Maya-maya lang, biglang tumunog ang telepono na katabi ko lamang kaya agad ko itong sinagot.

[Hello boss?]

"What is it Marcus? Meron na ba?"

[Yes boss. Actually papunta na po ako sa mansion niyo para ibigay ito]

"Good. By the way, may isa pa pala akong ipapa-imbistiga sa iyo"

[Sino po boss?]

"Hindi sino kung hindi ano"

Matapos kong sabihin kay Marcus ang isa ko pang ipa-iimbistiga, kaagad ko na itong pinatay. Kasabay non ay ang pagbaba ng nanny nila Ayesha at Lucas habang basang-basa itong nakayuko at bumababa sa malaking hagdanan ng mansyon.

Umiiyak itong lumapit sa akin sabay sambit ng "S-sir, hindi niyo na po ako kailangang tanggalin dahil ako na mismo ang aalis. Pasensya na po talaga sir, nahihiya lang po akong sabihin sa inyo ito noon pero ang totoo, napakahirap po talagang alagaan ng dalawa niyong anak. Na kahit sino pong mag-bantay sa kanila ay paniguradong hindi magtatagal. Pasensya na po talaga pero ayun lang po ang opinyon ko. Sige po sir, aalis na po ako. Pasensya na po ulit" sambit nito at dire-diretsong umalis sa harap ko.

WTH? Fuck! Pinabayaan ko na lang si Kyla na umalis at hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mga anak ko. Ano na naman bang kalokohan ang ginawa nila?

Dali-dali akong umakyat ng second floor ng mansion at pumunta sa kwarto nila Ayesha at Lucas. Pagkapasok ko, nadatnan ko agad ang dalawa na nakaupo sa couch ng kwarto nila habang nakasimangot.

"Kayong dalawa? Ano na naman bang kalokohan ang ginawa niyo?" Kalmado kong sambit kahit na gustong-gusto ko ng sumigaw.

Hindi sumagot yung dalawa sa tinanong ko at patuloy pa rin silang nakahalukipkip habang nakatingin sa harap.

"Ayesha, Lucas, answer me. Anong kalokohan ang ginawa niyo sa nanny niyo?" Ma-awtoridad kong sambit. Ayoko na sanang kausapin silang dalawa tungkol rito at pabayaan na lamang yung nangyari. Kaso hindi pwede dahil pang-limang nanny na nila si Kyla. At lahat ng iyon hindi tumatagal sa kanila ng isang taon man lang.

Biglang tumingin sa akin si Ayesha na may mamula-mulang mga mata habang naka-pout siya sabay sagot ng "Eh kasi po daddy, she's so makulit kaya binuhusan po siya ni kuya Luke ng water from the flower vase. It's her fault din naman po kaya nangyari iyon sa kanya"

"Is that true Lucas?"

"Yes dad"

Napahinga na lamang ako ng malalim. Ano na ba talagang gagawin ko sa mga anak ko? Hindi ko naman sila pinababayaan pero bakit ganto ang naging ugali ng mga anak ko? Mabait naman si Cleo. Infact, hindi lang siya basta mabait kundi napaka-bait.

Hindi rin naman sakin dahil ayon sa mom ko, eh napakamasunurin kong bata noon until that day.

And again, I sighed. Sa hindi ko mapagilan eh. Napailing na lang ako at umupo sa tabi ng mga anak ko. Oo na, sakin na sila nagmana ng ugali, lalong-lalo na itong si Lucas. But sometimes Ayesha is sweet. Hindi katulad ni Lucas na laging nakasimangot. Pero kahit papaano ngumingiti iyang batang iyan. Minsan nga lang.

"Ayesha, Lucas listen to me. Promise me na kahit kailan hinding-hindi na mauulit ulit ito okay? Naiintindihan niyo ba?" I asked them.

"But dad---"

Naputol ang sasabihin ni Ayesha ng biglang nagsalita si Lucas.

"We're just going to do that lang po daddy if si mie ang mag-aalaga samin diba yesha?" Sambit ni Lucas habang bigla siyang tumingin kay Ayesha.

Bigla akong napa-smirk. Lucas. You are really growing up. Napailing na lang ako at napasambit ng "So you want me to take that girl as your nanny, ganun ba Lucas?"

"She is not just a girl daddy! She is our mommy. Why are you like that po?" Biglang sigaw ni Ayesha. Napataas ang kilay ko sa sinabi ng anak ko sabay sagot ng "She is not your mom Ayesha"

Napaikot ang na lamang ang mata niya at humalukipkip ulit.

"Yes dad" sagot ni Lucas kaya napatingin ako sa kanya.

Nakipagtitigan muna ako sa 6 YEARS OLD kong anak at taimtim na nag-isip. Mukha namang ok ang naisip ng anak ko pero that girl. We don't know her. Ngayon ko lang siya nakilala kaya nga nagulat ako dahil kamukhang-kamukha niya talaga si Cleo except sa mahaba niyang buhok, nunal niya sa leeg at tsaka yung mapula niyang labi.

And again, and again, I sighed. Fine. Panalo na ang mga batang makukulit na ito. Ginulo ko ang buhok nilang dalawa at napasimangot na lamang sila ngunit bigla silang ngumiti sa sinabi ko.

"Fine. If you say so"

...to be continued...

***

My Babies (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя