Date

60 7 49
                                    

"Minutes turn to moments, I want to spend with you"


Huling araw namin ngayon dito sa Cebu. The last two weeks were partly stressing, pero so far marami akong natutunan. At dahil last day daw namin ngayon, may magaganap daw na party sa hall ng hotel bilang pasasalamat sa mga nag attend at sa matagumpay na event.

Nag aayos na ako ng sarili para sa party. Narining ko na ang pagkatok at pagtawag ni Tobe sa pangalan ko mula sa labas. Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang maayos na itsura ni Tobe. He is wearing a white long sleeve polo na nakatupi hanggang siko niya at naka slacks na black. He looks so fresh and hansome tonight.

"Ayos ka na ba? Let's go." Sabi nito at tiningnan ang ako mula ulo hanggang paa.

"What?" Nakataas kilay kong tanong. I am wearing a red  plain off-the-shoulder three-quarter sleeve dress.

"Ah.. eh.. wala. Tara na nga." Mabilis itong tumalikod at lumabas at naunang maglakad sa'kin.

"Ganyan ka ba umasta sa kadate mo Hendrix?" Biro kong saad habang nakasunod sa kanya. Huminto ito sa narinig at lumingon sa akin. 

"You want me to act how it should be?" He smirks. "Gusto mong mahulog agad sa akin?" Dagdag niya pa.

"So be it, no one can stop you right?" I gave him a playful smile.

"Alright. Let's go" Sabi niya at kinuha aking kamay at ikinawit sa braso nya at dahan dahang nilagay ang kanyang kaliwang kamay sa bewang ko and pulled me closer to him.

"I am really comfortable having you this close to me." He whispered in my ear, that sent me shiver in my body. I smiled.

"Stay close then." Ngiting tagumbay ang tinugon niya sakin. 

Hindi naman siguro masama kung bumawi ako sa kanya kahit ngayong gabi lang. Sa buong pag stay namin sa Cebu ay alagang alaga niya ako. He treated me like a princess and he cared a lot.

Pagkarating namin sa function hall ay may mga iilan nang andun, masaya naman naming binabati yung mga nakakasalubong namin. Pumwesto kami sa isang round table na pang limahan.

"Nasabi ko na ba sa'yo?" Biglang tanong niya.

"Ang alin?"

"You look so gorgeous tonight, bagay na bagay sa gwapong tulad ko." Sabay kindat. Sa araw araw na naming pagsasama ni Tobe ay nasanay na ako sa mga banat niya sa 'kin.

"Alam mo Mr. Gorgeous, matagal ko na 'yon. And to correct you, hindi tayo bagay kasi tao tayo." Asar ko sa kanya at gumanti rin ng kindat. 

"Woah! Yung ano nahulog, pakipulot naman."

"Ano?" Nagtataka kong tanong.

"Yung puso ko, hulog na hulog na sa'yo." Napatawa nalang kami pareho.

"Hayaan mo yang langawin iyan dyan." Biro ko sa kanya at may nakakalokong tawa.

"Ang sama mo sa'kin, hahayaan mo lang?" Tawa lang ang tugon ko. We were having fun talking nang may umepal.

"Hi guys, can we share table with you?" Pagpapacute ni Bless kay Tobe. Si Bless yung EA na humingi ng number ni Tobe sa'kin. I rolled my eyes secretly/ Speaking of langaw, ang bilis niyang makaamoy ha.

"Sige, dito na kayo." Patay malisyang umuo naman si Tobe, lilipat sana si Tobe sa tabi ko ng pigilan siya ng babae.

"Diyan ka nalang." Mabilis itong tumabi kay Tobe, umupo na rin yung dalawa niyang kasama niya sa bakanteng upuan.

Until We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon