Moments

51 7 16
                                    

"Together let's make a wish, together let's make it come true"



Nagising ako kinabukasan na ako na ang nakahiga sa kama at wala nang Tobe. Sunday ngayon kayo walang seminar na magaganap. May iaassign di umano na mag totourguide samin. 

Pagtapos maligo at makapag ayos ay bumaba na ako para kumain ng umagahan. Napagdesisyonan kong sa resto dito sa loob nalang kumain. Pag pasok ko ay nakita ko sa isang table si Tobe na nagkakape, hawak ang ulo nito at ang lalim ng iniisip. Lumapit ako sa kanya.

"Tobe..." Kung hindi ko pa sya tinawag ay hindi ako nito mapapansin

"Good morning, kanina ka pa?"

"Kakain pa lang, ikaw?"

"Hindi pa, order na tayo."


Tahimik kaming kumakain, gusto ko sana mag tanong about sa nangyari sa kagabi, kung para saan ang sorry.

"Yung tungkol pala kagabi" Basag nya sa katahimikan. Tinitigan ko lang sya at marahang tumango. "I am sorry sa abala, hindi ko alam kung bakit doon ako dinala ng paa ko." Napayuko ito.

"Hindi ka naman nagkalat kaya ayos lang." saad ko na nagpatawa sa kanya.

"My feet and mind really knows were it belongs. Alam nila kung saan uuwi, kapag wala na ako sa katinuan." He smiled a little and looks at me intently. 

"Before ka nakatulog kagabi, nag sorry ka. Para saan?"

"Oh that. I'm sorry kasi I almost kissed a girl last night. I thought it was you." Napataas ang isang kilay ko. "Pero hindi ako ang nag initiate, tsaka hindi natuloy promise."

"No one forbids you to kiss anyone, kaya hindi ka dapat mag sorry." Why does my inner being contradicts what I had said?

"I am forbidding myself, because I don't like any other woman than you." That made me shut up. Napansin nyang hindi na ako umimik."Tara ba. Maliligo pa ako, sabay na tayo." 

"WHAT? Tapos na akong maligo." Napasinghal ako sa kanya.

"What I mean is sabay na tayo umakyat, ako maliligo ikaw mag aayos para sa tour daw natin." Napangisi ito. "Kung ano ano iniisip mo."

"Tara na nga." Tumayo na ako at naunang mag lakad. Humabol ito sakin at mapang asar na tumawa.

"Ang cute mong mamula, parang strawberry."

"Shut up. Kailan pa naging pula ang strawberry, ha?"

"Ang seryoso nito, syempre hindi. Nagbibiro lang e. Pero ang cute mo talaga." Pang aasar nya ulit. Mas binilisan ko ang lakad at saktong bumukas ang elevator, dali dali ko itong sinirado pero naabutan niya parin.

"Hindi pa nga tayo, iniiwan mo na ako, ang sakit mo sa puso strawberry." Umaarte itong nasasaktan.

"Hindi bagay, umayos ka nga." Ayaw ko tumingin sa kanya, mukha siyang baliw.

"Alam mo? Kung sila may "Apple of the eye", ako may "Strawberry of my eye". "My" kasi akin." Bumukas na ang elevator hudyat na nasa floor na namin kami. 

Mabilis akong naglakad at pumasok sa room ko. Sumandal ako sa pinto pagkapasok, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. I am getting weird everyday.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Until We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon