CHAPTER ONE: THE UNWANTED ONE

36 3 0
                                    

If you wont let love in

it will surely wreck your door.

pagpasok pa lang ni patty sa gate ng university ay malas na agad ang natanaw niya. andun nanaman kasi si makoy sa gate. para kulitin siya na ito na ang magdadala ng mga gamit niya at ihatid siya sa classroom na kahit kelan naman ay hindi niya ito pinayagan.nagtataka na nga siya at anong oras ba pumapasok to si makoy.palaging ang aga para abangan lang siya sa gate.

"good morning neng! ayan na naman ung prince charming mo ." tukso ng manong guard na kilala na silang dalawa dahil sa uma umaga nilang eksena.hindi na niya pinansin pa ang binata tuloy tuloy itong naglakad sa pathway na parang walang nakita at binilisan pa niya ang lakad niya. wala kasi siyang oras ngayon para kausapin ito dahil madami pa siyang tatapusin.

"good morning patty.... " bati ni makoy.

"at anong maganda sa umaga pag ikaw ang nakikita ha?" sabi ni patty na hindi tumitigil sa paglalakad.

"patty naman wag mo naman akong sungitan.. " makaawa ng isa.

"hoy makoy sino ba naman ang hindi susungit pag ikaw unang madadatnan sa umaga.imbes na inaaksaya mo yang oras mo kakaintay sakin dyan sa gate e tulungan mo nalng  ang hardinero sa pagdidilig ng halaman. para may pakinabang ka. hindi ung para kang rebulto dun sa gate.araw araw nlng tabi nga dyan"

"patty naman. ang sakit mo namang magsalita.concern lang naman ako... "

"ahhhh!! nasasaktan ka pala... kala ko bato na yang mukha mo sa  katigasan e. bakit kasi ayaw mo pa ako tigilan.." nakarating na lang si patty sa pinto ng classroom niya.

"e patty mahal kita"sambit ng lalaki.

"dyosmiyo.porpabor makoy.nauna mo pa makuhang magmahal kesa ausin yan polo mo.oh ! gusot.tigilan mo na ako ha utang naloob madami akong tatapusin" sabay pasok ng dalaga sa classroom.

laking pasasalamat na lamang niya at hindi niya ito kacourse.dahil kung parehas pa sila ng tinake up e baka lumipat na siya ng university.

"o ganda . imbyerna ka nanaman ah .. "sabi ni dabby na nakaupo sa tabi niya.

"oo nga e. ang aga aga kasi nun ni makoy na kulitin ako."

"bakit kasi friend hindi mo pa sagutin?" tudyo ni dabby.

pasinghal naman ang sagot ni patty. "huh.ano. sagutin?" lumapit ito sa kaibigan at parehas nilang tinitigan si makoy na naroon parin sa labas ng classroom. "tingnan mo nga yang itsura niyan friend mukha bang ganyan ang standard ko? patpatin.malaki pa ang damit sa kanya.at ang buhok parang pinahiran ng pamada..tsk tsk.." sabay balik sa upuan.

"e friend hindi ka na makakakita ng ganyang lalaki sa panahon ngayon.matyaga,consistent,masipag.." build up naman ng kaibigan niyang nagbubuklat ng textbook.

"o sige dabby e mukhang trip mo siya.sabihin ko na ikaw nalng ligawan niya at mukhang may pagasa siya sayo."

"huuyy friend wag kang ganyan ito naman e di mukha na kaming barbeque niyan. ako ung taba tapos siya ung stick haha " sabay hampas at tawa kay patty.

2nd year college na si patty at business management ang kinuha niya para pagkagraduate ay siya ang magtake over sa business ng papa niya. maganda at business minded talagah ito.kaya bawal ang petiks sa kanya.kaya kahit maraming qualified na manligaw sa kanya e focus lang toh sa magiging future career niya. e itong si makoy lang naman ang super tiyaga sa kanya. hindi na nga niya malaman ilang beses na niya itong pinagsalitaan ng hindi maganda at halos ipagtabuyan na niya . pero andyan pa din ito.hindi nya naman  gusto na saktan ang binata pero kung ito lang ang paraan para tigilan siya nito ay gagawin na niya.

ways how to get rid of your unwanted suitorOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz