Part 12 - Alone?

2.3K 64 21
                                    


You don't know what's goes on in anyone's life but your own... -- Thirteen Reasons Why



*





Jax is busy rolling up his sleeves until it reaches his elbow. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa kanyang magkabilang siko upang makita kung pantay ba ang pagkakatupi niya. Napabuntung-hininga na lamang siya ng hindi siya makuntento sa pagkakapantay niyon. Isinarado niya ang cabinet na naglalaman ng ilan niyang mga damit. Hindi niya natatandaang may naiwan siyang kagamitan mula noong umalis siya dito. However, his mother buy him clothes for convenience purposes. Hindi nito gustong nagdadala siya ng gamit kapag natutulog siya doon dahil pakiramdam daw nito ay bisita siya samantalang siya lang naman ang pumiling umalis. Kapag ganoon ng ang usapan ay nagkukunwari na siyang nagmamadali o inaantok. The conversation will surely end up his mother shedding tears.

He looked on his reflection on the mirror attach to the closet. Inayos niya ang kuwelyo na sa tingin niya ay bahagyang nakapaling. He is wearing a blue long sleeves with a black slacks to match it. Ilang minuto siyang nakatitig sa salamin ng mapansin ang lukot ng polo sa may bandang tagiliran. Napailing na lamang siya. His mother must have been busy with her new hobby that he is now neglecting his clothing. Marahil ay magpapalit na lamang siya ng damit sa opisina. He has a spare clothes on his office. Para iyon sa mga pagkakataong gusto niyang doon na matulog o mag-overtime. But he rarely does that as he sees to it that his work is done timely plus eight hours of sleep is essential.

He is wearing a blue long sleeve polo with a black slacks to match it. Blue and gray has been his color, though white is his favorite color--iilan lamang ang damit niya na ganoon ang kulay. Sa klase ng polusyon na meron ngayon ang Pilipinas, kahit gaano ka pa kaingat--mangingitim pa din iyon. And he hated it when he looked dirty. He release a deep breath when his eyes catch the crumpled side of his clothes. Masakit talaga iyon sa mga mata.





**


Halos mamula na ang katawan ni Blaze sa pagkuskos na ginagawa habang bumubuhos ng malakas ang tubig mula sa shower.

  "A friendly reminder..maligo ka na.."

Nanggigigil na inabot niya ang bath gel at binuhos iyon sa katawan. Wala siyang pakialam ng makitang halos mangalahati na iyon. Kahit doon man lamang ay makaganti siya sa lalaki. She saw a plastic pouch with toiletries inside--toothbrush, toothpaste, shampoo, conditioner and a soap--the name 'BLESSIE' written on it and she knew for sure that it came from Jax. It was included in the paper bag he saw on her room a while ago. Hindi niya alam kung paano iyong napunta doon dahil hindi niya naramdaman na may pumasok sa silid niya. It was probably there before she woke up. Marahil hindi lamang niya napansin.  The gesture is not sweet. It is more like telling her that she needs to wash--badly.

Hindi naman sa hindi siya hygienic na tao pero kapag umaakyat siya ng bundok o di kaya ay nagka-camping, minsan ay hilamos lamang ang ginagawa niya dahil sa walang facilities sa lugar. At kung katulad ni Jax ang makakasama niya sa mga lakaran, paniguradong hindi ito mag-eenjoy dahil sa pagiging metikuloso nito sa lahat ng bagay.


Life should be enjoyed, right?


It shouldn't be lived by the book.


Napamura siya ng nga makaramdam ng hapdi sa mata.


"Shit!"

Nahilam siya. Pati ba naman ang bath gel ng lalaki ay galit sa kanya?

The CEO's ProjectWhere stories live. Discover now