[20]Miracle do Exist

Start from the beginning
                                    

"Ha?" Pang-gagaya niya. "Sabi ko tinatawag ka ni Ma'am!. Lutang!" Binulong niya sa huling linya.


"H-ha?" Inilibot ko ang paningin ko sa klase at nakita kong nakatingin lahat sakin ang mga classmate ko. Problema nila? Psh! "I'm sorry what is it again ma'am?" Tanong ko kay Mrs. Romero. Oh crap! Napa-ingles ba ako?



"Hindi ka na nga nakikinig dahil lutang ka, wala ka pang respeto sa subject na ito!." Sermon sakin ni Mrs. Romero.


"I'm s-sorry---"


"Ano ba Ms. Dela Fuentes!!" Galit na sigaw ni Ma'am. Nagbungisngisan naman ang iba sa mga kaklase ko. So what? Pag kayo nalagay sa sitwasyon ko hmff! Hindi lang bungisngis ang gagawin ko. Hahalakhak ako hanggang sa mamatay kayo! Psh! Sinamaan ko ng tingin ang mga klasmeyt ko kahit hindi na sila nakatingin sa gawi ko.



Terror pa naman to'ng titser nato! Nyeta!



"Paumanhin po Ginang Romero." Sabi ko.



"Bakit ba palagi ka nalang natutulala sa tuwing subject ko? Ha!? Ms. Dela Fuentes?." Kung alam mo lang ma'am kahit sa ibang subject ganito ako---



"Sumagot ka!!" Utos niya at aligaga naman akong napa-ayos ng upo.


"Ah-ahm. Pasensya na po Ginang Romero."



"Hindi niyan nasasagot ang tanong ko Ms. Dela Fuentes!"



Eh ano bang gusto mo! Nyeta!



Aghh umisip ka ng palusot Kortneee! Putspa!




"Ahh si M-Mama po k-kasi, h-hindi namin makontak, Oo tama po!. Hindi namin siya makontak ni kuya Marco. Kaya nag-aalala na po ako sa kanya kung ano nang lagay niya. Sana okay lang siya." Malungkot at nakangusong sabi ko. Hahahaha success! Mukhang naniwala naman don si Ma'am kaya nagpatuloy na siya sa pag discuss.


"Totoo?" Tanong ni Joy. Kinindatan ko lang siya. Mukhang nakuha niya yon kaya hindi na siya nagtanong pa. Napatungo siya at mukhang may iniisip.



"Ehem! Okay sino si Ibarra? Ms. Zaigon?"




"Ay leche plan!" Gulat na sabi ni Joy. Natawa naman ang mga kaklase namin.




"Hahahahaha.." Tawa nilang lahat.



"Magsi-tahimik kayo! Kung hindi ay lahat kayo ay pupunta sa Detention office,!!" Sigaw ni Mrs. Romero, nagsipagtahimikan namin kami. "Sino si Ibarra, Ms. Zaigon!?" Mataas parin ang boses na sabi ni ma'am.




"Ehem! Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa E-Europa. Nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego."



"Magaling, kompletong kasagutan. Yan ang gusto ko." Malumanay ng sabi ni Ma'am.




Natapos ang bulong klase namin sa pang-umagahan. Dumeretso kami ng mga kaibigan ko sa Cafeteria para mag-lunch.



The Amazona Meets Mr. MahanginWhere stories live. Discover now