Avoiding

61 7 41
                                    

"Saan ka nga ba lulugar, kung wala namang kayo."



Lumipas ang mga araw na parang normal lang samin ang lahat, office works na nagpaka busy sa amin lalo. Pero andun pa rin yung kulitan kapag break time. Madalas din yung paglabas namin dalawa ni Tobe, kung hindi siya busy ay sabay kami umuuwi at nauuwi sa yayaan para kumain at mag gala.

What's the real score between us? Hindi namin napag-uusapan kung ano man tong meron kami, alam kong napapansin na rin nila na may iba sa aming dalawa. Pero ni isa sa kanila ay walang nagtanong, yan ang gusto ko sa mga ka workmates namin they know the word privacy except sa mga kaibigan kong tsismosa. Hahaha! 

Friday ngayon at may meeting daw na magaganap para sa mangyayaring Christmas party. 

Saktong 3pm ay nagpatawag na ng meeting sa lahat ng Department. Excited akong hinila nang tatlo, kasi andun na daw sa conference yung crush nila sa kabilang department.

"Ang gwapo niya talaga" kinikilig na saad  ni Gabby na sinang-ayonan ng dalawa. Gwapo naman talaga ang head ng marketing dept.

"Masyado ba kayong busy at hindi nabalitaan ang naganap na kasalan nyang si Mr. Montalban?" Basag ko sa kanilana may nanunuyang ngiti sa mga labi.

"Kasal?" Sabay sabay nilang saad na parang ayaw maniwala. Pumwesto na kami ng upo, at kitang kita sa pwesto namin si Mr. Montalban.

"Look at his ring finger, that's a weffing ring right?" Mahina kong bulong sa kanila at sabay sabay itong lumingon at alam kong nakita nila ang ibig ko sabihin.

"I'm broke!" Naiiyak na saad ni Maya na tinawanan ko lang.

"Siya nalang yung inaasahan kong hindi mananakit sakin." Si Gabby na may papunas pa sa imaginary tears.

"Ayos lang yan, hanap tayo ng ibang inspirasyon." Saad ni Ruvee na may a tap pa sa baliat ng dalawa.

Natahimik kami ng pumasok si boss kasama si Mr. San Diego.

"Bakit hindi nalang si Mr. San Diego ang gawin niyong inspirasyon?" Suhesyon ko sa kanila at sinundan ng tingin si Mr. San Diego.

"Hindi ko bet." Sabay na sagot ni Maya at Gabby. Sabay kaming lumingon kay Ruvee na hindi umiimik.

"Bet mo si Mr. San Diego besh?" Usisa ko kay Ruvee.

"Ah eh, hindi ko rin bet." Ewan ko lang kong napansin din ng dalawa na tumingin si Mr. San Diego sa gawi namin na ikinailang ni Ruvee.

"Good Afternoon ladies and gentlemen. Hindi ako magtatagal, I'll give the floor to Mr. Suarez after this to take over the meeting. And Mr. San Diego will be joining our Christmas Party, kaya nandito siya kasama sa meeting." Mahabang litanya ni boss. Nilibot  nito ang mata sa paligid. "Where's Mr. Suarez by the way?" tanong ni boss na ikinalingon ng mga officemates ko sa akin.

"Miss Monterio, do you know where's Mr. Suarez?" Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao? Umiling lang ako, wala naman talaga akong alam. Bumukas yung sliding door at niluwa nito ang hinihingal na si Tobe.

"Good afternoon boss, Mr. San Diego." Lumapit siya sa mga ito sa harap at nakipag kamay. "Sorry everyone, may inasikaso lang. So let's proceed?" Tanong nito kay Boss at tinugunan naman ito ni boss ng tango.

"I think I have to go." Saad ni boss at tumayo na at nagpaalam.

Pagalabas ni boss sa pinto ay nagsimula na si Tobe.

Until We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon