga oh!”

“Fafa Shawn, bakit mo ko iniwan?!”

Dinig na dinig ko ang bulungan ng tatlong babae na nadaanan namin. Teka ngbubulungan pa ba sila sa lagay na yan? Eh halos naririnig na nga ng iba ang pinag-uusapan nila.Tsk.

“Ashia!” tawag sakin ng kambal nan aka-upo sa pinaka-center na mesa sa canteen. Kasama rin nila si Ren .

Lumapit kami ni Shawn sa kanila saka umupo  na rin doon.

The Gangster Meets The Playgirl [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now