Gift

71 7 17
                                    

"The best gift doesn't comes from material things."

Sinabi ko kay Tobe na bago kami pumunta sa kung saan ay magsimba na muna kami. Naka polo shirt lang si Tobe na kulay blue at naka maong pants habang ako ay nakasuot ng light blue na above the knee dress at beige na doll shoes.

"Kung alam ko sanang magsisimba tayo ay nakapag ayos ako ng mabuti."

"Maayos naman yang suot mo. Tara na at baka mahuli pa tayo."

After church ay nagbiyahe na kami. I don't know kung saan kami pupunta, basta surprise daw. Hinayaan ko nalang, nagkukwentuhan lang kami sa buong byahe.

It takes us almost two hours travel, parang nasa probinsya kami dahil purong kahoy na ang nakikita ko imbes na mga gusali.

"Where are we?" Tanong ko ng huminto kami sa isang cliff na puno ng bermoda grass. May iilang tao ang andun.

"Dito ako tumatambay kapag may malalim akong iniisip." Sagot nya at lumabas ng kotse, pinagbuksan ako nito ng pinto. "Tara."

Nilahad nya ang kamay sakin. Tinanggap ko ito ng walang pag alinlangan.

"Can I hold your hand like this?" He intertwined our hands, maluwang pa ito nung una pero nang tumango ako ay hinigpitan nya ang hawak dito.

The feeling was to comfortable. Makikita mula dito ang naglalakihang building ng syudad. Ang sarap sa feeling ang sariwang hangin na dumadampi sa aming mga balat.

"Maganda dito kapag gabi, makikita mo nagliliwanag na ilaw ng mga gusali." Nakangiti itong tumingin sa akin. "At isa sa paborito ko dito ay tuwing ganitong oras, masasaksihan mo ang paglubog ng araw." Dagdag nya pa at seryosong tumingala.

Medyo lumungkot ang itsura nya na tila may naaalala.

"Upo na muna tayo." Saad nito at umupo sa damuhan, ganun na rin ang ginawa ko.

"Hintayin natin ang paglubog ng araw, gusto kong masaksihan ito." Saad ko at humarap sa kanya.

Nagkukwentuhan lang ulit kami. Ilang sandali ay nagpaalam ito at may kukunin lang daw sa kotse.

Pagbalik niya ay may dala na itong dalawang bote ng tubig at nakasabit sa likod nito ang isang gitara.

"Pasensya at natagalan. Bumili pa kasi ako ng tubig." Kasabay nito ay ang pag upo nya sa tabi ko.

"Ayos lang. May dala ka palang gitara? At marunong ka tumugtog nyan?" Takang tanong ko sa kanya.

"Hindi man halata pero marunong ako. Gusto mo haranahin pa kita araw araw?" Saad nya na may nakakalokong ngiti.

"Oo na, ikaw na talented." Sabay hampas ko sa balikat nya.

Masaya kaming nagkakantahan dalawa.

Nagtatawanan kami tuwing pinipilit kong abutin ang matataas na tono. Hindi ko forte ang pagkanta, pero napapakanta ako ni Tobe ng wala sa oras.

Lumipas ang ilang minuto ay papalubog na ang araw.
Tumigil muna kami sa kantahan at kapwa nakangiting sinaksihan ang araw. Tumayo kami at kinunan nang litrato ang napakagandang tanawin.

"Ang ganda." Hindi ko napigilan isambit.

"Jean." Tawag nya sakin pagkatapos naming mapanuod ang paglubog ng araw. Lumingon ako sa kanya.

"Thank you for this day. For making it special."

"Wala naman akong ginawa para maging espesyal tong araw na 'to. And I should be the one thankful for bringing me to a place like this." Sagot ko sa kanya.

Until We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon