Nawala ang ngiti ni Moana, pinamulahan ng mukha. "I don't need a big brother, Vince, nor a daddy..." padabog niyang sabi bago mabilis na lumabas.

Isang buntong-hininga ang narinig mula kay Adrienne. "I am really glad you're back, Vince. Nitong nakaraang mga araw ay nahihirapan akong pakitunguhan si Moana..."

"Ikaw naman kasi'y lagi mo na lang pinupuna iyang anak mo," si Hector. "Hindi na bata si Moana, darling. Isa pa'y nag-a-adjust pa siya sa intrusyon ko sa buhay ninyong mag-ina."

Muling nagbuntong-hininga si Adrienne. "Ayokong lumala ang animosity sa pagitan naming dalawa, Hector."

"Kung wala na kayong kailangan sa akin, Tita Adrienne, tutuloy na muna ako," si Vince na hindi gustong makihalo sa usapan ng dalawa. "Sa Lunes na lang tayo magkita sa bangko..."

Tumango si Adrienne. "Hindi mo kailangang mag-report kaagad, Vince. Maaari akong magpatawag ng meeting sa ibang araw. Kung gusto mo'y magpalipas ka na muna ng ilang araw bago ka pumasok..."

"Nasa opisina ako bukas," paniniyak ng binata. Tinanguan si Hector at kinabig pasara ang pintuang narra bago lumabas ng library.

Hustong naipinid ang pinto'y tumayo si Hector. Dinampot ang sigarilyo at nagsindi. "Hindi ko naiintindihan ang ginawa mong ito, Adrienne. Bakit kailangang mag-resign ka sa kumpanya at i-appoint mong kahalili ang taong iyon? Ni hindi ninyo siya kamag-anak?" Pagtataka at bahagyang inis ang nadarama nito.

"You don't understand, Hector," ani Adrienne sa mahinahong tinig. "Matagal ng naghihintay kay Vince ang posisyon bilang CEO, president at general manager ng mga bangkong pag-aari ng mga Lang. Pansamantala lamang ang appointment ko bilang presidente ng bangko..."

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"My late husband appointed Vince to be his successor on his death. Inaprubahan iyon ng board at may mga dokumento iyon. And provided he is capable of the position na ako at ang board ang magdedesisyon. And Vince is very much qualified."

"At bakit gagawin ni Henry iyon?" Halos magdikit na ang mga kilay nito sa pagkakayuko sa asawa.

"Malaki ang tiwala ni Henry kay Vince tulad din ng pagtitiwala niya kay Rodrigo dela Serna na siyang namamahala sa pabrika," isang malungkot na ngiti ang kumawala sa mga labi niya sa pagkakabanggit sa namayapang asawa. "Henry was a good judge of character. Nang una niyang makilala si Rodrigo dela Serna ay sumugal siya at ginawang kasosyo ito sa kabila ng kakaunti lamang ang pera nito. Matalino at masipag si Mr. dela Serna bukod pa sa mahusay makitungo sa mga tao. At hindi nagkamali si Henry.

"At bago pa man kami umuwi ng Pilipinas ay nagtatrabaho na sa pabrika si Vince bilang apprentice ni Mr. dela Serna. Mismong ito ang nagrekomenda kay Henry na tanggaping messenger-trainee si Vince ng bangko."

"Yeah," halos paismid na wika ni Hector. Kanina lang nito nakita ang lalaki pero hindi nito gusto si Vince. Tipong malaki ang tiwala sa sarili. At lalong hindi nito naiibigan ang pagtitiwala ni Adrienne dito para kay Moana. Hindi nga lang nito isinatinig iyon.

Ipinagpatuloy na ni Adrienne ang pag-aayos ng mga papeles sa ibabaw ng mesa. Maya-maya'y lumapit ito sa babae at mula sa likod ay niyakap. Hinagkan sa leeg at pinaglakbay ang mga kamay sa katawan nito.

"Hector, ano ba," mabuway na wika ni Adrienne. "Baka mapasukan tayo ng mga katulong..."

"Alam nilang nandito tayo sa loob, darling," wika nito. Dahan-dahan nitong binuksan ang zipper sa likod ni Adrienne. Bumaba ang mga labi nito sa batok niya...pababa. Humigpit ang pagkakahawak ni Adrienne sa edge ng mesa kasabay ng pagpapakawala ng malalalim na paghinga.

"Honey?" Si Hector na huminto sa ginagawa at iniharap ang asawa. Tuloy-tuloy sa paghahabol ng paghinga si Adrienne.

"I'm—I'm so—rry," nagmamadaling binuksan nito ang harapang drawer at mula roon ay kinuha ang dischaler para sa asthma at dinala sa bibig, and inhaled from it.

Inalalayan siya ni Hector na maupo. "Here, maupo ka," masuyong wika nito at kinabakasan ng matinding pag-aalala sa mukha.

"I—I don't understand," wika niya sa pagitan ng paghahabol ng hininga. "Sunod-sunod—ang atake ng asthma ko nitong mga huling araw..."

"You've been very upset with your daughter," wika ni Hector na hinawi sa mukha ng asawa ang buhok. "Minsan ay gusto ko nang magalit, darling. She has no right to do this to you..."

"Please..." hindi niya gusto ang namagitang animosity sa asawang-kauli at anak.

Itinuwid ng lalaki ang sarili at lumayo sa asawa. Nagpalakad-lakad sa harap ng mesa at pasulyap-sulyap kay Adrienne na bahagya nang nahimasmasan.

"I—am sorry, Hector. I have been neglecting my duties dahil sa madalas na atake ng asthma ko..." isa ito sa mga pagkakataong tinangkang makipagtalik sa kanya ng asawa at tuwina'y hadlang ang asthma niya.

"Hindi ko iniintindi ang sarili ko, Adrienne," banayad nitong sinabi. "I am more worried about you...about us." Nagsalubong ang mga kilay ni Adrienne. Nagpatuloy si Hector. "I do not even know how to tell this to you..."

"Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin, Hector..." she encouraged.

"It's about—Moana..."

Lumalim ang kunot ng noo ni Adrienne. "What about her?"

Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga angpinakawalan ng lalaki. "Inaakit niyaako, Adrienne..."    

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon