Promise Ring

53 6 16
                                    

"Don't regret things, God's plan was perfect as it is."



"Merry Christmas"

Masayang bati nang lahat pagsapit ng alas dose. May magagandang fireworks din sa labas.

Simpleng salu-salo lang ang ginawa namin at bigayan ng reagalo. Nakakamiss din pala ang paskong probinsya. Dalawang taon din akong hindi nagpasko dito, tuwing new year lang kasi ang uwi ko dito dati. May mga nagkakantahan sa labas, nag-iinuman at nagsasayawan.

Habang kaming tatlo ay nandito lang sa loob ng bahay nagkukwentuhan.

"Nak, kumusta na pala kayo ni Marco? Nakita ko kasi sa kwarto mo nung nakaraan sobrang linis na."

"Matagal na kaming wala ma." Then I smiled.

"Sino yung nagpapangiti sa'yo ngayon, yung palagi mong kausap sa cellphone." usisa ni mama na may mapaglarong ngiti sa labi.

"Ipakilala mo naman sa amin ate nang makilatis, hahaha." Dagdag pa ni Jas.

"Si Tobe ma, actually mamaya pupunta siya dito. Gusto niya din kayo makilala."

"Parang tutube lang nak. Haha. Pero alam niyo, ang palagi kong pinagdarasal ay makahanap kayo nang lalaking hindi kayo iiwan hanggang dulo." Biglang lumungkot na sabi ni mama.

"Ma tama na pong drama, paskong pasko oh! Tsaka wag kang mag alala ma, hindi naman lahat nang lalaki nang iiwan." Sagot naman ni Jas.

"Bakit Jas, may boyfriend ka na ba?" 

"Wala ate, hehe." At nahiyang ngumiti.

"Basta ma, ipapakilala ko siya."

"Sige anak, alam mo naman suportado ko kayo kung saan kayo masaya."

Ngumiti ako sa kanya, kaya namin mahal na mahal si Mama dahil lahat ng gusto namin ay suporatdo niya basta't alam niya lang na walang halong kalokohan.


Patulog na ako ng mag ring ang phone ko, excited ko itong kinuha at sinagot.

"Hello Boyfriend." Pambungad ko sa masiglang tono.

"Its Bruno, konti nalang talaga mapapagkamalan na kitang may gusto sa akin." Sagot ng nasa kabilang linya, number lang pala. 

"Hala ikaw pala 'to, akala ko kasi-

"Akala mo si boyfriend?"

"Sorry naman, tsaka kapal nang mukha mong sabihing may gusto ako sa iyo. Mandiri ka nga Bruno. Hahaha. Bakit ka ba kasi tumawag ng ganitong oras?"

"Relax ha? Icoconfirm ko lang yung invite mo, pupunta ako mga hapon or after lunch. Tatawag din sa'yo yung jowa mo, wag masyado excited. Haha bye!"

Sasagot pa sana ako kaso binabaan na ako nito, nakakahiya. Hindi pa kasi tumatawag si Tobe, bakit kaya? Inaantok na ako..



"Ateee gising! May naghahanap sa iyo sa labas, lalaki." Dahan dahan kong minulat ang mata ko, naaninag ko ang nakangising mukha ni JAS.

"Sino? Anong oras na ba?"

"Maligo ka na, nakakahiya sa bisita."

Bisita? Si Tobe kaya? Dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa gilid at tiningnanan ang oras, alas siete na din pala hindi man lang nagsabi.

Until We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon